Wish: 15

225 18 3
                                    

"ANO?!" Sigaw ni Bella matapos ko i-kwento ang mga naganap sa probinsya. "Pumayag ka na gamitin ka niya para maka-move on?!" Sigaw pa niya kaya inirapan ko siya. Akala ko O.A na ako, may mas O.A pa pala sa 'kin.

"Huwag ka ngang sumigaw! And yeah! Pumayag nga ako." Sagot ko. Bumuntong hininga naman siya.

"Ewan ko nalang talaga sayo, Ayesha. Pag talaga umiyak ka na naman nako sinasabi ko sayo sasabunutan talaga kita." Gigil na gigil na sabi nito.

"Don't worry about me okay? Kaya ko na 'to." Sagot ko pero inirapan pa niya ako saka bumuntong hininga ulit.

Agad niyang kinuha ang cellphone niya at may kung anong ginagawa doon at may tinatawagan pala siya.

"Hello? Bella?"

Kumunot ang noo ko dahil boses iyon ni Stell. Tinignan ko naman si Bella ng masama pero hindi niya ako pinansin.

"Ano yung sinasabi ni Ayesha na kayo na daw? Bakit hindi ka man lang magpaalam sakin?!" Bulyaw niya kay Stell kaya napaface palm nalang ako.

Hindi naman sumagot si Stell kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Bella. "Pag umiyak si Ayesha dahil sayo babasagin ko talaga mukha mo!" Sabi pa nito. Narinig ko naman na tumawa si Stell sa kabilang linya.

"Promise, hindi ko sasaktan si Shang..." sagot niya kaya napangiti ako. Tinignan naman ako ni Bella ng nakataas ang kilay kaya nawala ang ngiti ko. Panira talaga amp!

"Siguraduhin mo lang! At alam mo ba na wala pang first kiss tong kaibigan ko? Bawal mo siyang halikan naiintindihan mo?!" Sigaw niya pa kay Stell. Potangena talaga tong babaeng to!

"Hahaha! Paano kung sabihin ko sayo na nahalikan ko na siya?" Rinig kong sabi ni Stell kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Takte!

"Ano?! Hoy Ajero sinasabi ko sayo pagnagkita tayo sasapakin talaga kita! Pinagsasamantalahan mo ang kahinaa—"

"Ang dami mong sinasabi, Bella." Putol ko sa kanya saka inagaw ang cellphone sa kanya. "Hello Stell, pasensya ka na dito kay Bella. Hindi kasi siya nakainom ng gamo—" napatigil ako sa pagsasalita dahil inagaw na naman ni Bella yung cellphone.

"Seryoso ako Stell, huwag mong sasaktan si Ayesha. Matagal na siyang nasasaktan dahil sayo, kaya sana hindi na iyon mangyayari pa." Natahimik ako dahil sa sinabi ni Bella. Napangiti ako dahil kahit na lagi kaming nagmumurahan ay ramdam ko yung care niya sakin. "Ayaw ko na siyang makikita na iiyak dahil sayo." Patuloy niya.

"Ayaw ko rin siyang nakikita na umiiyak, kaya huwag kang mag-alala." Sagot niya.

"Maganda na yung sigurado. Sige masyado ng kinikilig dito si Ayesha. Bye!" Sabi nito at agad na ibinababa ang linya. "At ikaw naman! Huwag ka masyadong umasa. Tandaan mo na nagpapagaling palang siya sa sugat na natamo niya." Baling niya sakin. Tumango naman ako.

"Alam ko na yon. Pero hindi mo naman maiiwasan na masaktan pag sinubukan mong buuin ang isang basag na bagay. Simula noong pumayag ako sa sitwasyong ito, handa na akong masaktan." Sagot ko.

Bumuntong hininga naman siya. "Basta kung alam mong hindi mo na kaya, bitaw na. Matanda ka naman na kaya alam mo na ang makakabuti sayo."

---

Isang linggo na ang nakalipas. Naging maayos naman ang mga nakalipas na araw.

Kapag may free time si Stell ay sinusundo niya ako sa trabaho. Pumupunta rin siya sa bar kapag nagpeperform kami doon.

Ngayon ay nandito ako sa bahay namin sa Las Piñas. Wala kasi akong pasok sa trabaho at tinutulungan ko si mama na magluto dito sa karinderya.

Nasa kusina ako nang biglang may nagkakagulo sa labas kaya agad akong lumabas at bumungad sakin ang mukha ni Stell. Nasa likod niya ang mga fans na nagsitilian at kumukuha pa ng mga pictures kaya agad kong hinila si Stell papasok sa kusina.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Napakamot naman siya sa ulo niya saka alanganin na ngumiti.

"Masama bang bisitahin ang girlfriend ko?"

Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa sinabi niya. "Ito naman, hindi mo kasi sinasagot yung tawag ko kaya pinuntahan nalang kita dito." Sagot niya.

"Naiwan ko sa bahay yung phone ko. Wala ka bang ginagawa ngayon?" Tanong ko saka umupo. Ngumiti na naman siya ng alanganin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Meron. Pero gusto kita makita, e." Sagot niya kaya umiwas ako ng tingin. Tangena nito!

"Pa fall amputa." Bulong ko. Takte kahit hindi naman niya yun sabihin na fall ka na!

"May sinasabi ka?" Tanong niya kaya agad akong napailing.

"Ahaha wala, total nandito ka na. Tulungan mo nalang ako. Yan maghugas ka ng mga pinggan." Sabi ko saka ituro ang mga hugasin na nasa lababo.

"Hoy Shang! Ikaw pinuntahan ko dito hindi ang mga hugasin!" Pagrereklamo niya.

"Huwag ka na magreklamo. Maghugas ka nalang diyan." Sagot ko kaya padabog siyang pumunta sa lababo.

"Ang swerte niyong mga pinggan kayo dahil ang isang gwapo na kagaya ko ang maghuhugas sa inyo!" Parang baliw na sabi niya sa mga plato kaya tumawa ako. "Huwag mo akong tawanan! Hindi tayo bati!" Sigaw niya sakin kaya napacross arm ako.

"E 'di hindi." Tawa ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Anong klase kang girlfriend! Nagtatampo ako kaya suyuin mo ako!" Parang batang sabi niya kaya tinawanan ko na naman siya.

"Ang arte mo alam mo yun?" Tawa ko pero hinawakan niya ang mukha ko gamit ang kamay niyang may sabon.

"Ayan! Ang ganda mo na." Tawa niya kaya kumuha rin ako ng bula ng sabon at papahiran din sana siya pero agad siyang tumakbo.

"Walangya ka! Pag talaga nahuli kita yare ka sakin!" Sigaw ko saka siya hinabol.

"E 'di habulin mo ako. Bleh!" Sabi pa niya na nang-aasar.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naghabulan sa kusina hanggang sa mapagod ako.

Nakabusangot ako ngayon habang nakaupo dahil tawa siya ng tawa.

"Maghugas ka na kasi!" Sigaw ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Siraulong to!

"Oo na! Huwag ka na magalit." Sabi niya saka naglakad palapit sakin kaya napalunok ako. Wahhhh! Mama ayaw ko pa mamatay dahil sa kaba!

Nang makalapit na siya ay agad niyang ipinantay ang mukha niya sa mukha ko.

Hindi naman ako makahinga ng maayos dahil sobrang lapit ng mukha niya sakin.

"Ang cute mo talaga pag nagagalit." Mahinang sabi niya saka ginulo ang buhok ko.

Umayos na siya ng tayo at pumunta na sa lababo para ituloy ang paghuhugas.

Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sobrang lakas ng tibok ng puso ko!

Tanginaaaaaa!

Agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay saka walang tunog na sumigaw.

Walangya!



To be continued...

Promote:

Because of You(Justin)✔

Your Fangirl(Ken)✔

Her Diary(Josh)✔

Our Not So Called Love Story(Sejun)✔

Balcony(JoshTin)

Coffee(StellJun)

Dare(Ken)

With Them(PHP)

Hiling | SB19 Stell✔Where stories live. Discover now