Wish: 16 Stell's P.O.V

238 19 5
                                    

Gabi na at kasama ko ngayon si Ayesha na naglalakad pauwi. Ginabi na kasi kami sa karinderya.

"Shang..."

"Hmm?"

"May gusto sana akong sab—"

"Eshang!"

Napatingin ako sa sumigaw at nakita si Calvin na papalapit sa amin.

"Cal!" Sigaw din Ayesha saka sila nagyakapan. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya pagkaalis nila sa pagkakayakap.

"H-ha? Ahh hahaha bumibisita lang." Sagot niya saka napakamot sa ulo.

Tumikhim ako kaya agad na napunta sakin ang atensyon nila. Grabe tong si Ayesha ah. Nandyan lang yang si Calvin hindi na ako maalala! Ako ang BOYFRIEND niya diba?

"Wazzup Stell! Grabe ipakilala mo naman ako sa ibang member ng SB19." Sabi nito at pumasok na kami sa bahay nila Ayesha.

"Sige." Tipid na sagot ko.

---

Nandito kami ngayon sa sala at kanina pa nagkukwentuhan sina Ayesha at Calvin, habang ako naman ay nakaupo lang dito at pinapakinggan ang kwento nila. Nagsasalita lang ako kapag may tanong sila sakin.

"Naalala ko bigla yung nahulog ka sa kanal kasi tinulak ka ni Clarise.Grabe! Sobrang nakakatawa yung nangyari sayo noon! Hahahaha!" Tawa ni Ayesha.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sobrang close pala nila.

Marami din naman kaming mga nakakatawa at mga kalokohan ni Ayesha noong bata pa kami. Pero pakiramdam ko, mas masaya yung childhood memories nila ni Calvin.

Yung pupunta sila sa tabi ng dagat at magtakbuhan sa dalampasigan. Yung aakyat sa puno ng mangga ng kapitbahay. Yung uuwi ng napakadungis.

Lahat yan si Calvin ang kasama niya. Naaalala ko pa noong bata kami kung paano niya ikwento ang mga nangyari matapos nila magbakasyon sa probinsya.

"Hoy Stell! Okay ka lang?" Agad akong napatingin sa kanya dahil hinawakan niya ang balikat ko.

"Ha? Oo. Sige uuwi na ako. Good night Shang." Sagot ko saka tumayo na.

"Sige. Good night." Sabi niya saka ngumiti. Napatango ako kay Calvin saka matamlay na naglakad palabas.

Pabagsak akong nahiga sa kama ko at tulalang nakatingin sa kisame.

Napasabunot ako sa buhok ko dahil hindi ko alam ang nangyayari sakin.

Nagseselos ba ako sa kanila?

Pero para saan?

Dahil ba close sila?

Eh, close din naman kami.

Eh ano?

Hayst! Para kang sira Stell!

Kinabukasan, maaga akong nagising at dumeretyo sa studio. Nadatnan ko naman doon si Sejun na parang tanga na nakangiti.

"Mapunit sana yang bibig mo." Sabi ko saka umirap. Tumingin naman siya sakin saka tinaasan ako ng kilay. Napaka attitude talaga nito.

"Problema mo ba? Tsk!" Masungit na sabi nito. Hindi ko nalang siya pinansin at ayun nakangiti na naman. Takte.

"Wazzup ebribade!" Sigaw ni Ken na nakangiti pagkapasok niya. Tsk! Sana all nalang!

"May dalaw ka ba ngayon, Stell?" Tanong ni Jah kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Huwag mo akong kausapin kung ayaw mong dalawin ka ng kamao ko." Sagot ko. Tumawa naman si Ken at Sejun. "Kayong dalawa! Huwag niyo akong tawanan baka tumalsik kayo bigla! Hayst! Makalabas na nga lang!" Sabi ko at pabalibag na isinara ang pinto.

"Stell! Nakita ko si Ayesha may kasa—"

"Huwag mo akong kausapin!" Sigaw ko kay Josh. Nakasalubong ko kasi siya.

"What the hell? Problema mo? Tsk!" Sabi nito saka naglakad na ulit kaya badabog akong naglakad.

---

"Anong mukha yan kuya?" Tanong ni Shaila. Nandito ako ngayon sa coffee shop at sinasamahan niya ako magpalamig ng ulo.

"Nakakainis kasi si Ayesha..." sagot ko. Tumawa naman siya kaya tinignan ko siya ng masama. Hayst!

"Ayy oo nga pala kuya, pumunta siya dito kanina. May kasama siyang lalaki. Ang gwapo, sino yun?" Tanong niya kaya napahigpit ang hawak ko sa baso ng kape at masamang nakatingin dun. Naiimagine ko kasi na mukha yun ni Calvin at gusto kong basagin! Arrrgh!

"Gwapo? Shaila magpasalamin ka na, malabo na ata mata mo." Inis na sagot ko dahilan para tawanan na naman niya ako.

"Alam mo kuya, ikaw ata may kailangan ng salamin sa mata. Para naman makita mo yung totoo mong nararamdaman." Sagot niya saka tinapik ang balikat ko. "Huwag kang mag-alala, magpapanggap nalang ako na hindi ko alam na nagseselos ka." Patuloy niya pa saka tumayo na at parang natatawa pa.

"Hoy Shaila! Hindi ako nagseselos!" Sigaw pero tumawa lang siya.

"Yan ang sabi ng bibig mo, pero iba sinasabi ng mukha mo." Sagot niya saka naglakad na pabalik sa counter.

Dahil sa inis ay deretyo kong ininom yung kape sa harap ko pero napangiwi nalang ako dahil ang init pala. Takte naman!





To be continued...

Keep safe❤💙

Hiling | SB19 Stell✔Where stories live. Discover now