Chapter 32 - Two happy families

1.9K 36 4
                                    

Weekend. Pumunta si Sarah kina Gerald. Na-sorpresa naman sa pagdating niya sa bahay dahil hindi naman ito nagpasabi. Pinapunta muna ni Divine si Sarah kina Gerald para na din matuloy ang plano nilang pagso-sorpresa kay Sarah para sa pagdating ni Delfin.

“Sarah?!” pagbukas ng pinto ni Nhila.

“Hello po Nay Nhila!” sabi ni Sarah. “Good morning!”

“Halika! Pasok ka! Biglaan ata ang pagdating mo ha!”

“Ewan ko ba Nay. Wala naman kasi akong planong magpunta dito pero kinukulit ako ni Mommy na pumunta daw dito. May gagawin daw siya.”

“Baka naman may sopresa! Oh teka tawagin ko si Gerald!” umakyat si Nhila at tinawag sina Gerald at Cobbe. Wala naman si Fred kasi nasa isang important business meeting.

“Mommy Sarah!!!” sigaw ni Cobbe.

“Hello Cobbe!” sabi ni Sarah at kiniss si Cobbe sa cheeks.

“Mommy Sarah, anong ginagawa mo dito?”

“Kasi si Mamita mo, sabi pumunta daw ako dito kasi may gagawin daw siya sa house niya so sinunod ko na lang.”

“Naliligo pa si Gerald. Pababa na rin yun maya-maya.” sabi ni Nhila na pababa ng hagdan. “Aayusin ko lang muna ang ating tanghalian.” at pumunta na sa kusina si Nhila.

“Halika Mommy Sarah! Let’s go upstairs!!” sabi ni Cobbe.

“Bakit? Ano namang gagawin natin sa taas? Dito nalang tayo.” sabi ni Sarah.

“Mag-play tayo ng toys na binigay mo while waiting for Daddy.”

“Okay sige.” sabi ni Sarah at umakyat silang dalawa at pumasok sa kwarto ni Gerald. “Dito ba talaga ang kwarto mo?”

“Nope.”

“Eh bakit tayo andito?”

“Dito kasi nakalagay yung ibang toys ko. Hindi na magkasiya sa kwarto ko.”

“Ah okay. Oh you get na your toys.” sabi ni Sarah at kinuha ni Cobbe ang mga toys niya. Maya maya pa’y lumabas si Gerald sa CR na naka-boxer lang at walang takip na towel. “Holy cow!!!!”

“Babe?!” nagulat din si Gerald at biglang napatalikod. “Anong ginagawa niyo dito?”

“Mag-towel ka!! Kinuha lang namin yung toys ni Cobbe!” sabi ni Sarah. “Oh my Gosh!! Ang hot ng babe ko! Hahaha!”

“Di ka man lang nag-text o tumawag na pupunta ka pala dito.” habang nasa CR si Gerald at nagbibihis.

“Eh kasi nawala na sa loob ko. Pinapunta ako ni Mommy dito dahil may gagawin daw siya sa bahay and I don’t know why.”

“Mommy Sarah, Mommy Sarah, look.” pinakita ni Cobbe ang kanyang toy na Cars.

“Wow. It’s cute Cobbe.”

“Thanks Mommy Sarah! Dad! Dalian mo naman dyan para makapag-play na tayo!”

“I’m done!” sabi ni Gerald at lumabas na sa CR.

Naglaro sila ng mga games. Silang tatlo at masayang-masaya sila. Kung titignan mong mabuti, para silang isang pamilya. Kumain sila ng lunch at meryenda ng sabay sabay. Nakapag-bonding silang tatlo.

“Hello?” sabi ni Sarah at tumawag sa kanya si Divine.

“Sarah, uwi ka na!”

“As in ngayon na? Mom, ano ba kasi yan! What is happening!”

“Basta malalaman mo nalang kapag umuwi ka na okay? I’ll wait for you.”

“Okay. Fine!”

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Where stories live. Discover now