Entry #70

734 19 2
                                    

Entry #70


Dear Diary,

Graduation day.

Ito 'yung isa sa pinakamasaya at pinakamalungkot na araw ko bilang isang high school student.

Masaya kasi finally, after four years, graduate na kami. Masaya dahil nagbunga 'yung paghihirap namin; 'yung sleepless nights, stress, struggles and what-nots na naranasan namin ay worth it.

Malungkot kasi, after four years, hindi ko na ulit sila magiging kaklase.

High school definitely isn't the best era of my life.

To be honest, I hated high school.

I hated high school, to the point that I considered dropping out at a certain point of time, until I met them; those friends I treasure.

Dahil sa kanila, naging masaya ang high school life ko.

Somehow, it was kind of regretful. We only had met this school year, then now we're about to part ways. It was unfair, we didn't have enough time to enjoy each other's company. Tipong bakit ngayon lang kayo dumating sa buhay ko? Sana noon pa lang, nakilala ko na kayo. Hindi sana ako nagsisisi ngayon. Hindi sana nasayang 'yung tatlong taon ng high school life ko.

Putek, ang drama.

Pagpasensyahan na, medyo alam niyo naman, hindi ako emotionally stable these days.

Anyway, ayun na nga.

Sa huling taon ko sa high school, marami akong naranasan.

Naranasan kong magkaroon ng mga totoong kaibigan. Naranasan kong magkaroon ng kaaway. Naranasan kong ma-in love. Umiyak. Masaktan. Magpakatanga. At kung anu-ano pang kalokohan.

It was like riding a roller-coaster, with lots of ups and downs, and twists and turns.

Hindi ko inasahang iiyak ako nang ganito sa graduation day ko. Kasi nga 'di ba, wala naman akong kaibigan dati, so anong ma-mi-miss ko? Pero nagbago na ang lahat. Ngayon, parang ayaw ko nang gumraduate. Isipin ko pa lang na hindi na kami magkikita, naiiyak na naman ako.

"Ito naman, 'di pa naman ako mamamatay! Magkikita pa naman tayo!" ani Gianne habang inaalo ako. Panay pa rin ang iyak ko habang magkayakap kaming dalawa.

"E-E kasi n-naman, e! Magkaiba tayong university na papasukan! H-Hindi na tayo magkakasama tulad nang dati," I told as I wiped my flowing tears.

Para kaming eng-eng. Hahaha! E kasi naman! Panay ang iyak namin habang 'yung iba, busy sa pagkuha ng picture.

"O, smile ka naman jan, bunso!" hirit ni Zyrel, este Kuya, sabay pindot ng digicam. Napapikit ako dahil sa lakas ng flash.

"Putek naman, Zyrel! Panira ka ng moment!" bulalas ko kaya natawa nalang kami.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko kaya bumitiw ako kay Gianne.

Pagtingin ko sa screen, one text message received.

It was from Klein.

It's time.

"Ah, guys. Maiwan ko muna kayo. May aasikasuhin lang ako saglit," I told them with a smile.

"O, sige. Bilisan mo. Nasa kotse na sina Mama, nag-aantay. May lakad pa tayo, 'di ba?" ani Kuya.

Tumango lang ako at agad na tumalikod. Mabagal kong tinungo ang daan papunta sa main building.

Shit. Shit. Shit.

This is it.

Huli na talaga 'to.

Pagkatapos nito, titigilan ko na.

Kaya sana, sana ayusin mo, Zyra.

Say what you have to say.

Nevermind his response. Ang mahalaga, masabi mo sa kaniya.

It's better than to be left with full of regrets, right?

Nagtipa ako ng mensahe sa aking cellphone at ni-send kay Klein.

Andyan na ba siya?

It took him a couple of seconds to reply.

Oo. Good luck.

Nagpasalamat muna ako sa kaniya bago ko ibinulsa ang aking cellphone. Mabagal akong nagmartsa paakyat ng hagdan. Ilang minuto rin ang inabot bago ko tuluyang narating ang rooftop.

Pagkabukas ng pinto ay malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Makulimlim ang langit at para bang anumang oras ay babagsak ang malakas na ulan.

Pinagmasdan ko ang kaniyang pigura mula sa malayo. Nakatalikod siya sa akin at nakasandal ang kaniyang mga braso sa railings, wari ba'y malayo ang tingin.

Tahimik akong naglakad palapit sa kaniya.

Every step was like a death march.

Palakas nang palakas ang kabog sa dibdib ko sa bawat segundong lumilipas. Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili.

Napatigil ako sa paglalakad nang humarap siya sa akin.

His mesmerizing eyes darted on me.

"Gusto mo raw akong makausap," aniya.

Hindi ako umimik, bagkus ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang ilang metro nalang ang aming pagitan ay saka lang ako huminto.

Nilunok ko na ang lahat nang dapat lunukin. Pride. Kahihiyan. Name it.

I looked straight into his eyes and said these words.

"Gusto kita."

His eyes widen in surprise.

Siguro nga iba pa rin talaga kapag sa bibig na mismo nanggaling.

Kahit na may idea ka na, kahit na ramdam mo na, magugulat ka pa rin talaga.

Hindi siya nakaimik. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin, tila ba nag-iisip nang sasabihin.

I faked a smile.

Then there was silence between us. 

It took like eternity before I could finally speak again.

"Oo, James, hindi ka nagkamali nang dinig. Gusto kita," pagpapatuloy ko.

Hindi ko na kinayang makipagtitigan sa kaniya kaya tumingin ako sa malayo.

"Gusto kita. Gustong-gusto kita. Baliw mang pakinggan, pero sa sobrang pagkagusto ko sa 'yo, nahulog na ako."

I heaved a sigh.

Tapos tumawa ako. Kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko.

"Pasensya na. Pinilit ko namang pigilan, pero wala, e. 'Di ko nagawa. Ang lakas kasi ng tama ko sa 'yo," sambit ko kasabay nang malakas na ihip ng hangin.

"Huli na naman 'to. Baka hindi na tayo magkita pagkatapos nito. Malay ko ba kung saang university ka papasok. Kaya pagbigyan mo na ako. Pakinggan mo ang sasabihin ko. Kasi sawa na akong magpanggap. Pagod na ako."

I swallowed the lump in my throat. Pumikit ako nang mariin para pigilan ang mga nagbabadyang luha.

Tapos humarap ako sa kaniya.

His face was devoid of emotion.

He stared blankly at me.

"Sa una't huling pagkakataon, hayaan mong sabihin ko sa 'yo..."

For the nth time, I faked a smile.

"Na mahal kita..."

I faked a smile as my tears fell.

"...ikaw na best friend ko."

Humakbang siya palapit sa akin at niyakap ako.

Ilang minuto kaming hindi nagsalita habang nakayakap pa rin siya sa akin.

After a moment, humarap siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko.

"I

Diary ng Assumera (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon