Entry #41

531 16 1
                                    

Entry #41


Dear Diary,

Monday ngayon. Dalawang araw na rin ang nakalilipas muna nang naganap ang pangyayari sa pool. Galit pa rin ako kay Francine. As of now, gustung-gusto ko siyang sabunutan. Pasalamat siya, sembreak na namin ngayon kaya hindi pa ako nakakaganti sa kaniya. May araw rin siya kaya humanda siya next month.

Anyway, may ikukuwento ako.

Kasalukuyan kaming nagmo-movie marathon ni kuya kanina nang may biglang nag-doorbell

"Pagbuksan mo 'yung nag-doorbell, Lorraine," utos ni kuya. Nakatutok pa rin ang kaniyang mga mata sa screen ng aming plasma tv habang kumakain ng popcorn.

"Ih! Ikaw na, Lorenzo. Ikaw may gusto, e," pagtanggi ko. 

Wow, second name basis na ang drama namin ngayon. Hahaha! Hindi naman kasi p'wedeng "Zy" dahil parehas kaming may "zy" sa pangalan. Para tuloy kaming kambal dahil magkatunog ang pangalan namin. Ewan ko ba kina mama.

"Dali na," pilit niya.

"Ayaw."

"Ang tamad mo talaga," umiiling na sinabi niya. "Ako nang maghuhugas ng plato mamaya. Buksan mo na 'yung gate," pahabol niya pa.

Nice. Dinaan sa suhol.

"Sabi mo 'yan, ha. Kapag lang 'di mo ginawa, humanda ka sa 'kin," I told him like a boss. See how badass I am? Choz!

At dahil mabait akong anak, ako na 'yung lumabas at nagbukas ng gate. I was surprised to see Lloyd standing in front of our house. He was wearing a statement shirt with matching maong pants and sneakers. May suot pa siyang black cap na pabaligtad ang porma. Sa tabi niya ay nakaparada ang isang itim na motor na astigin.

"O, ikaw pala 'yan! Anong kailangan mo?" I greeted.

Ang galing. Hindi man lang ako kinabahan or nag-stutter nang nagsalita ako sa harap niya. How unusual.

May dinukot siyang kung-ano mula sa bulsa niya. Namilog ang mga mata ko pagkakita sa kinuha niya.

'Yung g-shock wrist watch na birthday gift niya sa akin last time.

Ngayon ko lang naalala na kinuha rin pala ito nung bruha. I almost forgot. Mali, nalimutan ko pala talaga. All I had been thinking for the past few weeks was the bracelet. And James. 

Speaking of, nami-miss ko na siya. 

"O!" aniya sabay bato sa akin nung bagay na hawak niya. Buti nalang nasalo ko.

"Ano ka ba! Sana iniabot mo nalang sa akin nang ayos. Mamaya magasgasan pa or something. Sayang naman," I told. 

Wow. I couldn't believe I just said those words to him.

Tinawanan lang niya ako. The emotionless slash poker-faced guy just laughed. Nananaginip ba ako?

"Thanks by the way. Nag-abala ka pang puntahan ako rito sa 'min," nahihiya kong isinagot. Yeah, right. Tuwang-tuwa naman daw ako. Ang suwerte ko yata ngayong araw. Magpapakabait na talaga ako para tuloy-tuloy ang pasok ng suwerte sa buhay ko.

"No problem. Pasensya ka na nga pala kay Francine. Alam mo naman ang isang 'yun, malakas ang topak. Huwag kang mag-alala, pinagsabihan ko na siya. Sabihin mo lang sa 'kin kapag ginulo ka niya ulit, akong bahala," he said and smiled brightly. Goodness. Ngiti pa lang niya, pamatay na.

"Wala ka namang kasalanan kaya huwag kang mag-sorry. Pero salamat na rin. Gusto mong pumasok?"

"Hindi na. Pupunta pa akong mall. May pinabibili kasi si kuya," he answered.

Diary ng Assumera (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon