Chapter 2: Christmas Break

84 17 0
                                    

Luna's Point of View...

"Ms. Pres, can you pass me that glue" tawag sakin nang classmate ko saka ko inabot sa kanya ang glue

"Anong silbi nitong Christmas tree at decorations sa room next week lang Christmas break na, sayang oras" inis na sabi ni Bert habang nag sasabit nang mga christmas ball sa christmas tree.

"Pampa alikabok para next year pag pasok may lilinisin tayo" sabi nung isa naming classmate kaya natawa ako, uh well totoo naman. Sagabal lang to. Kung ako masusunod wala nang paganto, like im too lazy to wake up tapos papagawin pa ako nang ganito hello?

"Puro kayo reklamo di tayo matatapos nito" sabi ko sa kanila pero nakaupo lang talaga ko, tinatamad talaga ako kumilos. Akala ko sila Eli lang pa ganto sa English subject nila like 'christmas decorations' pati rin pala kami

Halos lahat nang room puro decorations na ang ginagawa, yung mga teacher's namin busy kakagawa nang nga powerpoint na ipapasa samin para ipauwi at sagutan habang christmas season. Great.

"Wow pres coming from you, why dont you try to help us here instead of sitting there" sabi nung vice namin.

"Kaya mo na yan, sipsip ka naman eh, go lang" sabi ko pero binusangutan lang ako habang yung iba natawa. Its just a fact, siya nag isip na mag decor kami sa room.

"Kidding I'm just too lazy to move" sabi ko na lang para di siya ma hurt sa sinabi ko pero mukhang na hurt na siya.

"Excuse me, can I  talk to your president?"  Napatingin naman kaming lahat sa pinto kung sino yung tumawag sakin, tumayo naman ako saka lumabas nang classroom, pag labas ko si Eli agad sumalubong sakin

"What?" Tanong ko, sumaklay agad siya sa balikat ko saka ako hinila sa corridor. Itatatakas na naman niya ako

Iisang grade lang kami pareho pero magkaiba kaming section. Eli and I were both Grade 10 and graduating, classmates kami but were on different rooms, Einstein 10 - 1A siya habang ako Einstein 10-1B. Dalawang section ang 1 dahil masyadong marami pag pinagsama lahat.

Tanging section lang namin ang hati dahil over populated na kami, yung ibang section normal class number lang. Kami kase nasa 87 kaya hinati sa dalawa.

"I just want to walk around, tinatamad ako mag decor nang room" sabi ni Eli saka umayos nang lakad. May mga ilan ding student na nasa labas nang room. Malaya lahat nang students ngayon dahil busy ang mga teacher.

"Saan tayo pupunta? Sa cafeteria na lang kaya nagugutom ako eh" sabi ko, tumango naman siya saka kami pumuntang cafeteria.

Ayos din tong school namin may mga indoor cafe shop, food carts street foods at kung ano ano pa.

"Ano bibilhin mo?" Tanong niya nang makapasok kami nang cafe.

"Ikaw bahala, kung ano na lang iyo yun na lang din akin" sabi ko napangiwe naman siya sakin bago pumuntang counter. May mga students din dito sa loob, si Bert andito din kasama iba naming classmate. Si Sandra andito kasama mga alipores niya.

May mga senior high din sa loob.

This school is such a complete package, maganda pangangalakad. May elemenatry, junior high school, senior high school, at next year mag oopen na rin for college students, i think yan ang bali-balita dito eh. Although kahit na International School tong, school namin looks like their processing for the college pa.

Uniform nang elementary is gray, saming nga Junior High is black skirt with long black socks, maroon vest, at white long polo sleeves, may maroon na neck tie din kami na may naka burda nang logo nang school. Ganon din sa lalaki pero black na slacks.

The Dreamers : The First Dream Book 1Where stories live. Discover now