Ugly 30

22 1 0
                                    

Megan's PoV

Inirapan ko siya dahil late na naman siya. Lagi nalang, hindi na ako natutuwa.

"Sorry na."

"Ilang ulit ko ng narinig yan sayo." At inirapan ko pa siya lalo saka ko inihagis sa kanya ang bag ko. This is supposed to be a date na hindi ako nagsusungit but he's too much. I hate him!!

"Saan mo gustong kumain? Alam ko gutom ka na kaya ka nagsusungit eh."

Aba't!! Bwisit talaga! Sinuntok ko ang balikat nito. Ngitian niya ako at pumunta ito sa likod ko saka hinawakan ang magkabilang balikat ko at itinulak ako papasok ng KFC. Pinaupo niya ako sa may pinakasulok ng store na ito saka siya nag-order ng pagkain namin. Alam naman niya kung ano ang gusto ko kaya no need ko ng sabihin sa kanya. Automatic na yon.

Nagsalumbaba ako sa may mesa habang nagcecellphone then my Bff texted me. You know who she is na. Hehe.

("From Liann:

Kami na ni Drake. ^____^")

I can see a big smile on her face. Sana all kagaya niya! She tells me all things about her and yet I can't tell mine. I'm too----

"Here's your food." Itinago ko ang phone ko at kinuha ang pagkain ko sa try na iniabot niya. Umupo ito sa harap ko at ngayon nagsysynced in sa akin na dapat ipagmalaki ko itong taong to, na dapat hindi ako mahiya dahil ginusto ko ito, na dapat proud na proud ako kaso inuunahan ako ng kaba.

"Uy okay ka lang?"

"Hmm." Tumango ako at sumubo sa fried chicken saka ako ngumiti sa kanya. Ngumiti rin ito at kumuha ng tissue saka ipinunas sa gilid ng labi ko.

"Ang dungis mo talaga kumain, love."

Love.

Hanggang ay hindi pa rin ako sanay sa tawagan namin. It's been 2 months since naging kami and it's been two month since we are hiding from all of the people around us about our relationship.

"Pfftt. Ikaw din naman eh. Magpunas ka nga." Inabutan ko siya ng tissue.

"Okay na ba?" Tanong nito. Ngumiti ako at ako na mismo ang nagtanggal ng dumi sa labi niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at kasabay nito ay ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi pa rin talaga ako sanay. Ito ba yung sinasabi nila na butterflies in your stomach? Pfftt. Akala ko corny lang ang mga ganong kwento but no, it's true. It's true that you'll feel it when you are inlove.

We were in the middle of our kilig moment when someone interrupted us.

"Megan? Is that you?" Nanlaki ang mga mata ko at napabitaw sa kamay niya.

Tumayo ako nginitian ang tumawag sa akin. "Miranda. How are you?" Tanong ko at nakipagbeso sa kanya. Tss. "Plastic" I mouthed to myself saka ako kumalas sa kanya.

"Heto maganda pa rin, as always." Sagot nito habang nakangiti at nakatitig sa kasama ko. "Who's---"

"Ah. My boyfriend, Peter. Peter, this is Miranda. Schoolmate ko nong elementary."

"Hi. Nice meeting you!" Mabilis kong kinuha ang kamay ni Miranda para hindi niya mahawakan ang kamay ni boyfriend. Kapal naman ng mukha niya no, baka iflirt pa niya ito.

"Nice meeting you too." Sagot ni boyfriend at kumaway nalang ito.

"Ugh!" Maarteng binitawan ni Miranda ang kamay ko. "Anyways, I'll get going. Hinihintay na rin kasi ako ng boyfriend ko. Byee."

Pagkatalikod nito ay parang gusto ko siyang saksakin dahil sa kaartehan niya. Hay naku kung maarte ako, mas maarte yan no.

"Love, come on. Baka makapatay ka ng wala sa oras niyan, makulong ka pa. Dapat sa puso lang kita makukulong."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Ugly Suitor (KathNiel & JaDine)Where stories live. Discover now