Ugly 25

37 2 2
                                    

  
Liann's PoV
   
I woke up early and made my morning rituals, same as usual. Ilang oras din akong nagmuni muni kagabi kung paano ko ba papatunguhan si Megan ngayong alam ko na ang totoo. Gusto ko pa sana siyang asarin sa pagsusuplada ko sa kanya kaso baka hindi ko matiis at masabi ko nalang sa kanya ang totoo. Isasawalang bahala ko na muna ang panlalait niya sa akin dahil gaya ng naikwento sa akin ni Cuttie -- we're close na. a little. -- mabait naman daw talaga si Megan -- which is totoo naman -- kaso nagbago lang daw ito mula nong nagtransform siya nitong high school dahil na rin sa pambubully ng iba sa kanya nong elementary sila. That's why siguro nong nagdisguise ako ay nakita niya sa akin yung sarili niya nong mga panahong ganito ang itsura niya sa akin. Pero tabain kasi yang si Megan noon at medyo malabo ang mata kaya siguro binully siya. You know naman ang mga bata, mga mapang-asar.

Aside pa sa sinabi ni Cuttie sa akin tungkol sa elementary days nila ni Megan, e parang totoo na daw na bumabalik na ang dating Megan dahil pinipilit niya itong umamin na sa kanya kung totoo ba ang pakikipagkaibigan niya sa akin or joke joke lang at hindi nga daw nagbibiro si Megan tungkol dito. Nagmumukha tuloy spy si Cuttie dahil sa mga favor ko. May reward din naman kasi ako kay Cuttie kaya ginagawa niya yung mga favor ko sa kanya.

Lihim akong napangiti ng makita ko si Cuttie na siya pala itong naglalakad sa harap ko. Papasok na din ng gate ng school.

"Hey Cuttie." Bati ko sa kanya. Napangiti siya at bumeso sa akin. O 'di ba, close na kami? hehe. Paano na nga ulit kami naging close?

Ahh. Naalala ko na. Sa Heaven's Cafe. Hinihintay ko kasi 'yung driver ko nong time na 'yun and bigla niya akong inapproach at literal na siya ang nagsorry sa lahat ng ginawa nila sa akin ni Megan. I don't have the idea kung bakit bigla nalang siyang nagpop-up noon and make a sorry kaya pinagbigyan ko na. Light lang naman ang ginawa niya compared sa ginawa ni Megan sa akin eh. Simula non lagi na kaming nagkikita sa Heaven's Cafe kapag uwian na. Dinalaw ko din siya nong nagkasakit siya. Buti nga tapos na ko sa pagkakaroon ng chicken pox kaya hindi niya ako nahawaan eh.

"Kumusta? Alam mo ba ateng may bago daw transferee and I really don't feel her kahit hindi ko pa siya nakikita."

"oh why naman?"

"Kwento kasi ni Megan mas maldita daw sa kanya e."

"Pfft. Seriously? Baka hindi lang sanay si Megan na may sumasagot na sa kanya? hahaha"

"Ay! Oo nga ano. Hindi ko naisip 'yon ha. Talino mo talaga kahit kailan."

Napaisip tuloy ako. May bago na naman bang mambubully dito sa school? Nagbabago na nga yung isa tas heto na agad, may kapalit na siya! Hahaha.

Lunch break na at ang bilis ng oras at hanggang ngayon hindi ko pa nakikita yung kaibigan kong nawawala simula pa nong isang araw. Nagkasakit na naman kaya si Anghelo at hindi nagpaparamdam? Naku, hindi na ako natutuwa sa pagiging unattended niya ha. Gusto ko man tawagan pero nakalimutan ko yung phone ko sa kotse. Sobrang stress kaya nakakalimutan ko na ibang bagay.

Naglalakad na ako papunta cafeteria ng may kumausap sa akin na mukhang bago lang dito.

"Hey Miss! Where's the cafeteria here?" maangas na tanong niya. Baka ito na yung kinukwento ni Cuttie sa akin kanina na kinaiinisan ni Megan. Itinuro ko sa kanya kung nasan ang cafeteria. "Thanks." sagot nito habang ngumunguya ng bubblegum. Napataas ang isa kong kilay dahil sa inasta niya.

Pagkapasok ko ng cafeteria nakita ko si Cuttie na kinakawayan ako at may dalawang plato na sa mesa. That's for me, maybe. Ngumiti ako sa kanya at papaupo na ako ng biglang may sumingit sa uupuan ko at inagaw ang plato ko.

"H-Hoy!"

"Thanks!"

Naningkit ang mga mata ko sa inasta ni Megan. Parang bata eh. Lakas mang-asar. Napailing nalang ako saka tumayo para umorder ng pagkain pero parang hindi na kailangan dahil nakita ko si Drake na nakapila sa may counter at sinesenyasan ako na 'wag ng tumayo kaya bumalik ako sa inuupuan ko.

My Ugly Suitor (KathNiel & JaDine)Where stories live. Discover now