"Buti nakakayaya mo pa pumasok? Baka sumumpong 'yung sakit mo?" dugtong naman kaagad ni Gori. Siya pala ang medyo mataba sa klase namin.


Tumawa naman si Phil, at saka lumapit pa nang kaunti sa akin. "Pansinin ka na kaya ni Trevor? Wala naman atang pakialam sa'yo 'yun e. Ako na lang kaya?" Muli itong tumawa ng mapansing napayuko lang ako sa pambubully na ginagawa nila.


Bigla naman silang nagsilayuan nang makitang naglalakad si Trevor sa direksyon namin, sa tingin ko ay papunta siya sa locker na nasa gilid lang malapit sa entrance.


"Trevor.." Napatingin ako sa kanya nang huminto siya sa harap namin, at may kasama pa siyang dalawang lalaki na sa tingin ko ay sa ibang section galing.


Tiningnan niya ang tatlo bago nagbaling ng pansin sa akin. Sana pansinin niya na ako ngayon, nagtiklop ako ng dalawang kamay at nanatiling nakatuon sa kanya.

He just standing in front of us for a minute, at saka nagdire-diretso. Napatingin ako sa pwesto niya kanina at nadismaya. He really don't give a care to me, kahit kaunti.

Nagpatuloy naman ang pang-aasar nila, at walang humpay na idinidiin ang pangalan ni Trevor sa mukha ko. I'm in bad mood, mas lalo akong nainis kay Trevor.


*STAGE ENDS*


Padabog kong inalisan ang tatlo at umakyat na. Napaatras naman sila sa ginawa ko, at nilubayan na ako. Art Class ang susunod na klase namin, at for sure nandoon na silang lahat.

Naabutan ko silang nagkakagulo pagpasok ko ng artroom. Nasa gitna si Karl at may kung anong nakadikit sa isang drawing board doon na pinipilahan ng mga kaklase ko.

Curious din naman ako kung ano 'yun, at nakita ko ang mga picture na kuha niya noong field trip.


"What's this?" Nang mapansing halos puro picture ni Jackston, Zack at trevor ang nandoon.


"Bibili ka ba? 100 pesos per pic. Madaming kuha si Trevor dyan, kuha ka na. May picture ka din dyan." Talagang ginawa pa niyang kabuhayan ang skills niya sa photography.


Nagkakagulo sila sa mga stolen shots ni Jackston at nag-uuunahan sa mga iyon, nagdalawang isip pa ako kung kukuha ako, dahil ayaw kong bumili ng litrato namin ni Trevor. He's not worth it, I hate him, kahit alam kong nasa stage kami.

May isang pic ako doon na talagang nakapukaw nang atensyon ko. Natigilan ako saglit, at kinuha ang litrato. It's me, at si Hiro na naka- photo bomber sa likod ko. Hindi siguro sinasadyang nakatingin din siya sa camera. May ganito pala akong kuha?


"Bibilhin mo ba 'yan? Hindi mo na binitawan e." Nakabantay pala si Karl sa hawak kong picture.


I rolled my eyes in front of him, nagpoker face din ako bago ako dumukot ng pera sa wallet ko. I literally just smiled instantly, and I don't know why.

Nagulat naman ako nang bigla na namang sumulpot si Trevor. Nasa likuran ko pala siya at napansin ang picture na hawak ko. Nakakunot ang noo niya nang mapansing wala akong Trevor na kasama sa picture.

Nag-abot siya ng picture na kasama ko siya, at tiningnan ko lang siya sa ginawa niya. "Ito ang kunin mo, 'yung kasama ako," aniya pero hindi ko siya pinakinggan.

"Hindi ako maganda dyan, I just like this one." I bow my head and chuckled.  Hindi ko na rin pinansin pa  si Trevor, at umalis na doon sa harap at naupo sa pwesto ko. Hindi ko tinigilan ang pagtingin sa picture, I'll keep it because Hiro is here.


"Hey, Alora." Nag-angat ako ng tingin nang makitang sinundan pala ako ni Trevor. Ano na namang issue niya?


Hindi muna siya nagsalita, at inilapag ang picture na kasama ko siya. "Keep this, Wala ako dyan." Ang tinutukoy niya ang pic na hawak-hawak ko.


"Kaya nga ito ang gusto ko," sagot ko at binalik ang paningin sa picture na idinidikit ko pa sa mukha ko.


Nagulat ako nang bigla niyang pinalo ang table, at saka nag-iwas ng tingin. I don't understand him just now. Gusto niya nang umiiwas ako tapos ngayon, dahil sa picture ay lalapit siya sa'kin?

Nang hindi ako sumagot ay nilayasan niya na ako at iniwan ang picture sa mesa.


"Aissh, kahit kailan ka!" bulyaw ko nang makaalis si Trevor.


Break time na muna pagkatapos ng art class. Imbis na sumama ako kay Becky at Karl ay nag-decide ako na magpunta sa sky bridge, para mapag-isa.

Wala namang ibang dumaraang estudyante dito, kaya sumandig ako sa bakal, at nag-angat ng ulo. Ipinikit ko rin ang mata ko at hinayaang madama ang hangin sa mukha ko.

Ilang sandali pa ay dumilat at nagbaba na ako ng tingin. Napansin ko ring naglalakad papunta sa direksyon ko si Zack. Wala siyang klase?


"Kamusta ka na?" I don't know what he mean by that.


"Anong kamusta?" I rest my arms againts the steel barrier.


"I mean, sa lahat. I know you're having a hard time dealing with our situation," ginaya din niya ako pero nakalingon ang ulo niya sa akin.


"I don't know. We can change it, right? I know we can definitely change our stories." I don't know but I feel really confident dahil nandito si Hiro.


"Hindi ka naman niya natatandaan e?  Paano mo malalamang siya ang sagot sa pagbabago ng kapalaran mo?" Humarap ako sa kanya, at ipinatong ang isang braso ko sa barrier, at nagpalumbaba.


"I guess, He remembers me now. At kung hindi ipapaalala ko ulit kung sino ako."


"I hope I can do the same, I can't do anything lalo na kapag tungkol kay Claire." May halong lungkot ngayon ang tinig niya.


"Psh, h'wag ka mapanghinaan ng loob. Sige na, pupunta pa ako kay Curry fairy para sabihin ang nangyari sa field trip natin.

Tinapik ko ang balikat niya at nauna na ng umalis. Matagal-tagal na rin bago ko dinalaw si Curry fairy sa kitchen niya, excited na rin ako sa balitang sasabihin ko.

Naabutan ko si Curry fairy sa kitchen na nagpupunas ng mga plato na nasa isle table na malapit sa may gripo, mukhang kakatapos lang niya maghugas. Walang anu-ano'y kumuha ako ang table cloth at tumulong sa ginagawa niya.


"Kamusta ang field trip? Nag-enjoy ka ba?" tanong nito habang nagpupunas ng mga plato. He already know about the field trip, for sure nabasa niya na rin sa comics ang tungkol doon.


Tumango muna ako at inilagay sa dish drainer na sa harap ko ang plato. "I had a beautiful night with Hiro." I suddenly smiles whenever I mention him.


"Hiro?" Nagtatakang tanong niya.


"The nameless extra? I gave him a name." Masaya pa ang tinig ko habang patuloy ako sa pagtulong.


Tumigil siya sa ginagawa niya at seryosong tumingin sa akin. "Alam mo ba ang kapalit ng ginawa mo, Alora? Ginulo mo ang lahat."


Anong ginulo ang sinasabi niya?



TO BE CONTINUED..

Look, I found you (UNDER REVISION)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin