Ugly 6

39 2 0
                                    

Anghelo's PoV

*sigh

"Mahal na mahal talaga kita Megan."

"Mahal din kita Anghelo."

"Tsss. Hanggang ngayon ba naman Gelo hindi ka pa tapos sa pagpapantasiya mo diyan sa picture ng babaeng yan? Kagabi pa yan ah." Sabi ng pinsan kong epal at walang pakundangang pumasok nalang dito sa kwarto ko.

"Pakialam mo ba? Lumayas ka nga dito."

"Can I borrow some of your shirts na hindi mo na ginagamit?" sabi niya habang nilalaro ang bola.

"Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot at dumeretso siya sa closet ko. Hinayaan niya nalang yung bola na tumatalbog sa kung saan. Pakialamero talaga e.

Patuloy lang siya sa paghalungkat ng mga damit ko at ako naman pinupulot ko lahat ng hinahagis niya. "Ano bang ginagawa mo dito Drake?"

Humarap siya bigla sa akin... "Hindi mo ba naintindihan? Mang-hi-hi-ram a-ko ng ma-nga da-mit mo kasi wala akong maisuot at hindi pa nagpapadala sila Mommy pambili ng mga gamit ko. Thanks bye the way."

Sabay alis niya dala ang mga kinuha niyang damit sa closet ko. Hinabol ko siya at pagkarating ko sa may pinto... "HOY DRAKE... IBALIK MO MGA DAMIT KO~ PESTE KA!"

Padabog kong isinara ang pinto saka padabog na humiga sa kama. Peste talaga sa buhay ko yung lalaking yun. Bakit kasi bumalik pa siya e. Babalik na nga lang wala pang dalang mga damit, tanging mga papeles lang niya ang dala niya. Galing siya ng ibang bansa, at kaya siguro pinatapon siya nila tita dito sa pinas ay dahil sa ugali niyang pasaway.

******

"Anak, your cousin transfered to your school. Actually, I enrolled him na last week."

"Ano ma?!"

"You heard me, right? Your tita like to transfer Drake here para daw magtanda at baka sakaling mabawasan daw ang sungay niya."

"Sinong may sungay tita?" sabay halik niya sa pisngi ng Mommy ko. Tss.

"Sino pa nga ba, edi ikaw!!" sabat ko naman sa kanya. At ang walang hiyang pinsan ko, suot ang polo shirt ko.

"Anghelo masama yan." saway ni Mommy.

"Pfft. talaga tong pinsan ko oh." sabay akbay sa akin. "Aminin mo na kasi na namiss mo akong makasama. Ikaw nga namiss ko e." Pang-asar niya sa akin na halos masuka ako sa pinagsasabi niya.

Binalewala ko lang mga pinagsasabi niya at tumayo na ko para makaalis na ng bahay. "Pinsan, aalis ka na agad? Hindi ka pa tapos kumain ah."

"Nawalan na ako ng gana!" sagot ko at nagpaalam na kina Mommy at Daddy. Ang aga-aga namemeste yang pinsan ko. Pagkalabas ko ng gate namin biglang sumigaw ang pinsan ko.

"ANGHELO, PAKISS MUNA SA PIMPLES MO BAGO KA UMALIS!"

Langya! kailangan talaga isigaw? Hindi na nahiya yang pinsan kong ewan. Mababaliw ako kapag pati sa school ay pineste pa ko. Baka ikumpara na naman nila ako sa kanya. Na kesyo bakit ang gwapo ng pinsan ko kesa sa akin, *sabay suka Kadiri... Di hamak naman na MAS gwapo ako kay Drake ng milyon milyong paligo no.

Pagkarating ko sa school ay natanaw ko agad ang kagandahan ng nag-iisang reyna ng puso ko na si Megan. Masaya ako dahil ilang araw na niya akong kinakausap sa Facebook, tapos kinausap din niya ako non sa mall.

Nakakaspeechless kapag kaharap ko na siya, tapos para akong mauutal kapag kinakausap niya ako. Ano kayang nagpabago ng isip ni Megan para kausapin ako? Ahh. Siguro narealize niya na may gusto din siya sa akin tas sa susunod na araw sasagutin na niya ako.

My Ugly Suitor (KathNiel & JaDine)Where stories live. Discover now