Chapter 23 - The revelation

2K 36 3
                                    

Author's Note: Hello po! Sorry kung ngayon lang ulit nakapag-update. Madaming nangyari lang po these past few days. So, etong chapter na ito, grabe ang mangyayari.

Naglasing ng todo-todo si Sam at napansin na nina Echo at Piolo na parang hindi na maganda ang mga nangyayari sa kanilang kaibigan. Laging binanggit ni Sam si Sarah sa mga kaibigan pero talagang lasing na siya. Groggy na at hindi na masyadong makausap nang matino. Hindi alam nina Echo at Piolo ang gagawin kasi alam nilang kapag inuwi ito sa bahay ng parents ni Sam ay tiyak na magagalit ang mga ito.

“Sarah…. Sarah!! Mahal….na..mahal kita!!” sabi ni Sam sa tonong lasing.

“Bro! Anong gagawin natin?! Hindi naman kasi natin siya pwedeng iuwi kina Tita magagalit yun pag nakitang lasing si Sam!” sabi ni Piolo.

“Sakin di naman pwede. Andun girlfriend ko ngayon. Sa inyo ba pwede?” sabi ni Echo.

“Nako! Mas lalo namang hindi pwede!!”

“Eh ano na gagawin natin ngayon?”

“Sarah!!!!” sigaw pang muli ni Sam.

“Eh kung tawag nalang kaya natin si Sarah?” tanong ni Echo.

“Baka naman hindi pumayag yun. Diba nga nag-away sila.” sabi ni Piolo.

“Try lang natin. Teka ano bang number niya?” sabi ni Echo at kinuha niya ang kanyang cellphone at hinanap si Sarah sa kanyang contact list. “Eto pa kaya yung number niya?” at kinon-tact niya na si Sarah at ito’y sumagot. “Sarah?”

“Echo?”

“Yes. This is Echo!”

“Oh Echo! Napatawag ka ha! Long time!! Kamusta?”

 “I’m fine. Sarah, I want you to do me a favor.”

“Favor? Bakit?”

“Alam ko namang mag-kaaway kayo ni Sam ngayon and in fact, kasama namin siya sa bar eh lasing na lasing. Hindi naman namin alam kung anong gagawin namin.”

“Iuwi niyo kina Tita!”

“No. Sarah? Diba alam mo naman yung parents niya?! Baka magsanib ang langit at lupa!”

 “Eh di sa mga bahay ninyo! Bakit ba kasi ako?”

“Kasi Sarah kanina ka pa niya binanggit!”

“Eh ano naman ngayon kung lagi niya akong binabanggit dyan! Lasing nga diba?! Tsaka totoo ba yan?! Baka mamaya ine-echos niyo lang ako! Malalagutan ko kayo ng hininga!!!”

“Yeah! This is real Sarah. Kasama din namin si Piolo. Sige na Sarah! Maawa ka naman sa fiancée mo! Nagsisi na nga sa mga nagawa niya eh! So ano? Para makauwi na din kami!!”

“Okay sige na nga! I-text niyo sakin kung san yan.”

“Okay thank you Sarah!!! The best ka talaga!!!” at binaba ang cellphone. “Okay na!”

Pumunta agad si Sarah kung nasaang bar sina Sam, Piolo at Echo. “Hindi ko alam kung bakit ko pa ‘to ginagawa! Hindi ko alam kung malasakit ba ito para kay Sam, konsensiya ba o naawa ako sa kanya!” sabi ni Sarah sa kanyang sarili habang papunta sa bar.

“Sarah!!! You came!!!” sabi ni Echo.

“Asan na siya?” tanong ni Sarah at lumabas si Piolo buhat buhat si Sam. Nakita ni Sam si Sarah kaya naman natuwa ito.

“Sarah?! Sarah ikaw ba yan? Anong ginagawa mo dito?” sabi ni Sam sa tonong lasing pa din.

“Ipasok mo na Piolo sa sasakyan yang lalaking yan. Ihahatid ko nalang siya sa condo niya. May susi naman ako.”

“Thank you talaga Sarah ha? Hindi kasi namin alam ang gagawin dyan kay Sam! Bihira na nga magpainom tapos nalasing pa ng todo!!” sabi ni Echo.

“Okay lang yun. Sige! See you soon guys!”

“Salamat Sarah!” sabi ni Piolo at sumakay na si Sarah nang sasakyan at nag-drive siya papuntang condo ni Sam.

“Hindi ko alam kung maniniwala na ba talaga ako sa mga pinaggagawa niya eh! Naglasing siya so ibig sabihin nagsisi na siya? Pero hindi naman ibig sabihin nun nagsisi na! Porket naglasing? Ewan bahala na! Basta pagkahatid ko sa kanya, bahala na siya!” sabi ni Sarah sa kanyang sarili habang nagda-drive.

“I’m sorry Sarah. Sorry talaga.” sabi ni Sam sa tonong lasing.

“Kung talagang nagsisi ka, hindi naman sa ganitong paraan! Diba ang tagal ko nang sinasabi sayo na wag ka ng iinom pero di mo naman sinunod!”

“Because I love you Sarah! Nag-away tayo ulit.”

“Ikaw naman kasi ang problema! Hindi ka naman ganyan dati!”

“Anong ako?!?”

“Sam, alam mo kung ayaw mong ikaw ang nasisisi pwede? Tumahimik ka nalang!! Sa totoo lang dapat hindi ko na ‘to ginagawa eh! Pasalamat ka may natitirang malasakit pa sakin!!!”

Mas lalo lang tumibay ang galit ni Sarah kay Sam at unti-unti niyang nari-realize na habang tumatagal, naiiba na ang takbo nang kanilang relasyon. Dati sobrang saya nila na halos walang pinag-aawayan at laging nagkakasundo pero ngayon, kung kelang naging engaged sila naging magulo naman at puro away at selosan nalang ang nangyayari.

“Andito na kami sa condo! Ang bigat naman nitong si Sam! Nakakahiya ha! Baka akalain ng mga tao dito kung ano yun ginawa ko sa kanya!!!” sabi ni Sarah at inilapag na si Sam sa couch. “Ayan! Ang bigat mo ha! Kaya mo na siguro sarili mo. Sige na aalis na ko!”

“Sarah!!! Wag muna please?!” sabi ni Sam tonong lasing pa din.

“Bakit ba Sam? Hindi pa ba sapat na hinatid kita dito? Pasalamat ka mabait pa ko sa lagay na ‘to pero kung papupunasin mo ko ng mukha mo, pagtitimplahin ng kape at paglilinisin ng suka mo, aba! Kumuha ka ng caregiver, hindi fiancée!!!”

“Mahal ko si Sarah!!!” sabi ni Sam. “Wag niyong intindihin yang pustahan na yan!!!!”

“Pustahan?! Anong pustahan!! Ganito ba talaga pag lasing? Magulo kausap? Pero sabi rin nila kapag lasing, dun nila nailalabas ang lihim na pinakatatago nila.” sabi ni Sarah sa kanyang sarili. “Anong pustahan?”

“Naging girlfriend ko si Sarah okay? Hindi pa ba kayo masaya! 100,000 yun!!! Tiba-tiba!!!”

“WALANG HIYA KA SAM!!!! WALANG HIYA KA!!!!!” pinaghahampas ni Sarah si Sam at umalis ng condo. “NILOKO MO KO!!!! NILOKO NIYO KO!!! PINAGLARUAN NIYO KO!!!!”

“Sarah!!! Wait!!!” groggy pa din si Sam sa lagay na ito.

Sobrang nabigla si Sarah sa kanyang mga nalaman. Hindi niya ine-expect na ang lahat ng kung anuman ang nangyari sa relasyon nila ni Sam ay isang malaking pustahan! Sobrang siyang nasaktan dahil kahit papaano ay mahal niya din naman si Sam. “All these time!!! Akala ko totoo lahat! Pano niya nagawa sakin ‘to? Never in my life, I swear! Hindi ko siya niloko! Pero bakit ako kaya niya akong lokohin? Tsaka minahal ko naman siya ng totoo ah!” sabi ni Sarah na lumuluha na nagda-drive pauwi.

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Where stories live. Discover now