Ugly 12

29 2 11
                                    


Megan's PoV

"Huhu. Drake parang awa mo na ayoko na." pagmamakaawa ko sa kanya. "Like suko na me. Please!" dagdag ko pa. Ang sakit sakit na talaga kasi e. huhu.

"Kaya mo yan Gracia, isa nalang, patapos na tayo oh. Ngayon ka pa ba susuko?"

"Pwedeng time-out muna tayo?"

"Gracia naman. Mabibitin ako niyan e. Gusto kong tapusin na 'to may pupuntahan pa ako, madaliin na natin 'to. Sige na!"

"Ouch! Huhu. Like di ko na talaga carry 'to. Huhubels."

"Drake, pagpahingahin mo na muna si Megan, baka mamaya mas lalong mamaga ang paa niyan e. Sige ka matatalo tayo sa School Fiesta!" Buti naman naawa na din sa akin si Jen. Ang hirap na kasi talaga e.

"Oh sige na nga. Pasalamat ka mahal kita, maya na ulit natin ituloy ang practice ng tinikling." Sa sinabi ni Drake ay parang nagblush si Jen. Waaah. Like Im so kenekeleg se kenele. Enebeyen.. Hihihi.

Inabutan ako ng hot pack ni Jen para ilagay sa paa kong namamaga na dahil laging naiipit. Like duh! Gustong-gusto kong magback-out but I can't. Nag-eenjoy na din kasi ako, nag-eenjoy akong maipit sa kawayan ang paa ko. Hehe.

Prenteng-prente akong nakaupo sa sahig ng biglang magpop-up ang mukha ni Anghelong panget. "Aaaahhhh!" / "Waaaahhh" sigaw ko at pati siya napasigaw din. Nakakagulat naman kasi, akala ko monster na. Hahaha.

"Grabe ka naman Megan. Ganyan ka na ba kaexcited makita ang mukha kong napakagwapo? Hehe. Namiss mo ako noh?" Like Y to the U to the C to the K. Y-U-C-K!! Ansave ng hirit ng panget na to? Aba'y matinde! Halos masuka ako sa mga sinasabi niya.

Hinagis ko sa mukha niya ang towel ko na nakasampay sa balikat ko.. "Like yuck ka naman panget, kapal ng pimples mo ah. Hindi kita namiss noh! Why would I?" Pero imbis na mainis siya sa sinabi ko ay natuwa pa siya. -_-" Errrr!

"Naku, ikaw talaga Megan ganda. Aminin mo na kasi, ilang araw mo din akong hindi nakita kaya alam kong namiss mo ako. Ako nga SOOOBBBBRRRAAA kitang namiss!~" Oh-my-g! The nerve! Like yayakapin sana niya me kaya iniwasan ko siya. Ugh! Can I have an isolated room now? Cause sa sobrang lakas ng hangin halos hindi na ako makahinga. >_< Napaka-kapal naman ng pimples nito para sabihing na'Miss' ko daw sya. Huh! Asa!

"Oh heto nga pala strawberry ice cream, binili ko sa ice cream house. Kainin mo yan ha! ^__^" Ugh! Na naman??! How can I have my diet? Ghad!

"Nagddiet ako, kaya ikaw nalang ang kumain niyan."

"Huh? Nagddiet ka? Pffft." huh? Tapos ngayon tatawanan niya ako? "Im sorry. Natatawa lang ako kasi sabi mo diet ka, e ang payat mo na nga. Bawal ang magdiet sayo baka mamaya magkasakit ka pa. Kainin mo nalang 'to, di ba favorite mo naman ang strawberry?"

"So? You don't care. Kainin mo yan kung gusto mo! Tse!" Nagwalk-out ako kahit medyo masakit ang paa ko. Paki ko sa kanya. Pakialam ba niya kung nagddiet ako? tapos, tapos tatawanan pa niya ako? Like nakakainis yang hampas lupang yan!

"Oi ganda sorry na." Napataas ang isa kong kilay sa itinawag niya sa akin. So, you know now? I know I'm beautiful!

Hindi ko siya pinansin at naglakad ako palapit kina Jen at Drake. Nong nakita ako ni Drake ay inalalayan niya ako pero syempre deadma lang. Hm.

"Pakipot naman!" sabi ni Drake. Like pakialam niya? Hmm. 'nye, nye, nye' sabi ko sa isip ko.

"Ganda!"

"Ano ba?!"

"Oi ganda daw oh. Pansinin mo naman si Mr. Gwapo. Pfft." sabi ni Drake. Like anong nakakatawa dun? And he is not gwapo kaya, like Duh! Ang la-laki pa ng pimples niya. >_<

My Ugly Suitor (KathNiel & JaDine)Where stories live. Discover now