Chapter 48 - Lunch date with a new man

1.4K 25 9
                                    

Iniisip pa din ni Sarah ang isang kundisyon na sinabi ni Gerald sa kanya na kailangan siyang sumama sa kanya ng isang araw sa Davao at kailangang umarte sila na para bang mag boyfriend girlfriend ulit bago niya mapirmahan ang proposal papers para kay Coco. Naguguluhan siya kung papayag ba siya o hindi. “Hindi ko alam kung papayag ba ako? Bakit kasi ganyan pa yung kundisyon niya?! Ano bang gusto niyang palabasin??!!” ang mga nasa isip ni Sarah habang kasalukuyang nasa lunch date sila ni Coco.

“Sarah? Hey!” sabi ni Coco. “Are you okay? Kanina ka pa tulala dyan!”

“Ah… uhm… I’m sorry….” sabi ni Sarah. “I’m just thinking of something.”

“Are you sure? Gusto mo bumalik na tayo sa office mo? Or iuwi nalang kita para makapagpahinga ka?”

“No!! It’s okay. Okay lang ako, wala akong sakit! Ano ka ba!”

“Akala ko kasi eh… anyway, kainin mo na yang pagkain mo! Di mo pa nagagalaw.”

“Oo nga.”

“So uhm.. gusto ko lang magtanong, if I may…”

“Sure. Ano yun?”

“Are you okay now?”

“Yes! I’m okay diba? Wala akong sakit!”

“Hindi.. I mean diba nag-open up ka sakin about your boyfriend the first time that we met. Remember?”

“Ah yeah!” sabi ni Sarah. “Bakit naman kaya niya tinatanong itong mga bagay na ganito?”

“So ano? Okay ka na ba?”

“Honestly, I’m trying to move on and forget. But kung tatanungin mo ako if I’m okay, okay ako in every aspect pero emotionally, I’m healing pa. I’m a work in progress.”

“I see. That’s good!” sabi ni Coco na tila nagpapahaging sa kanyang tanong at kanyang mga tingin kay Sarah. Tila ba parang may gusto siyang iparating kay Sarah, romantically. Mejo napapansin ito ni Sarah. Awkward silence for a moment…

“So! Uhm.. yung proposal papers nga pala for the new project natin is to follow pa.” sabi ni Sarah. “May isang ugok kasi na ayaw pang pumirma! Ang daming arte! Tila artista!!!”

“It’s okay. Hindi naman ako nagmamadali.”

“Pero, I promise. It will come to you this week. “

“Okay…” sabi ni Coco. “Sarah… uhm.. I know this is quite fast but I can’t help it.”

“What do you mean?”

“I think… I think I like you.”

“You like me?”

“Yes! And I want to court you.”

“Wow! Oh my gosh! Hindi naman ako prepared dun.” sabi ni Sarah. “But jokes aside, alam mo naman diba? Fresh pa sakin yung mga nangyari samin ni Gerald and I am still moving on.”

“Sarah, okay lang sakin. I just want to court you and prove to you that I like you. I will wait kung kelan ka magiging ready.”

“But Coco, if I allow you, parang magiging panakip butas ka lang. You know what I mean?”

“I know, I know but I want to do this! Please?” sabi ni Coco at naghintay siya ng sagot mula kay Sarah. Maya maya pa’y…..

“Okay… but, I’m not promising anything Coco and sana wag ka munang umasa okay?”

“Yes. Yes of course. Thank you!” sabi ni Coco at hinawakan ang kamay ni Sarah.

“Ang bilis naman ng kamay!” sabi ni Sarah sa kanyang sarili at hinawakan din naman niya ang kamay ni Coco. “Wala yun. I could see that you’re happy.”

“Magiging masaya ka rin Sarah…. pangako.”

Inamin na nga ni Coco kay Sarah na may gusto siya sa kanya. Unang beses pa lang nung nagkita sila, para i-meet siya ni Sarah for the new project, na-attract na kaagad si Coco kay Sarah at may na-feel siya na parang may something special kay Sarah kaya hindi na siya nagpaligoy-ligoy. Inamin na niya agad kay Coco. Hinatid ni Coco si Sarah pabalik ng office, mejo may extra care and affection na si Coco kay Sarah at napansin naman ito ni Gerald na tanaw na tanaw sa kanyang office.

“Mam ano po yun?” tanong nung secretary.

“Could you call Mr. Anderson here in my office. Now! It’s urgent pakisabi.” sabi ni Sarah.

“Okay Mam Sarah.” at lumabas yung secretary at maya maya pa ay dumating na din si Gerald sa loob ng office ni Sarah.

“Na-miss mo ko noh?” sabi ni Gerald kay Sarah.

“Ang kapal din ng mukha mo noh!!!” sabi ni Sarah.

“So bakit mo ko pinatawag? Ah… alam ko na! Dahil ba gusto mong makita yung poging-pogi kong mukha?! Ha??”

“Kahit kelan talaga!!! Saksakan ng hangin yang utak mo!!!”

“Ang cute cute niya talaga kapag naaasar! Hay! Kaka-miss!” sabi ni Gerald sa kanyang sarili. “Oh eh bakit mo ko pinatawag?”

“Pumapayag na ko.”

“Pumapayag ka na sa kundisyon ko?”

“Oo, pumapayag na ako na sumama sayo sa Davao for one day.”

“Heps! May nakakalimutan ka!!!”

“At umarte tayo na para bang mag-boyfriend at girlfriend ano? Masaya ka na!???” sabi ni Sarah. “I can’t believe I’m saying this!!!! My God!!!”

“Ayun! Kuha mo!!!”

“So… what are you waiting for? Sign these papers! Para naman hindi nakakahiya kay Coco!” binigay ni Sarah kay Gerald ang mga proposal papers.

“Ano ka? Sinuswerte?? Mamaya hindi mo pa tuparin yung usapan natin at maisahan mo pa ako!! Gagawin mo muna ang kundisyon ko bago ko yan pirmahan!”

“ANG DAYA DAYA MO!!!!!! What if hindi mo tuparin yung usapan ha????”

“Ako? Ako pa ang hindi tutupad? Tutupad ako! Manalig ka lang sakin!!! Pangako!!”

“Baka lokohin mo lang ako ulit!! Pano pa ko magtitiwala sa mga pangako mo!!!” sabi ni Sarah na tila natamaan si Gerald sa kanyang sinabi. Mejo awkward silence.

“Pipirmahan ko yan. Wag kang mag-alala.” malumanay na sabi ni Gerald na para bang natauhan. “Ako nang bahala sa ticket. Sige. Tatawagan nalang kita.” at lumabas si Gerald ng office ni Sarah. “Tama si Sarah. Pano pa siya maniniwala sa mga pangako ko diba? Pero pangako Sarah, hindi na kita lolokohin pa ulit. Totoo itong mga sinasabi ko.”

“Natamaan siya sa sinabi ko. Halata naman eh. Pero hindi ko naman masisisi sarili ko kung bakit ko nasabi yun dahil totoo naman! Hay! Bahala na si Lord kung ano ang mangyayari samin sa Davao!!!” sabi ni Sarah sa kanyang sarili. 

Author's Note: Balik Davao sila!!! Ano kaya ang mga magaganap doon? Hmmmm.... :)

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin