Chapter 8 - Ang Pabor

2.1K 32 4
                                    

Humiling ng pabor ni Delfin kay Gerald at yun nga ay para turuan ng leksyon si Sarah dahil sumosobra na sa kasamaan ng ugali.

“WHAT?!?!?!?! Anong ibig sabihin nito?!?!?!” sabi ni Sarah nang malaman ang ginawa ni Delfin.

“Pinilit mo akong gawin ito, Sarah. Alam ko naman para sa ikabubuti mo yun.” sabi ni Delfin.

“Ikabubuti? Eh mas lalo mo lang pinalala. At mas lalo mo lang pinalala yung galit ko sayo at sa lugar na ito!!!!!”

“Wala ka nang magagawa. Simula bukas, lilipat ka na sa bahay nina Gerald. Dun ka maninirahan hangga’t hindi mo natutunan ang leksyon mo. Walang gadgets! Cellphone lang. Grounded mga ATM mo. Kung kailangan mo, matuto kang humingi. Matuto kang mamuhay ng simple. Pag nagawa mo yun, saka ko pipirmahan ang annulment papers.”

“Annulment papers? Anong annulment papers?!?” tanong ni Gerald sa kanyang sarili habang nakikinig sa usapan ng mag-ama.

“This is not real!!!!!!” sabi ni Sarah.

“Si Gerald ang mamamahala sayo. Kapag may nakita siyang mali o may ginawa ka na naman na masama ay sasabihin niya lahat sa akin kaya ayusin mo Sarah. Baka matapos ang summer hindi ko pa din napipirmahan ang annulment papers.” sabi ni Delfin.

“You’re ruining my life!!!!!” sabi ni Sarah sabay walk out.

“Basta Gerald, ikaw na muna bahala sa anak ko ha? Pabayaan mo siyang maghirap hangga’t hindi siya natututo.” sabi ni Delfin.

“Opo Sir. Ako na hong bahala.” sabi ni Gerald. “Nako eto na talaga. Um-oo ako sa pabor na hiningi sa akin ni Sir Delfin. Bahala na si Papa God!”

“I can’t believe na gagawin niya yun!!! He can’t control my life!!! No way!!!” sabi ni Sarah sa kanyang sarili habang papunta sa kanyang kwarto. Nagulat siya nang makita si Manang Julieta na iniimpake na ang kanyang mga gamit. “What are you doing?!”

“Sarah ikaw pala yan.” sabi ni Manang Julieta nang makita si Sarah sa kwarto. Hindi niya agad napansin si Sarah dahil busy siya kaka-impake. “Pinapa-impake na kasi ito ng Daddy mo.”

“I can’t believe this!!!! I have to call Mom!!!!” sabay walk out.

“Hello Mom! I have to tell you something.” sabi ni Sarah.

“What baby? Don’t tell me nag-away na naman kayo ng Daddy mo?”

“No, it’s not pero worse than that!”

“Ano yun?”

“Pinarusahan niya ako! Pinapatira niya ako dun sa bahay ng tauhan niya tapos grounded mga ATM ko. Wala din akong mga gadgets except my cellphone. Gusto niyang matutunan ko kung paano mabuhay ng simple and I can’t do that of course!!!” biglang natawa si Divine sa kabilang linya. “Mom?!? Anong nakakatawa?!? Hindi nakakatawa!!!”

“Alam ko na yan Sarah.”

“What do you mean na alam mo?”

“Sinabi kasi sa akin ni Delfin yan and I think it’s a good thing. It’s for your own good naman eh. For a change.”

“WHAT?!? Mom?? How could you do this to me?!? Nagawa mo pang makikuntsaba dun sa lalaking yun!!”

“Baby, I’m in the spa okay? Just call me from time to time. Bye! I love you! Enjoy!”

“Hello? Mom?!?!” at biglang binabaan ng cellphone si Sarah ni Divine. “Shit!”

Wala na talagang nagawa si Sarah kung hindi ay sumunod na lamang sa pinapagawa ni Delfin. Inisip nalang niya na para sa annulment yun ni Divine at Delfin. Oras na para umalis sa bahay ni Delfin. Mejo madami ang bagahe ni Sarah at si Gerald ang sumundo sa kanya para ihatid sa kanilang tinitirhan.

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin