Chapter 49 - Starting with anew

1.1K 20 2
                                    

Author's Note: Sorry po sa matagal na paghihintay!!! After 4 months, eto na po ang newest update :)

Natapos na naman ang isang araw sa kumpanya ni Sarah at naghahanda na siya para umalis nang biglang may bumulaga sa kanya. Andoon si Coco para ihatid siya pauwi. Nabigla siya dahil hindi naman niya ine-expect na gagawin iyon ni Coco pero biglang naalala niya, “Nanliligaw na nga talaga siya.” ito ang nasa isip ni Sarah pero hindi naman niya minamadali ang kanyang sarili.

“Coco! What are you doing here? It’s late!” sabi ni Sarah na nasa labas na nang kanyang office. Tanaw na tanaw siya ni Gerald mula naman sa kanyang office.

“Wala lang. Gusto ko lang na ihatid kita sa bahay mo.” sabi ni Coco.

“Ako? Ihahatid mo? Wag na! Meron naman akong sasakyan! Kaya ko nang mag-drive. Tsaka ayokong iwanan yung baby ko.”

“Baby?!?”

“Yes! Baby! Baby tawag ko dun sa sasakyan ko.”

“Sige. Iiwanan ko nalang yung kotse ko dito sa parking niyo. Pagkatapos ko nalang maghatid sayo saka ko babalikan dito.”

“Diba masyadong hassle yun for you?”

“No it’s okay. Ako naman ang may gusto nang ganitong set-up diba? So pano? Halika na!” sabi ni Coco at inaya na niya si Sarah. Lumabas na sila ng floor. Lahat yun ay nakita ni Gerald na papaalis na rin ng office.

“So nanliligaw na sa kanya si Coco? Okay……” sabi ni Gerald sa kanyang sarili.

Puspusan talaga ang panliligaw ni Coco. Matyaga na agad, unang araw pa lang naman pero si Sarah ay hindi pa naman pinapansin masyado ang mga bagay na ganito dahil para sa kanya ay hindi pa talaga siya handa para sa panibagong relasyon. Nasa stage pa lang siya nang pagmo-move on. Mejo tahimik silang dalawa sa loob ng sasakyan.

“Coco, you know, uhm… you don’t have to do this actually.” sabi ni Sarah to break the silence.

“Bakit naman? Diba sinabi ko naman sayo na gusto kitang ligawan?” sabi ni Coco habang nagda-drive.

“Oo nga pero sinabi ko rin na hindi pa ako ready okay? Baka kasi masaktan ka eh.”

“Sarah, you don’t have to feel guilty. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo and I am willing to wait okay? Chill ka lang dyan!! Okay ako. Wag kang mag-alala.”

“Okay.” sabi ni Sarah. “Nga pala, I’m going to Davao for one day.”

“Bakit naman? Anong gagawin mo dun?”

“May kailangan lang akong gawin para mabigay sayo yung proposal papers.”

“So bakit sa Davao pa? Ano ba yun?”

“Hindi mo na kailangan malaman. Uhm… ganito nalang para mapaganda yung project natin. Para sure na sure na talaga.”

“Okay. Mag-ingat ka dun! Kelan alis mo?”

“Hindi ko pa alam eh. Maybe bukas ata?”

“Ohhh. I see.” sabi ni Coco na nakapasok na sila sa village ni Sarah hanggang tumapat sa bahay ni Sarah. “Eto ba?”

“Yes. Dyan na lang.” sabi ni Sarah at itinabi ni Coco ang sasakyan at bumaba sila. “Halika, pasok ka muna. Magpakita ka muna kay Mommy.”

“Hindi na! Kukunin ko pa yung sasakyan ko dun sa parking niyo.”

“Are you sure?”

“Oo naman! There’s always a next time. Alam ko soon, magkikita rin kami ulit ng Mommy mo!”

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Where stories live. Discover now