Entry #28

505 18 2
                                    

Entry #28

Dear Diary,

Tatlong araw na ang nakalilipas matapos ang birthday ni Lloyd pero hindi pa rin ako maka-get over sa ginawa niya. Ang malala pa ro'n, mukhang iniiwasan niya ako. Oo, alam ko namang hindi kami gano'n ka-close. *Laslas na* At madalas niya rin akong dinededma ever since. *Kain-bubog sabay bigti para tapos ang problema. Joke!*

Dahil may tampo pa rin ako sa kaniya, hindi ko rin siya pinapansin para quits kami. Ipahinga muna...ang sugatang puso. Chos. Saka nalang ako muling lalaban kapag kaya ko na ulit siyang harapin; kapag nawala na ang tampo ko sa kaniya; at kapag napatawad ko na siya. So what kung tinapon niya ang niregalo ko? That won't change the fact that I still like him; that I adore him. That won't change my feelings for him. I won't ever give up. Never. Kaya tiwala lang! Bibigay rin siya! Aja!

Since ayaw ko muna siyang makita, sa rooftop ako kumain ng lunch kasama si...sino pa nga ba? Wala naman akong ibang kaibigan sa room kung hindi si James.

Nakasalampak kami sa sahig habang nakasandal sa railings nang biglang umihip ang malakas na hangin. Woooh! Sarap talagang tumambay sa rooftop, lalo na tuwing makulimlim ang langit.

Panay ang kuwentuhan namin habang kumakain. Matapos naming kumain ng lunch ay inilabas ko mula sa paperbag na aking dala ang isang kahong naglalaman ng...hulaan niyo kung ano:

a.) Cupcakes

b.) Cookies

c.) Cheesecake

d.) None of the above

Spill it na? :3

"Ano 'yan?" itinanong niya habang nakatutok ang mga mata sa nasabing bagay.

"Buksan mo," I answered and handed him the thing.

"Para sa akin ba 'to?" he asked as he opened the box.

Tumango lang ako.

"May okasyon ba? Para sa'n 'to?" he continued.

"Uhm, token of gratitude. Saka late birthday gift na rin," I told.

Kahapon ko lang kasi nalamang last July 24 pa pala ang birthday niya. Imagine! Halos dalawang buwan na rin pala ang nakalilipas! Kung hindi ko pa itinanong sa kaniya, siguro hindi ko malalamang tapos na pala.

"Blueberry cheesecake! Wow, salamat!" nakangiti niyang sambit.

Woah! He freaking smiled! Alam niyo naman 'tong kaibigan ko, may pagkamisteryoso. Minsan lang siyang ngumiti nang totoo. Iyong tipong makikita mo sa mga mata niyang masaya talaga siya. Kaya hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapigilang mamangha tuwing nakikita siyang ngumingiti.

"Alam mo bang favorite ko 'to?" he added.

"Yep. Of course I did a little research para naman masigurong magugustuhan mo ang munting regalo ko para sa 'yo," masigla kong isinagot.

"Ikaw nag-bake?" itinanong niya habang nag-ii-slice ng cake.

"Oo naman! Masarap 'yan. Pinagpaguran ko 'yan kaya ubusin mo," I said.

Hindi siya sumagot. Sa halip ay sinimulan niya nang lantakan ang ihinanda kong pagkain para sa kaniya. Sarap na sarap ang loko, halos hindi ko na makausap sa sobrang busy niya sa pagkain.

"Yummm! Heaven! Imba. Puwede ka nang maging chef," ngumunguya niyang sinabi. May bahid pa ng icing sa labi niya kaya hindi ko napigilang matawa.

"What's funny?" he questioned.

"N-Nothing," I answered, shaking my head.

"May dumi siguro ako sa mukha," aniya. Shiiit, bakit ang cute niya?

Wait, what did I say? Siya, cute? Really, Zyra? Really? Kailan pa naging cute para sa 'yo ang isang nerd?

Tumango nalang ako. What was I thinking?

"Natulala ka na? Kain ka ulit. Gutom lang 'yan," bigla niyang sinabi. Halos mangalahati na siya sa cake. Ang takaw! "O, tulungan mo akong ubusin 'to."

"Ano ba. Kakakain ko lang, hindi ba? Busog pa ako. Kung hindi mo maubos, iuwi mo nalang ang matitira," I muttered as I shifted my gaze away from him. Tumingin ako sa wristwatch. Fortunately, may 10 minutes pa naman bago mag-start ang next class.

"Hay! Parang nakakatamad pumasok. Ang sarap matulog," humihikab kong sinabi. Bigla akong inantok.

"Ano, cutting ulit?" aniya habang nagliligpit ng mga kinainan. Ako naman, nag-ayos na ng gamit, nagsuklay ng buhok, nagpolbo at nagpabango. And voila! Fresh na ulit ang d'yosa niyo!

"Huwag mo akong udyukang gumawa ng kabalastugan. Zero tayo sa last quiz, kailangan nating bumawi sa English. Bawal ang tatamad-tamad," pangaral ko, like a boss.

"Buti alam mo. Tara na, baka ma-late pa tayo."

Tumayo na kami at nagsimulang maglakad nang biglang bumukas ang pinto sa rooftop. Muntik na akong mabato nang makita kung sino ang pumasok.

Shit, shit, shiiit! Si Lloyd!

Anong ginagawa niya rito? I thought.

Saglit siyang tumitig sa akin saka muling naglakad na para bang wala siyang nakita. Ako naman, patay-malisya nalang.

"Tara na, bilis," ibinulong ko kay James sabay hatak sa kaniya pababa ng hagdan. Sa awa ng Diyos, hindi naman kami na-late sa klase.

*Sighs heavily*

Hanggang kailan ba kami mag-iiwasan?

- Zyra

***

Diary ng Assumera (Completed)Where stories live. Discover now