Entry #36

526 18 4
                                    

Entry #36

Dear Diary,

Maaga akong gumising para ipagluto ng lunch si Lloyd my loves. Menudo ang niluto ko dahil iyon pa lang naman ang napapag-aralan kong lutuin. Pagdating ng Sabado, ibang putahe naman ang pagpapraktisan ko!

So ayun, dahil marami akong nilutong ulam, nagbaon na rin ako para sa sarili ko. Kaya naman pagdating ng lunchbreak, kinapalan ko na ang mukha ko. Ako nang lumapit kila Lloyd. Kaso pagdating namin ni James sa cafeteria, isang hindi inaasahang eksena ang nadatnan ko.

Si Francine...

Ang bruhang 'yon!

She was sitting with them! And talagang tumabi pa siya kay Lloyd!

Sa kabila nito, hindi ako nagpatalo sa kaniya.

Nakangiti akong lumapit kila Lloyd hawak ang lunchbox na ginawa ko para sa kaniya.

"Oh, si Zyra," sambit ni Klein nang makitang palapit ako sa kanila. Napatingin sa akin ang mga kasama niya. Pinagtaasan ako ng kilay ng bruha. I just smirked at her. I'll deal with you later, bitch, I thought.

"Hi!" I greeted them. "Lloyd, para sa 'yo," I said as I handed him the lunchbox.

"Woah! So tinotoo mo talaga ang sinabi mo? Liligawan mo si Pareng Lloyd?" singit ni Harold.

"Hmm...parang gano'n na nga," I told.

Binuksan ni Lloyd ang lunchbox na binigay ko.

"Ikaw ba nagluto nito?" he asked.

Tumango lang ako.

"Sus! Paniguradong hindi masarap 'yan," banat ng bruhildang si Francine. Kung makatingin siya sa niluto ko, parang diring-diri! Kung sampalin ko kaya siya ng lunchbox?

Hindi ko napigilan ang bunganga ko.

"Shut up, bitch. I don't need your opinion," I scowled at her.

"Ano ka ngayon, Francine! Barado ka pala!" tumatawang sinabi ni Oliver.

Francine just glared at him. Tameme ang bruha.

"So, kamusta ang lasa?" tanong ko matapos tikman ni Lloyd ang luto ko.

"Masarap. Salamat sa lunch, Zyra," he answered and smiled sweetly.

Ngiti niya lang, sapat na!

Hayahigh! Ang agang kilig naman nito! <3

Tumikim din si Klein ng ulam na niluto ko.

"Uy, ang sarap nga! Ako rin, Zy! Igawa mo rin akong lunch," anito.

"At bakit naman kita igagawa?" painosente kong sagot.

"Boom basag! Kawawa ka naman, 'tol," ani Oliver sabay tapik sa balikat ni Klein.

"Aray ko naman, Zy! Gan'yan ka naman, si Lloyd lang pinapansin mo! Si Lloyd nalang lagi, pa'no naman ako?" pagdadrama ng damuho. Samantalang tatawa-tawa lang si Harold at Oliver. Si Francine naman, ang sama nang tingin sa akin! Kung tusukin ko kaya mga mata niya? (Ang brutal! Haha!) Isa pa 'tong si Klein. Bakit ba ako ang pinagti-trip-an niya?

"Oy tama na 'yan, Klein. Baka magalit si boss," sabi ni Oliver.

"Oo nga. Peace tayo boss! Hindi ko aagawin sa 'yo si Zyra, pramis!" sambit ni Klein na may kasama pang pagtaas ng kamay na wari ba'y nanunumpa sa watawat.

"Fuck you," Lloyd cussed. Lalong nagsitawanan ang tatlo. Si Francine, lalong bumusangot.

"Sige, balik na ako sa table namin!" nakangiti kong sabi.

"Salamat ulit sa lunch, Zyra," ani Lloyd na may kasama pang pagkindat.

Gaaaaaah! Hihimatayin na yata ako!

Abot-tainga ang ngiti ko nang bumalik ako sa table namin ni James.

"Antagal mo," aniya. "Ano, kumusta?"

"Success!" I answered energetically. "Waaaah! Kinindatan niya ako, James!"

"Ang harot! At talagang kailangan may paghampas pang nalalaman? Masakit!" daing niya habang hinihimas ang kaniyang braso.

"Sorry naman!"

Nilabas ko na ang lunchbox ko.

"Hindi ka o-order?" tanong niya.

"Kita mo namang may dala akong pagkain, 'di ba?" sarcastic kong sagot.

"Bipolar ka talaga. Kanina lang ngiting-ngiti ka, tapos pagdating sa akin ang sungit mo na," usal niya.

May inilabas akong isa pang lunchbox mula sa paperbag na dala ko at iniabot ito sa kaniya.

"Ano 'to?" tanong niya.

"Lunch," matipid kong sagot. Binuksan ko ang aking lunchbox at nagsimulang kumain.

Binuksan niya ang lunchbox na ibinigay ko.

"Anong gagawin ko rito?"

"Malamang kakainin!" I retorted.

"Wow, iginawa mo rin ako? Salamat!" he said and flashed his oh-so-charming smile.

Parang matutunaw ang puso ko. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, bigla akong nakaramdam ng saya.

"Oo naman! Ikaw pa! Malakas ka sa 'kin, e!" I told.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang kumakain kaming dalawa.

"Ba't ganiyan ka makatingin?" aniya nang mapansing nakatitig ako sa kaniya. Biglang nagtama ang mga mata namin.

"Halatang sarap na sarap ka sa luto ko. Ano, ayos ba? Papasa na ba?" wika ko sabay lihis nang tingin. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso ko. Dahil siguro sa gulat. Bigla ba namang nagsalita!

"Ayos na ayos!" aniya na may kasama pang thumbs up.

Hindi ko napigilang ngumiti. Ewan ko ba, pero tuwang-tuwa ako nang puriin niya ang luto ko.

"Malapit na birthday ko. Regalo ko, ha?" pabiro kong sinabi. Katatapos lang naming kumain. Pahinga muna nang kaunti bago kami bumalik sa room.

"Oo naman! Ano bang gusto mo?"

"Si Lloyd," bulalas ko, na sinamahan pa nang malanding tawa. Charaught!

"Sige. Abangan mo nalang 'yong delivery ko sa 'yo sa birthday mo. Ikakahon ko si Lloyd para sa 'yo," tumatawa niyang sagot.

"Nice! Aabangan ko 'yan!"

"Seriously, ano ba talagang gusto mo?" he questioned.

"Kahit ano."

"Ang hirap naman n'yan! Sa'n ako hahanap ng kahit ano?"

"Basta. Kahit ano naman ma-a-appreciate ko." Basta galing sa 'yo.

"Hmm. Sige. Bahala na," sambit niya. "Tara na," yaya niya.

Tumayo na kaming dalawa at nagsimulang maglakad palabas ng cafeteria.

Bago kami tuluyang makalayo, saglit akong napatingin kay Lloyd.

Next week na ang birthday ko. Bibigyan niya kaya ako ng regalo? Maalala kaya niya ang birthday ko?

Baka nga hindi niya alam kung kailan ang birthday ko. (Ang saklap naman kung gano'n!) Siguro naman alam niya. Friend kaya kami sa facebook!

Basta kahit simpleng bati niya lang, sapat na. Okay na ako.

Sana talaga! Hahaha! Pero mas masaya kung magiging kami sa birthday ko. Asa pa more, Zyra! Chos!

Hanggang dito nalang. Sa susunod nalang ulit, gagawa pa akong assignment.

- Zyra

***

Diary ng Assumera (Completed)Where stories live. Discover now