Ugly 20

25 2 1
                                    

Drake's PoV

"Tita itetext ko ba siya?" tanong ni Liann sa tita niya na kanina pa ata nahihilo sa kakalakad nitong si Boss sa harap namin at maski ako ay nahihilo na sa ginagawa niya.

"Itext mo na kasi..." sagot ni tita. (Hahaha. nakiki-tita ako eh... Aba close na din naman kami niyan noh.)

"Oo nga naman. Itext mo na. Wala namang mawawala kung itetext mo siya e." singit ko sa kanila.

Huminga ng malalim si Liann saka umupo sa tapat namin at nakatitig sa phone niya tila ba nag-iisip ng sasabihin niya sa kababata niya.

"Anak, gusto mo ba ako ang magtext or tawagan nalang kaya natin?" singit ni Tita Retch, ang mom ni Liann. Ayos 'to, may dala na namang food si Tita. Hahaha. Eto ang gusto ko kapag nandito ako kina Boss e, laging may foods. Hehe. Sa bahay kasi halos itago lahat ng pinsan kong pogi ang laman ng ref nila kaya hindi ako masyadong kumakain don sa bahay.

Nagkibit balikat si Liann saka ipinatong niya ang phone niya sa tabi ng tray na puno ng pagkain.

"Next time nalang po siguro Mommy. I'm not ready pa po yata."

"Ayyy. Ang hina naman ng alaga ko..." bulalas ni tita manager saka sinimulang kumain syempre nakidutdot na rin ako ng pagkain. Papahuli ba naman ako, di ba? "...Kung ako sa'yo Yura, itetext ko na yan ng walang patumpik tumpik pa, kara karaka. Boom." dagdag pa nito na malaViceganda. Hahaha.

"Hahaha. Tita naman, may next time pa naman e." sagot ni Liann.

"Yang kakanext time mo na yan baka kapag handa ka na bigla nalang siyang mawala." singit ko sa usapan nila.

"Oo nga." / "Tama ka, hijo."

Isusubo ko na sana ang kinuha kong pagkain ng hablutin ito ni Liann sa kamay ko.

"Akin na nga yan... Dinadaan mo sa salita halos ubusin mo 'tong meryendang hinanda ni Mommy." sabi nito sabay subo. Napakamot ako sa ulo ko nang makita kong ubos na nga ang hinanda ni Tita.

"He-he-he!" kunwaring tawa ko at nag-iwas ng tingin.

"Don't worry anak marami pa sa kusina. Kukuha lang ako saglit."

"Ayun oh. Yes!" nakangiting sabi ko. "Thank you tita Retch." bulalas ko habang nakangiti. Aba, kung pwede nga lang dito na ako tumira kina Liann para lang makakain ng ganito kasarap e. Hahaha.

"Tss. PG."

"Anong sabi mo?"

"Wala. Gwapo ka sana kaso bingi ka."

"Hahaha. Kahit hindi mo sabihing gwapo ako alam ko naman yun. Inborn na yata 'tong pagkagwapo ko. Di ba Tita manager?"

"Sige na, sige na. Libreng iangat ang sariling bangko ngayon." seryosong sabi ni Tita Manager habang nagsecellphone. "Oh siya. Gotta go nah coz' I have a date." nagniningning na sabi niya. Aba, inspired ang lola mo! Hahaha.

Nang makaalis si Tita Manager ay nagpalitan lang kami ng masasamang tinginan ni Liann habang hinihintay ang Mommy niya sa pagbalik dito.

"PG!" inis na sabi ni Liann.

"Poging Gaya ko?"

"Eww. Ang kapal. Hindi noh."

"E ano? Papalicious na Gwapo?"

"Grrrr! Lalong hindi!"

"Ano ngang PG?"

"PATAY GUTOM!!" inis na bulyaw niya saka siya nagwalk-out at umakyat sa taas. Hahaha. Asar talaga yun. Siguro may PMS niya ngayon kaya tinotopak na naman.


My Ugly Suitor (KathNiel & JaDine)Where stories live. Discover now