Chapter 36 - Ang Pamamaalam

1.8K 32 10
                                    

Author's Note: Ihanda niyo po ang inyong mga sarili para sa isang napakalungkot na chapter. Sorry po pero ganito ang gusto kong takbo ng story. Hehe! Ihanda na ang mga tissue!

Nag-iintay pa din ng text si Gerald kay Sam tungkol dun sa lugar na pagkikitaan nila. Buo na talaga ang desisyon niya. Susundin niya si Sam kahit na alam niyang delikado para mailigtas lang sina Sarah at Cobbe.

FROM: SARAH

Pumunta ka sa Kalipan building sa may likod ng abs-cbn. May makikita kang lumang building. Subukan mo lang na magdala ng mga pulis o mga baril, napapalibutan yun ng mga tauhan ko. Isang tawag lang sabog ang bungo nito!

“Nag-text na si Sam!” sabi ni Gerald at inilagay sa bulsa ang kanyang cellphone at naghanda na para umalis. “Aalis na ho ako. ”

“Sigurado ka bang kaya mo?” sabi ni Nhila na alalang-alala sa gagawin ng anak.

“Kaya ko Nay. Kakayanin ko para kay Sarah at kay Cobbe. Kawawa naman yun bata Nay!”

“San ba daw?” tanong ni Delfin.

“Sa may kalipan building. Likod daw ho ng abs. Yung daw hong luma.”

“Gerald, hijo, iuwi mo si Sarah nang buong-buo ha at yung buhay na buhay.” sabi ni Divine na nag-aalala na din kay Sarah.

“Sige ho. Makakaasa ho kayo.”

“Mag-iingat ka Gerald!” sabi ni Delfin.

“Oho.”

“Kuya, ingat!” sabi ni Fred.

“Ingat ka anak!” sabi ni Nhila.

“Sige ho!” sabi ni Gerald at tuluyan nang umalis. Hindi naman mapalagay si Nhila at napansin ito ni Divine.

“Nhila, ayos ka lang ba? Gusto mo ba ng tubig?” tanong ni Divine.

“Sige Tita ako nalang kukuha.” sabi ni Fred at kumuha ng tubig sa kitchen.

“Nag-aalala kasi ako para kay Gerald eh! Masyadong delikado ang kanyang ginawa!” sabi ni Nhila.

“Nagpapasalamat kami sa anak mo Nhila. Mahal na mahal niya talaga ang aming anak!” sabi ni Delfin.

“Wala yun Sir! Ang laki ng utang na loob namin sa iyo nung mga panahong nasa Davao pa tayo!”

“Tumawag nalang kaya tayo sa pulis? Nang sa gayon eh malaman na nila kung saan nila dinala si Sarah at Cobbe. Back up lang para kay Gerald.” sabi ni Divine.

“Tama!” sabi ni Delfin. “Sinabi naman ni Gerald ang lugar diba?”

“Oo. Sa Kalipan building sa likod ng abs-cbn. Yung luma daw.” sabi ni Nhila at patawag na si Delfin sa mga pulis.

Papunta na nga si Gerald sa lumang building kung nasaan sina Sarah at Cobbe. Samantala, patuloy naman ang pagpapahirap kina Sarah at Cobbe. Tinatrato na silang parang isang daga na nasa bodega. Habang natutulog si Sarah ay nakaramdam siya ng isang humahaplos sa kanyang katawan.

“Walang hiya ka!!!!” at nagising si Sarah. Hinahaplos pala siya ni Sam at aktong hahalikan. “Bastos!!!!”

“Bakit Sarah? Wala ka ng magagawa. Akin ka na ngayon!!!” sabi ni Sam sa tonong pang-aasar.

“Pupunta dito si Gerald!!! Ililigtas niya kami!!!!”

“Pupunta nga siya dito pero bago mangyari yun, ako muna ang kukuha ng pagkababae mo!!!” at si Sam ay aktong ire-rape niya si Sarah.

“Ano ba!!! Ano ba!!!! Tigilan mo ko!!! Walang hiya ka!!!” sabi ni Sarah na patuloy ang pag-ilag kay Sam at nakita ito ni Cobbe.

“Anong ginagawa mo kay Mommy Sarah!!!!” sigaw ni Cobbe. “Tigilan mo siya!!! Tigil!!!!” pinagdadaganan ni Cobbe si Sam dahil nakagapos nga ang mga kamay nito.

“Tumigil kang bata ka ha!!! Kung ayaw mong iputok ko ito sa Mommy Sarah mo!!!” sabi ni Sam at tinutok ang baril kay Sarah.

“Cobbe, wag ka nang sumali. Please, kaya na ni Mommy Sarah okay? Bumalik ka na sa pagtulog.” sabi ni Sarah na halatang alalang-alala kay Cobbe at sa baril na nakatutok sa kanya.

“Noooo!!! Wag mo siyang babarilin!!!!” kinulit pa ng kinulit ni Cobbe si Sam hanggang sa…… BOOM!!!

“COBBEEEEEEE!!!!!!!” napasigaw, napatili at napaiyak ng husto si Sarah. Nabaril si Cobbe ni Sam nang di sinasadya. Gumapang siya dahil nakagapos pa rin ang kanyang kamay at pinuntahan niya kung nasaan ang katawan ni Cobbe. “I’m so sorry Cobbe!!! Hindi ka dapat nadadamay sa awayan naming tatlo. Hindi ka dapat nabaril. Hindi. Please wake up. Please.” sabi ni Sarah sa kanyang sarili habang patuloy ang kanyang pag-iyak.

“Mommy Sarah…. I love you… sana magkatuluyan kayo ni Daddy. Please tell them…. I love youuu….” utal utal na sabi ni Cobbe hanggang sa binawian na siya ng buhay.

“COBBEEEE!!!! Wake up!!!! Gising!!! Noooo!!!” nagwawala na si Sarah. Wala na ngang hininga si Cobbe. “Tingnan mo ginawa mong demonyo ka!!!!! Tingnan mo!!! Walang kamuang-muang na bata pinatay mo!! Anong klaseng tao ka ha!!! Wala ka na ba talagang awa?!?!?”

“Wala akong magagawa. Ang kulit niya eh.” sabi ni Sam at nag-walk out. Halatang-halata sa kanya na nabigla din siya sa kanyang nagawa. Hindi naman niya intensyon na makapatay ng tao eh.

Author's Note: LET'S END THE YEAR WITH A BANG!!!! AKO NA PO ANG UNANG BABATI NG HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!! THANK YOU SA LAHAT NG SUPPORT NINYO SA LAHAT NG FAN FICTIONS KO. LAST UPDATE FOR THE YEAR 2012. - freakiemoi

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Where stories live. Discover now