Ugly 19

23 2 0
                                    

Liann's PoV

"Uubra naman kaya yung naisip mo girl?" tanong sa akin ng manager ko. Pinag-uusapan namin ngayon yung deal na sinabi ko kay Megan.

"Hindi ko po alam, pero alam kong gusto niya akong lamangan at kilala ko si Megan, hindi siya basta basta sumusuko nalang." paliwanag ko. Nagkibit balikat siya saka humiga sa kama ko.

"If you say so. Teka paano nga pala kayo ni Drake?" this time napakunot noo ako sa kanya. "what about us?" takhang tanong ko.

"Eh di ba nagiging close na kayo, wala ka bang nararamdaman para sa kanya?"

"Tita... Wala pa sa isip ko yan, alam mo namang focus ako sa school at trabaho ngayon e."

Iniwan ko si tita na nakahiga sa kama ko dahil hindi pa ako tapos sa paglilinis ng kwarto ko. Medyo marami na kasi akong kailangang tanggaling kalat at mga hindi na nagagamit, balak kong ipamigay sa bahay ampunan one of this days pagkabisita ko don.

Out of the blue biglang inopen ni tita ang topic na hindi ko inaasahan.

"Miss mo na siguro si Rara no?" tanong niya habang hawak ang picture frame namin ng kababata ko.

"Sobra..." tanging sagot ko at kinuha ang picture frame na hawak niya at inaalala ko ang bonding namin noon ni Rara nong mga bata pa kami.

"Gusto mo bang hanapin natin siya? You know, may mga kilala ako na pwedeng humanap sa kanya."

"Is it posible na mahanap natin siya?"

"Ofcourse Liann. Let me find her. babalitaan nalang kita, okay?" Napangiti ako sa sinabi niya at naexcite at the same time. Hihintayin ko yung time na yun at sana nga magkita na kami ni Rara. Sana excited din siyang makita ako.

*Kinabukasan

Nag-aayos palang ako ng gamit ko ng biglang pumasok si mama dito sa kwarto ko.

"Hindi ka pa ba tapos mag-ayos ng gamit mo anak? Nandiyan na si Drake sa baba." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama at dalidali akong tumakbo pababa at oo nga nandito na siya at prenteng nakaupo sa sofa.

"Bat' ka nandito??" tanong ko habang tinatanggal ang tuwalya sa ulo ko at saka ako nagsuklay ng buhok ko.

"Pffftt. Anong oras na hindi ka pa nakapag-ayos, malelate na tayo sa school." sabi nito saka ako nilapitan, akala ko guguluhin niya ang buhok ko pero hindi pala. "Give me you comb." sabi nito at inabot ko naman.

"Dapat kasi maaga kang natutulog para maaga ka ring makakagising at makapag-ayos para hindi tayo malate sa school." sabi nito na parang siya ang daddy ko habang sinusuklayan ang buhok ko. Napalunok tuloy ako habang tinitignan siyang sinusuklayan ako. Hindi ba siya nahihiya kay Mama? Hello! Magkaharap kaya kami ngayon habang sinusuklayan niya ako.

"What?" kunot noong tanong nito habang sinusuklayan ang buhok kong kanina pa niya tinatanggalan ng buhol. My gosh! Bakit ngayon pa nagkabuhol buhol ang buhok ko?

"Tsk. tsk. tsk. Naku ang baby namin hindi pa marunong magsuklay." pansin ni mama sa amin habang inaabot sa akin ang baon kong sandwich pati pala si Drake ay meron din.

"Thanks tita." bulalas niya.

" Next time nga magconditioner ka, ganda ganda ng buhok mo at endorser ka pa ng shampoo tapos hindi mo man lang maayos ng maganda 'tong buhok mo." Tama siya, endorser din ako ng shampoo. Pero hindi ko na gusto ang ginagawa niya sa buhok ko dahil hinihila na niya ito to the point na para na niya akong sinasabunutan.

My Ugly Suitor (KathNiel & JaDine)Where stories live. Discover now