Chapter 10: New Friend

68 15 0
                                    

Eli's Point of View...

Saturday walang assignment, at project pero tambak nang activity, dapat talaga una pa lang tinanggihan ko na pagiging president eh. Hindi ko tuloy alam kung sasama pa kami para sa foundation week na gagapin sa Monday, whole week at puro foundation lang ang gagawin, graded din ang attendance at participation kaya kailangan parin pumasok hays!

Actually na iistress lang ako sa foundation na yan, kahit naman kase di na kami mag participate eh okay lang naman daw sabi ni Ms. Mendez, adviser namin, hindi talaga kami pinag paparticipate, kase sabi ni Ma'am maistress din siya don kaso, bida bida lang tong si Barbie kaya ayan, pati ako napipirwisyo buset.

Napag desisyunan nang mga classmate ko na gumawa na lang kami nang popcorn stall at cotton candy near gymnasuim since may meron din daw ilang grade level ang mag tatayo nang mga stall nang mga pagkain doon dahil balita daw nila, mag sasara ang cafetria for the whole week. Marami rin gagawing palaro sa gymnasuim kaya pumayag ako na don kami.

Pumayag na lang ako sa kanila kesa payagan yung naisip ni Madelyn na Valentine Booth, it's too common pero ang sabi niya kase mag fe-february na daw sa Wednesday buti na bara siya nang vice president kaya di na nag chat pa uli sa gc.

Dahil na rin iisa lang ang section namin nila Luna, napag kasunduan namin na kung ang Section B is mag tatayo nang store, bakit di ang Section A ang lalapit sa costumer, so yung section-b sa labas nang gym habang yung section-a nasa loob nang gym bitbit ang product nang section b, basta ganon gets?

Ang perang malilikom is mahahati into 50/50, half of it is hahatiin pa ang section ko sa section nila luna so bale 25/25, at ang naisipan nang section b sa other half is ipambili nang pagkain at ipamigay sa homeless peoples.

Hindi na kami nakipag talo sa suggestion nang classmate na yun ni Luna at agad kaming pumayag, pumayag din naman yung iba kaya lahat naka settle na, may popcorn machine naman ang classmate kong nag prisinta kaya yun ang gagamitin pati na rin sa cotton candy.

Ang ikina iistress ko lang is kung magiging successful ba yang plano nila, sila naman kase naka isip non, wala rin naman kase akong ma i suggest kase wala naman talaga akong balak jan.

Dumukdok na lamang ako sa study table ko dahil biglang sumakit ang batok ko, alas dose na nang tanghili, medyo malamig din ang panahon dahil kaka-ulan lang, sinilip ko naman ang phone ko na may 5 chat, chat mula sa gc nang section namin, sa gc nang monggi, chat kay Mark, chat kay Kurt at chat kay Luna, inuna kong binuksan yung kay Luna at binasa.

Sinunod ko namang basahin at yung kay Mark na walang kwenta na naman ang sinasabi, puro kalokohan.

Sinunod ko ang kay Kurt na sinasabing ipasa ko rin daw sa kanya yung picture nila ni Luna na kinuha ni Mark, hanggang ngayon ay kinukulit niya parin ako dahil di ko parin ipinapasa sa kanya yon. Onti onti na rin naming nagiging close si Kurt at Mark, pero mas close ko si Mark at mas close ni Luna si Kurt, pareho kamini Luna na kumportable dun sa dalawa kahit kakakilala pa lang namin.

Napapadalas na rin ang pag sama ni Luna kay Kurt at ako kay Mark, its just like 'getting to know each other' pero mukhang sa lagay nung dalawa, parang kilalang kilala nila kami habang kami ni Luna clueless sa identity nila.

Pag open ko sa Gc ng Monggi, puro babae naman ang usapan nila habang ito si Luna nakikipag gaguhan din kala Marvin, nakikisabay sa kagaguhan kaya naki HAHA na lang ako kay Bert na yun lang ang ichinachat sa gc.

Huli kong binuksan yung GC nang section namin and as expected, hindi school relate ang topic nila kaya muli kong pinatay ang phone ko.

Nakarinig naman ako nang pag katok mula sa kwarto ko kaya tumayo ako para pag buksan iyon, nginingitian lang ako nang nakaka loko ni Dadi nang pag buksan ko siya nang pinto, saraduhan ko kaya to? De joke lang.

The Dreamers : The First Dream Book 1Where stories live. Discover now