Ugly 11

27 3 0
                                    

Third Person's PoV

"Very good..."

Pumapalakpak na sabi ng direktor matapos makuhanan ang last shot nila para sa TVC. Nagpapasalamat sila dahil sa wakas natapos din ang shoot nila na ginawa nila ng ilang oras.

Samantalang si YURA naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari kanina dahil sa presensiya ni Drake sa shoot nila. Nagulat siya dahil bigla nalang itong umupo sa tapat niya, kinabahan siya dahil natakot siya na baka alam na ni Drake ang sekreto niya pero mali pala siya. Walang kaalam-alam si Drake na si YURA na kaharap niya ay si Liann pala.

Samantalang si Drake naman ay hindi pa rin makapaniwala na nakasama siya sa isang TV Commercial accidentally na kasama ang artistang si YURA. Hindi na pinalagpas pa ni Drake ang pagkakataon na magpapicture kasama si YURA.

Hanggang sa pag-uwi niya ay tinititigan niya ang picture nila ni YURA sa cellphone niya. Ipinagmayabang niya din sa Tita at Tito niya na nakasama siya sa isang TVC at hihintayin nila ang paglabas nito sa TV. Ipinakita niya rin ang picture nilang dalawa ni YURA, ang kaso di ito kilala ng tita at tito niya dahil hindi naman sila gaanong nanunuod ng TV.

Sa kabilang banda naman, masayang masaya si Anghelo dahil kachat na naman niya si Megan. Ayos na sa kanya ang makachat si Megan kahit hindi niya makuha ang cellphone number nito. Sa gitna ng pag-uusap nila sa facebook ay tila ba nawala na sa isip ni Anghelo ang bestfriend niya na si Liann dahil ang nasa isip ni Anghelo ay ayaw na niyang palagpasin ang pagkakataong iyon dahil unti-unti na niyang nakakamit ang mga hiling niya na makausap at makasama si Megan.

Si Liann naman ay kahit pagod sa trabaho, si Anghelo pa rin ang nasa isip niya at hindi niya alam kung bakit bigla nalang nagkaganun ang bestfriend niya. First time kasi siyang naganun ni Anghelo kaya masakit din para sa kalooban niya, pero naisip niya na siya nalang ang hihingi ng tawad kay Anghelo para lang magbati sila ulit.

Megan's PoV

"Ah sige po Tita. Thank you po..." Tinawagan ko si Cuttie pero ang mommy niya ang nakasagot, natutulog daw kasi siya. Ayaw paistorbo. So, Im a disturbance now? Hm. nakakatampo si Cuttie talaga.

"Megan anak..." tawag sa akin ni Mommy kaya pinagbuksan ko siya ng pinto. She was smiling at me so I smiled back. We sat in my mini sala and talk about some random stuff.

"...So, how is Anghelo?" I almost dropped from the couch sa tanong ni Mommy, like what was that? "Is he a nice guy?"

"Mom~" reklamo ko, like I wanna bigti nalang later. huhuhu.

She laughed at me. And I was like nakanganga to her.

"You know what hija, I can see that he is a nice guy. Anak, don't look at him physically but know him in his inside. You know what I mean, you've been there. Wag lalaki ang ulo my dear!"

"Yes Mom. I know it! Pero ayoko lang kasi mabully ulit Mom~"

"No dear! Don't think of what others sees in you thus think yourself and your friend, Anghelo. He is a good man. Believe me my dear. Kapag pinakawalan mo pa yan, you will regret it in future. Think of it!"

I dont know why Mommy telling me all of this. I do not have an idea. Maybe kinulam siya ni Anghelo para mapaniwala niya si Mom.

I really dont get Mom. Anyways, she doesn't know what Im planning kaya ang alam niya siguro ay nagdadalawang isip ako magpaligaw kay Anghelo. Oh well, the hell! Ayoko nga noh! Isang panget na katulad niya, wag na uy! Never akong maiinlove sa panget na si Anghelo, NEVER!! Tandaan niyo yan. Itaga niyo pa sa bato. Tsk.

Like I want to go shopping ngayon but definitely wala akong kasama. Manood nalang kaya ako? Like ano naman ang mapapanood ngayon, cartoons and so whatever?

My Ugly Suitor (KathNiel & JaDine)Where stories live. Discover now