Ugly 23

26 2 0
                                    


Megan's PoV

Like I really really want to go home na pero itong mga kasama ko mukhang kinain na ng sale dito sa mall. Wala na silang ginawa kundi mamalengke sa mga sale na damit lalo na yung magpinsan. Hindi na po sila natigil sa pagbabangayan patunggol sa mga damit. Paano naman po kasi itong si Drake wala naman pala sariling damit nong pinatapon siya ng magulang niya dito sa Pilipinas kaya ayan, yung mga damit na kinuha niya kay Anghelo pinapalitan niya ngayon kasi marami na daw siyang pera. Yabang, di ba po?

Si Liann? Ayan, kasama din nila at pumapagitna sa dalawang unggoy at panget na kanina pa hindi magtigil kakabunganga sa isa't-isa. Hindi po kasi sila magkasundo sa kulay ng damit. Yung pangit kasi ayaw ng kulay puti at yung unggoy naman pinipilit itong isa na magputi. Though puti naman yung uniform namin. Pfftt. Like pabebe din itong si pangit e.

At ako naman. Seating pretty while waiting for my slaves to finish what they're doing. Yeah! Slaves. Hahah. Joke lang. Actually, nagtitingin ako ng pwede kong maibigay kay Yuyu kung sakaling magkita na kami and I found a friendship bracelet for the both of us. It's cute and it is quite expensive pero carry na sa ipon ko basta para kay Yuyu.

"Meg, di ba bagay kay Anghelo yung white na damit?" Napalingon ako kay Drake at kinindatan ako. May hawak siyang white shirt at sa tingin ko ay ibibigay niya kay Anghelo. Ngumiti naman ako at lumapit sa kanya.

"Oo bagay yan kay Anghelo."

"Oh Anghelo, 'tamo na nag-agree si Megan sa akin. Sabi sayo bagay ang white e." Lumapit agad si Drake kay Anghelo at ipinakita ang white shirt na dala niya at nong marinig niya ang sinabi nito ay tinignan niya ako.

"Bagay yan sa'yo Anghelo."

"Talaga ba?"

"Oo naman." Sagot ko at kinuha kay Drake ang damit at itinapat sa katawan ni Anghelo. Maganda naman ang shirt na 'to pero kailangan lang talaga bagayan.

"Bagay na bagay. 'Di ba Liann?" Ipinaharap ko si Anghelo kay Liann at kinindatan siya. Ngumiti naman siya at lumapit din sa amin.

"Bagay nga..." Sagot nito habang tumatango. Binitawan ko na yung damit dahil hawak na niya ito. "...kay Drake."

Natawa ako sa sinabi ni Liann pero palihim lang. Itsura ni Anghelo? Ayan, pangit pa rin. Hahaha.

"Sabi na kasi hindi bagay e." Pagtatampo kuno nong pangit at nagkatinginan nalang kaming tatlo.

"Pffftt. Ano ka ba! Lahat naman bagay, wag ka ng maarte. Idagdag na natin 'to. Pati itong kinuha kong puti para sa'yo." Sabi ni Liann.

"Like pati itong white na nahanap ko for you."

"Teka, pinagkakaisahan niyo ba ako?"

"Oo." Sabay sabay na sagot naming tatlo saka tumawa. Kanina pa po namin siya pinagkakaisahan ngayon lang po niya napansin. Hahaha.

Pagkatapos naming bayaran lahat ng kinuha namin ay dumeretso naman kami sa SBucks at nagmeryenda.

Like hanggang ngayon hindi pa rin makapagmove on si pangit sa mga shirt niyang binili namin. Paano po kasi halos puro puti ang mga damit niya at hindi niya ito matanggap. Sayang lang daw yung perang pinambili. Duh! Sobrang sayang kung hindi niya ito gagamitin noh. Naibawas pa sa ipon ko yung isang shirt niya, 350 din yun noh. Buti nalang nabili ko na yung bracelet bago pa man ako bulungan ng Liann na yan na bilhan daw namin ng damit si pangit. Like wala ba siyang perang pambili? Ghad! How poor. Tsk.

"San tayo next?" Ha?? May next pa? Teka, nanghina yata ako sa tanong ni Drake. Gosh! Parang wala siyang kapaguran ah. Like pagod na precious feet ko. ilang oras na kami dito sa mall. Gabi na din, mag-eeight na. Baka pagalitan na ako nila momsy nito.

My Ugly Suitor (KathNiel & JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon