Author's Note

921 27 9
                                    

Author's Note


SA WAKAS! FINALLY! After three long years (yes, three freaking years), natapos ko rin ang k'wento ni Zyra! Second year college pa lang ako nu'ng sinimulan kong isulat 'to. Trip-trip na k'wento lang kumbaga, stress reliever ganern. Tapos ngayon, incoming 5th year na ako!

Malamang 'yung iba sa inyo, nagtatanong. Beastmode na ba kayo mga bes?

Teka lang ah! Huwag niyo akong i-bash dahil sa ending! Hustisya naman, o! Charot!

Ito 'yung kauna-unahang k'wento na sinulat ko na hindi nagkatuluyan ang mga bida. I made it that way, kasi, 'yun 'yung nakikita kong posibleng mangyari. It fits the story. It is their reality. Kung 'di niyo man nagustuhan ang ending, well, wala akong paki. Noon pa man, ito na talaga 'yung ending na naisip ko para sa k'wento. Masakit man, pero dapat nating tanggapin ang katotohanan. After all, hindi naman talaga 'yung ending ang mahalaga. Mas importanteng malaman kung paano humantong ang lahat sa ganitong ending. Kumbaga, the journey is more important than the destination itself.

Alam kong tinatanong niyo kung bakit ganun 'yung nangyari. Bakit ganu'n 'yung ending? Bakit hindi sila nagkatuluyan?

Intindihin niyong mabuti 'yung k'wento. Try to put yourself in James' situation, then you'll understand.

Ayaw ko nang spoon feeding, kaya kung 'di niyo pa rin gets, basahin niyo ulit 'yung k'wento (kung gusto niyo).

Well, hindi komo hindi sila nagkatuluyan e tragic na. Happy ending pa rin naman 'to. Ang mahalaga, 'yung kasiyahan ng characters. I hope you guys understand.

Anyway, I would like to thank all of you, na walang sawang nagtiyaga sa k'wentong 'to kahit mabagal ang update. Salamat sa mga walang sawang sumuporta at nag-abang sa k'wento ni Zyra. Without you, this wouldn't be possible. So cheers!

Sana suportahan niyo pa rin ako sa susunod (if ever na magsulat pa ulit ako).

Hanggang sa muli,

Elle xx

___

Diary ng Assumera (Completed)Where stories live. Discover now