Entry #3

1.4K 36 7
                                    

Entry #3

Dear Diary,

Pagka-uwi ko ng bahay kanina, kaagad akong nagpunta sa pinakamalapit na tindahan at nagpa-load. S’yempre, ni-register ko para unlimited text. Pagkabalik ko sa bahay, dumiretso agad ako sa ‘king k’warto at sumalampak sa kama. Saka ko ni-text si Lloyd.

To: Lloyd my loves <3

Message: Hoy, ikaw nga! Oo, ikaw na nagbabasa nito. I love you! :)

<3 <3 <3

Good afternoon! Just got home! Text tayo?

GM

#Aishiteru!

-

Ang cute ng name niya sa contacts ko, ‘no? Hahaha! Actually, hindi talaga ‘yun GM. Kunwari group message pero sa kaniya ko lang talaga ni-send. Chos! Ilang segundo lang ang nakalipas, nag-reply na siya. Nakangiti kong binasa ang text message.

From: Lloyd my loves <3

Message: Sino ka?

-

Nakalimutan kong magpakilala sa kaniya kaya ni-text ko ulit siya.

To: Lloyd my loves <3

Message: Si Zyra ‘to! Zyra Lorraine Alonzo soon-to-be Castillo, your future girlfriend. :”>

-

I waited and waited pero wala akong natanggap na reply mula sa kaniya.

Mahigit isang oras rin ang nakalipas pero hindi pa rin siya nag-reply. Siguro hindi niya na-receive ang text ko kaya ni-resend ko. Tatlong beses pa para sure na matanggap niya. After no’n, naghintay ulit ako. Inabot na ako ng gabi sa kahihintay pero wala pa ring dumating na text message galing kay Lloyd. Hanggang sa natapos akong kumain ng dinner, still no response. Siguro wala na siyang load. Tama! Baka na-cut na o kaya expired na. Buti nalang may 10 minutes akong pantawag, smart to smart. And buti nalang parehas kami ng network! So tinawagan ko siya. Na-miss ko na kasi ang boses niya. Saka nag-alala na kasi ako. Baka kung ano nang nangyari sa kaniya. Baka na-snatch ang phone niya, nanakawan sila, na-hold up siya sa daan, nahulog sa manhole habang naglalakad or worst, baka in-abduct na siya ng aliens!

Nag-ring ang phone niya pero hindi sinagot ang tawag then bigla nalang nag-toot-toot kaya tinawagan ko ulit siya. Kaso binaba ‘yung tawag. :( Pero hindi ako sumuko! Ni-try ko ulit siyang tawagan. Ni-PM ko pa nga siya, saying na sagutin niya ang tawag ko. And so I called him for the third time but unfortunately, unattended na bigla. Siguro busy siya. Maybe nakapatay ang phone niya or lowbatt kaya hindi sinagot ang tawag. P’wede ring nakatulog na pala siya. Pero ayos lang, at least nag-reply siya kahit isang beses lang. Hindi ko na buburahin ang text niya forever for remembrance. You know, may sentimental value kasi galing sa crush ko. <3

Ni-text ko siya for the last time tonight.

To: Lloyd my loves <3

Message: Nag-aalala na talaga ako kasi hindi ka nagre-reply sa mga texts ko. ‘Di mo rin sinasagot ang mga tawag ko. Anyway, kung nasa’n ka man…I hope you’re safe. Take care. Good night and dream of me, baby. <3 See you tomorrow!

Xoxo, Zyra.

-

Waah! Inaantok na ako! Tutulog na ‘ko, Diary! Good night! :>

- Zyra

PS: Ang saya ng araw ko! Naka-score na naman ako! Naka-text ko si my loves. Kaunti nalang talaga! Mapapa-sa ‘kin ka rin, Lloyd! Ipu-push ko na talaga ‘to! Lloyd my loves is <3 <3 I love you na talaga, to infinity and beyond! :)

***

Diary ng Assumera (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon