JUST THE WAY YOU ARE

1 0 0
                                    

Started: 12-06-2017
Ended: 12-06-2017
Edited: 11-14-2020

--------------------

YVO's POV

Sigh*

Napapabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan ang babaeng minamahal ko.

Hindi niya alam na mahal ko sya.

Kasi isa akong malaking TORPE.

Oo, inaamin kong torpe ako.

Sigh*

"Uy, kanina ka pa bumubuntong hininga, ano bang problema?" Tanong niya sa akin.

"Wala, wala naman, u-ummm...
Ano..." nauutal kong sabi habang nagkakamot ng batok.
Panigurado mapula pa ako sa kamatis ngayon.

"Hala! Namumula ang mukha mo...
May sakit ka?" Tanong niya at hinawakan ako sa noo para malaman kung normal temperatura ko.

Shit!!

Ang ganda talaga niya...
Kahit nakasalamin siya, kahit na may ilang pekas siya sa mukha, at kahit may eyebags siya dahil sa kapupuyat...
Ang ganda niya talaga.

"Huy!! Natulala ka na diyan, aba!! Pumunta ka na kaya sa clinic para matignan ka." Sabi niya habang may pagaalala na makikita sa mukha niya.

Hindi ko alam na nakatulala na pala ako sa kanya...

"A-ah...E-eh...ano...okay lang talaga ako..." sabi ko sabay iwas nang tingin sa kanya.

Nakakabighani mga mata niya...
Ang sarap titigan...
Hindi ako mapapagod na titigan siya.

"Sure ka na okay ka lang?" Pangungulit niya pero hindi ako nakulitan sa halip natuwa nga ako dahil concern siya sa akin.
Napangiti na lang ako.

"Oo nga po sabi eh...
Maayos at okay na okay po ako." Sabi ko sabay flex ng braso ko na pinapakitang may muscles ako.
Natawa naman sya at nahampas ako sa braso ko.
Gusto kong palakpakan ang sarili dahil hindi ako nautal sa mga sinabi ko.

"Okay sabi mo eh...
Basta magsabi ka lang kung masama na ang pakiramdam mo ha?" Sabi niya sa akin.

"Yes  naman po CHIBZ." Sabi ko sabay saludo.

Napatawa naman siya dahil sa ginawa ko, ang sarap niyang tignan kapag tumatawa siya at ang sarap pakinggan ang tawa niya, napansin niya siguro na nakatitig ako sa kanya kaya tumigil na sya kakatawa.

Kita ko rin kung paano siya mamula.

"Alam ko, ang pangit ko kapag natawa." Nakanguso niyang sabi, napailing na lang ako.

Hindi niya alam na musika sa aking pandinig ang kanyang mga tawa.

"Saglit lang may kukunin ako." Sabi ko sabay tayo at umalis, paglabas ko sa classroom ay siyang tilian nang mga kababaihan.

Eto na naman sila...

"I love you Yvo!!"

"Be my boyfriend Yvo!!"

"Ako ang pakasalan mo Yvo!!"

"Shet ang guwapo mo Yvo my loves!!"

Sabi nila at ipinagsawalang bahala ko yun, dumiretso ako sa locker ko at kinuha ang binili kong Rainbow Roses boquet.

Favorite ni Chibz kasi ito, pagkakuha ko sa bulaklak ay sinara ko na yung locker ko at naglakad na ako pabalik sa room namin, nakasunod naman ang mga kababaihan, inaalam nila kung sino ang pagbibigyan ko nang mga rosas na ito.

"Para ba sa akin iyan baby Yvo?"

"Bobo mo!! Sa akin niya iyan ibibigay!!"

"Mga feelingera kayo!! Ako ang pagbibigyan niya nang mga rose na yan!! I love na talaga Yvo!!"

Ang iingay nila, lumapit na ako kung saan nakaupp si SUSEE, malapit sa bintana ang upuan niya, magkatabi kami ng upuan, napansin niya ang prisensya ko kaya napatingin siya sa akin at natulala sa hawak kong bulalak, iniaabot ko ang boquet sa kanya , namula naman ang pisngi niya dahil doon naglakas loob na akong umamin sa kanya.

"Ang pangit-pangit naman ni SUSEE para pagbigyan niya nang bulaklak."

"Ang jologs nga niya eh.. eww.."

"Hindi naman kagandahan tapos wala naman dibdib...flat!!..."

"Malalanta ang roses kapag hinawakan niya iyon, sa pangit ba naman niya sayang naman yung mga bulaklak."

Rinig kong bulung-bulungan nila, gusto kong magwala, hindi nila alam ang mga sinasabi nila, masyado silang mapag-mata, hindi ko sila pinansin pero naiinis na ako sa loob loob ko.

Nakatingin lang ako kay Susee, pero parang gumuho ang mundo ko nung tumayo siya at tinalikuran niya ako, ngayon lang ako nagkalakas ng loob tapos ganito pa!!

Hindi na ako papayag!!

Kaya wala na akong pagpipiliian pa, hinubad ko na ang sikreto ko...

Tinanggal ko ang aking wig, at nakarinig ako nang mga singhap galing sa mga babae, oo may sakit ako...

Alopecia

Sakit na kung saan naglalagas ang buhok nang may sakit, bata pa lang ako meron na ako nito, hindi na nagkaron nang pagkakataon na tumubo ang aking buhok kaya nakawig na lang ako.

Dahil sa sakit kong ito ay binubully ako ng ibang mga bata, kahit kailan hindi ako tinuting na katulad nila, hindi rin ako makalaban dahil mahina ang katawan ko,  pero mayroong isang batang babae ang nagligtas sa akin sa mga bully, at walang iba kung hindi si Susee ang Chibz ko.

Si Susee lang ang tumanggap ng kalagayan ko at hindi niya ako itinuring na iba, kung sino ako at kung ano ako ay tinganggap niya ng buong-buo.

Kaya sa ginawa niyang iyon ay nahulog ang loob ko sa kanya, nabalik ako sa realidad nang makarinig ako nang mga bulung-bulungan, hindi paghanga kung hindi pandidiri.

Hindi ko iyon pinansin, nakatuon lang ang buong antensyon ko sa babaeng hanggang ngayon nakatalikod pa rin sa akin, nagulat ako nang humarap siya at bigla niya akong niyakap.

Ang mas lalong nakapagpagulat sa akin ay ang mga namutawing salita sa kanyang mga labi...

"I love you Yvo."

-------------END-------------

A HUNDRED SHOT IN ONE COMBINEDWhere stories live. Discover now