Ugly 7

38 2 0
                                    

Liann's PoV


Drake... Drake... Drake...

Bw*sit na Drake yan. Naalala ko na naman yung ginawa niya kahapon. Pagkatapos kasi naming maglunch ay sinundan pa kami ni Anghelo sa library kaya ayan tuloy napagalitan kami ng librarian. Ang ingay kasi niyang Drake na yan e. Nakakahiya na tuloy sa librarian.

Maging si Anghelo, bwisit na din sa kanya dahil sa kakulitan niya. Ang pinagtataka ko lang parang ang tagal na nilang magkakilala nong Drake na yun.

"Hi Liann, hatid na kita sa inyo?" pag-aalok ni Drake, as usual dinedma ko lang naman siya.

"Hindi mo siya pwedeng ihatid dahil may trabaho pa siya. Kaya umuwi ka nalang sa inyo! Don sa malayo!" inis na sumbat ni Anghelo at nagpalitan sila ng masamang tingin at para bang nag-uusap ang mga titigan nila sa isa't-isa. Ay ewan ko sa mga yan. Parang mga aso't pusa. Makaalis na nga.

Sa totoo lang, wala naman akong trabaho ngayong hapon. Pahinga na muna daw ako ng 2 weeks. Dahil wala pa naman yung sched ng next photo shoot para sa isang magazine.

"Manong Eddie, deretso po tayo ng bahay."

Nilingon ako ni manong Eddie... "Wala po kayong sched ngayon Miss Yura?" umiling ako saka humiga dito sa bed ko sa pinagawa kong personalized van.

Grabe ang pagod ko sa buong maghapon! Para akong binugbog ng limang tao isabay mo pa ang mga mokong na sila Anghelo at Drake.

Megan's PoV

I was about to get up from my bed when i felt dizzy... Oh gosh, what's happening to me? Nanghihina ako and worst parang umiikot ang paligid ko.

*knock

*knock

Rinig ko ang pagbukas ng pinto nilingon ko ito pero parang nagiging dalawa ang paningin ko... "Grace, kain na anak." sabi ni Mommy kaya pinilit kong tumayo. Pero...

"MEGAN!!"

*****

The next morning paggising ko, medyo masama pa rin ang pakiramdam ko. Nilalamig ako kahit nakapatay naman ang aircon ng kwarto ko. Bumangon ako at nakita kong may mga prutas sa center table na kwarto ko. Nagugutom na ko.. _ _"

Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto kaya hinintay ko na munang makapasok si Mommy.

"Oh, you're awaken. Are you hungry darlin'?" Tumango ako bilang sagot kay Mommy, saka ako napahawak sa tiyan ko. I remember, I didn't eat last night because of this freaking fever!

Lumapit si Mommy sa akin at hinipo ang noo ko saka inilapat sa tenga ko ang digital ear thermometer, pagkalipas ng ilang segundo ay tumunog na ito. "38.4°C. Bababa na din yan mamaya, basta continue ang pag-inom mo ng gamot." sabi ni Mommy, at inayos ang lalagyan ng thermometer.

Umupo sa edge ng kama ko si Mommy atsaka ngumiti sa akin sabay haplos sa ulo ko. "Bakit po Mommy?" Umiling lang siya pero nakangiti pa rin at titig na titig sa akin. Kaya ngumiti din ako at niyakap siya. "I love you Mommy!" wika ko at sumagot din siya ng 'I love you too.'

Tumayo na si Mommy at bago niya isara ang pinto... "Nga pala, just wait here, someone will feed you. I'm goin' to work baby and your Dad as well. Don't be rude to him, be nice. Ok? I'll be back before dinner. Siya muna mag-aalaga sa'yo since nagprisinta siya. I love you baby! Pagaling ka ha."

Then, my Mom left me hanging my jaw. What the?? Sino yung sinasabi niya? Nagpapasok sila dito sa bahay ng kung sino lang at iniwan ako like alam naman nilang may sakit ako?!

*cough

*cough

The H!!

Wala na akong nagawa kundi ang hintayin ang sinasabi ni Mommy dahil hanggang ngayon ay parang hindi ko pa kayang tumayo.

My Ugly Suitor (KathNiel & JaDine)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant