Entry #42

545 17 24
                                    

Entry #42


Dear Diary,

Ang boring dito sa bahay kaya naisipan kong magsulat nalang sa 'yo, Diary. Kagagaling lang naming sementeryo kahapon. Binisita namin sina lolo. Nag-alay ng bulaklak at pinagdasal ang mga namayapa naming kamag-anak. Ngayon, maghapon akong nakatunganga sa bahay. Panay ang internet ko kanina kaso na-bored din ako kinalaunan kaya pinatay ko na ang PC. Wala naman akong maka-usap sa bahay kasi umalis si Lorenzo. Gumala kasama ang mga ka-tropa niya. If I know, maghahanap lang siyang chix. Malandi kasi 'yun, e.

Hayzxs. Ang boring talaga. Ni-text ko nga si James kaso hindi naman siya sumasagot. Wala yatang load or baka busy lang. Kung alam ko lang ang address niya, baka nung isang araw ko pa siya pinuntahan sa kanila. Halos anim na buwan na kaming magkakilala pero hindi ko pa rin alam ang address niya. Idagdag mo pa na mag-bestfriend kuno kami ngunit ang dami ko pang hindi nalalaman tungkol sa kaniya. How ironic.

Speaking of, hanggang ngayon, naiintriga pa rin ako sa kanilang dalawa ni Noreen Delgado. Ni-search ko ang fb account nito last time. Too bad naka-private ang account niya kaya hindi ko ma-view ang posts sa profile niya. No choice tuloy ako kung hindi ang i-add siya. Kaso mahigit isang linggo na ang nakalilipas, hindi niya pa rin ako ina-accept. Hindi tuloy ako makakalap ng iba pang information tungkol sa kaniya.

The bottom line is nabo-bored na ako sa bahay. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naubos ko na lahat nang ima-marathon kong series at movies. Pati paglilinis ng bahay pinatulan ko na. What to do? Hindi naman ako makatulog sa hapon.
Gusto ko nang pumasok sa school.


- Zyra


PS: Nami-miss ko na si James! :((((((


***


Diary ng Assumera (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon