Mikay: I’m sorry… Got stucked in the traffic…

Tumango lang ito… At muling lumingon sa klase…

Gino: Just try to find any available seats, then…

Tumuloy na siya sa loob at naghanap ng bakanteng upuan… Natanawan naman niya ang isang kaklase na itinuturo ang bakanteng tabi nito… Buti na lang medyo ka-close niya iyon… Pagkaupo niya ay agad niya itong tinanong nang pabulong…

Mikay: Betty, nasang page na ba kayo?

Nilalabas pa lang niya ang libro sa bag…

Betty: Page 26 na…

Habang binubuklat ang libro ay muli siyang nagsalita…

Mikay: Bakit siya ang prof. natin? Nasan na ‘yung isa?

Betty: Nakasick-leave daw eh… Ayaw mo nun, sigurado pasado ka na…

Mikay: Sira… Nakita mo naman kanina ‘di ba… Parang hindi ako kilala kung makipag-usap…

Napangiti naman si Betty sa sinabi niya. At tila napansin iyon ni Gino…

Gino: Miss?... Can you try to answer my question?

Betty: Uhm, I-I’m s-sorry, sir… B-But what was the question?

Gino: Well, you seem to be not listening, then… I was asking for the alternative formula of the equation that’s on the board…

Matagal na hindi makasagot ang katabi niya…

Gino: Anyone? Anyone who can help you?

Seryoso itong tumingin sa kanya… At lalo siyang kinakabahan… ‘Pag tinawag siya nito ay wala siyang maisasagot… Nakakahiya sa mga classmates niya... Desperada na siya kaya nagpakita siya nang nakikiusap na tingin dito at bahagya siyang umiiling na tila ipinapaalam niyang hindi niya alam...

Umiwas na ito ng tingin sa kanya…

Gino: Anyone from the class?

Buti na lang at may nagtaas na ng kamay at nakasagot nang tama…

Gino: Yes that’s correct… But that’s only the alternative. So, it’s still important that you comply with the standard… Anyway, class, before I proceed, I just want to make it clear that as long as I’m the professor in front of you… I have some rules that you need to follow… Rule #1: No one should be late… Rule #2: No chatting while I’m having a lecture… Rule #3: Cellphones should be in silent mode… And Rule #4: No yawning and no eating… and anyone who gets caught shall need to leave…

“Sir, I think yawning is something we just can’t control…”

Sabi ng isang estudyante…

Gino: You can… It can be prevented if you start getting interested with the subject… Yawning only shows disinterest and boredom… I don’t like that in my class… 

Napakaistrikto naman nitong teacher. Hindi man lang ngumingiti. Suplado….

Muli nang nagpatuloy ang lectures nito… At sinikap na lang niyang makinig at umintindi… But the subject’s really boring… while he’s writing on the board, all she sees are numbers… they’re all swirling on her mind…

She suddenly has the urge to yawn. Anyway, nakatalikod naman ito kaya sasamantalahin na niya. She lets out a big yawn. At tamang-tama namang lumingon na si Gino sa klase. Napatingin agad ito sa ginawa niya. Kaya sinara na niya agad ang bunganga at hindi na itinuloy ang nabiting paghikab… Naalala niya ang sinabi nito kanina… “And anyone who gets caught shall need to leave…”

Naku, subukan nitong palayasin siya. Tingnan lang niya kung makausap pa siya nito. Lintik lang ang walang ganti… Pero buti na lang at wala itong ginawang ganon. At muli na lang nagpatuloy sa pagtuturo…

Gino: Okay, before I’ll end the class, I’m gonna give a pretest, guys… I know it’s just a pretest but this is gonna be recorded… So, better take it seriously… You can just leave once you’re done…

Inabot nito ang mga test papers sa harapan hanggang sa makaabot na sa lahat… Pagkakuha niya ay agad siyang  tumingin sa mga tanong… Napahawak siya sa noo… She doesn’t know a thing… What are all these questions for? Mukhang kailangan lahat ng formula… Damn!... She tried to answer some. Pero sigurado niyang mali ang mga ‘yon…

Parang sumakit tuloy bigla ang ulo niya at bigla niyang  naramdaman ang gutom… She hasn’t eaten anything yet… She tried to focus more on the questions… Pero wala talaga… Maybe, she needs to eat something first so she can think… Bigla niyang naisip ang mallows na nasa bag…

Inangat niya ang mukha at pasimpleng tumingin kay Gino… Siguro pagbibigyan naman siya nito kung mahuli siyang kumakain… At isa pa baka hindi rin siya nito mapansin dahil nakayuko ito at mukhang busy sa hawak na ipad tab…

Muli na siyang yumukong mabuti at dahan-dahang binuksan ang bag at pilit siyang dumudukot ng mallows… She cupped a handful at pasimpleng isinubo ang isa…

Gino: Guys, please take your exam seriously…

Nagulat siya sa pagsasalita nito… Kaya agad na niyang sinubo lahat… She forced everything on her mouth… Tinakpan na lang niya ang bibig habang pilit ngumunguya… Sumulyap siya dito at nakatingin na ito sa kanya… She tried to smile. But she couldn’t. All the mallows are stuffed on her mouth. Siguro mukha ng Jollibee ang pisngi niya…

Bahagyang nakakunot ang noo nito… Tila nagtataka sa ginagawa niya… Muli na lang siyang umiwas dito at sinubukan ng sagutan ang test paper… “Eenie… Meenie… Mynie… Moe… Saksak puso… Tulo ang dugo…”… Maybe the answer’s letter C…

Dahil nga sa wala naman siyang alam ay mabilis niyang natapos ang exam at puro hula lang ang lahat. Tumayo na siya at ipinasa ang papel sa harapan. Sa tantiya niya ay mga dalawang tao pa lang ang nauna sa kanyang nagpasa. Inabot lang niya ang papel at pilit umiiwas sa tingin nito… Dumiretso na siya agad sa may pintuan…




Gino: Babe…

Malakas na tawag nito sa kanya. Lumingon siya at napansin niyang karamihan sa mga kaklase niya ang tumitingin…

Gino: Just wait for me outside…

Tumango na lang siya…

Habang naghihintay sa labas ay muli niyang naramdaman ang gutom. Siguro itetext na lang niya si Gino at sa canteen na lang sila magkita…

Betty: Mikay, sabay ka na samin sa canteen…

May mga kasama na itong ilang kaklase rin nila na papalabas na ng room.

Mikay: Sige, mabuti pa nga para may kasama ako…

_____________________________________

Before you turn to the next chapter, hope you leave your votes and comments…

A Sweet MistakeWhere stories live. Discover now