Chapter 54: Decision

437 10 2
                                    

Hindi alam ni Sarah kung paano i-describe ang nangyari sa kanilang dalawa ni Gerald sa Davao. Maganda, dahil alam naman niya sa sarili niya na mahal pa niya si Gerald. Panget, dahil hindi na sila ni Gerald at kailanman hindi na sila pwedeng maging sila dahil may magiging anak na sina Gerald at Kim. Nakauwi na si Sarah sa kanilang bahay at sinalubong siya ni Divine at napansin ni Divine na balisa ang anak.


"Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Mukhang alam ni Mommy na may problema ako." sabi ni Sarah sa kanyang sarili. "Hi Mom!" pilit niyang bumati nang maligaya pero sadyang di niya maitatago ang tunay na nararamdaman.


"Why? Are you having a bad time? Bakit ganyan ka? Anong nangyari sa Davao? Tell me." sunod-sunod na tanong ni Divine kay Sarah. Pero walang imik si Sarah. "I knew it! Anong nangyari? Come on! You can tell me."


"Kasi Mi...." pag-umpisa ni Sarah. "Inamin na ni Gerald ang lahat lahat nang nangyari sa states!!"


"And then?"


"He said na hindi niya sinasadya yung nangyari sa kanilang dalawa ni Kim. Naglalasing daw siya nun because of me and Cobbe. And wala na siyang alam. Nagulat na lang siya na kasama niya si Kim."


"My God Sarah!!! Diba I told you na hingin mo muna ang explanation niya and maybe he has one. And there you go! Meron nga!"


"Tama nga si Mommy.... Pero wala na... huli na ang lahat.... Huli na nga ba???" sabi ni Sarah sa kanyang sarili. Di niya maiwasang mag-isip. "Tapos.... Inamin niya na mahal niya ako at...." natigilan siya. "Sasabihin ko ba kay Mommy o hindi?"


"Oh bakit ka tumigil? May nangyari pa bang iba?"


"May.... may... may nangyari ...samin ni Gerald." utal utal na sabi ni Sarah na mejo ilang.


"WHAT?! My God Sarah!!!!"


"I know Mom. And I'm sorry! Bugso lang yun nang damdamin namin ni Gerald and I still love him! I do!"


"You know that he's technically married but not legally right? May anak na sila ni Kim and sooner or later baka magpakasal na sila."


"But inamin niya sakin na hindi niya mahal si Kim at ako ang mahal niya!"


"SARAH!!! Stop it!!! Hindi kita pinalaki na maging ganyan ka ka-tanga sa pag-ibig! Ang tali-talino mo tapos ganyan ka?" pagalit na sabi ni Divine.


"Sorry Mom....."


"I know you love each other pero nasira na yun. And it will never come back. And besides, nandyan naman si Coco. Why don't you give him a chance?"



Nag-isip isip si Sarah at napagtanto ang mga sinabi ni Divine sa kanya. "Tama nga si Mommy... Siguro it's time para tuluyan ko nang kalimutan si Gerald. Yung nangyari samin sa Davao 4 years ago, yung naging kami at naging anak-anakan pa namin si Cobbe, yung na-kidnap kami at napatay si Cobbe ng di oras at higit sa lahat yung pagsira niya ng trust ko sa kanya. It's time to move on..... Goodbye forever..... Gerald." tinatak na ito ni Sarah sa kanyang isip at puso.

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Where stories live. Discover now