Wish: 05

221 17 1
                                    

꧁__________꧂

Ayos lang kahit alam kong may mahal kang iba
Ayos lang kahit paminsan-minsan nagkikita
Ayos lang kahit ako ang iyong kasama
Sa tuwing ang puso mo'y nasasabik na magmahal ng iba.♪♪
__________꧂



Kanina pa ako tulala sa isang bote ng alak na nasa harap ko.

Kanina pa kami tapos mag perform at pasara narin ang bar. It's already 12 midnight.

Hindi pa ako umuuwi dahil hinihintay ko si Stell. He promised na pupunta siya ngayon kaya umaasa ako na kahit kanina pa tapos yung performance namin ay pupunta siya.

Pero sadyang tanga lang talaga ako na umasa sa wala.

"Yesha, hindi ka pa uuwi?" Tanong ni Maira. Katatapos niya lang ayusin ang mga gamit niya at pauwi na rin.

"H-hindi pa. May hinihintay lang ako." Sagot ko. Tumango lang siya at nagpaalam na sila ni Kairo na mauuna na dahil kanina pa raw sila inaantok.

Ilang minuto pa ang lumipas at malapit na mag 1 AM. Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang cellphone ko para tignan kung nag-message ba siya, pero kahit isang text wala.

"Ayesha? Hindi ka pa uuwi? Balak mo bang matulog dito?" Tanong ni Kira pagkalabas niya ng kanyang mini office.

"H-ha? Ahmmm— uuwi na rin." Sagot ko saka tumayo. Tumaas naman ang kilay niya kaya umiwas ako ng tingin.

"May susundo ba sayo?" Tanong niya. Umiling lang ako bilang sagot.

"Hatid na kita, baka mapano ka pa." Alok niya kaya tumango na lang ako.

"Ayesha, are you okay? Kanina ka pa walang imik." Sabi nito sa kalagitnaan ng biyahe. Bumuntong hininga naman ako saka pilit na ngumiti. "If you're not okay, magpahinga ka na lang muna. Huwag ka munang papasok mamaya." Patuloy nito kaya napailing ako.

"I'm okay. Pagod lang siguro." Sagot ko. Hindi na ulit siya nagsalita at tumango nalang.

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong naligo at saka pabagsak na nahiga sa kama.

It's already 2 AM. Sinubukan kong matulog pero kahit anong subok ko ay hindi talaga ako makatulog.

Ilang beses pa akong nagpagulong-gulong sa kama at sinusubukang matulog pero namalayan ko na lang na 4 AM na.

At dahil hindi ako makatulog ay bumangon nalang ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig at para makakain narin.

"Oh Shang, kakauwi mo lang?" Napatingin ako kay mama ng magsalita siya. Kakagaling niya sa kwarto nila ni papa.

Umiling lang ako bilang sagot at umupo sa may stool. "Bakit hindi ka pa magpahinga muna. Maaga pa naman." Sabi pa niya at saka nagsimula ng magprepare ng lulutuin niya.

"Mamaya na lang ma, hindi kasi ako makatulog." Matamlay na sagot ko.

Tumango nalang siya at pinagpatuloy na ang ginagawa kaya nagpaalam na ako at pumunta sa sala.

Agad akong napatingin sa may cellphone ko na nakapatong sa coffee table dahil tumunog ito. Agad ko itong kinuha at sinagot ang tumatawag.

"Ayesha? Sorry hindi ako nakapunta kanina, I mean kagabi. T-tinawagan kasi ako ni Natayah." Bungad nito. Napabuntong hininga naman ako bago sumagot.

"It's okay. Naiintindihan ko." Sagot ko.

Naiintindihan ko na mas importante siya kaysa sa'kin.

Ang sakit lang kasi kahit saglit lang, kahit konting oras lang ang hinihingi ko. Na kahit saglit lang ako naman. Pero wala, eh. Siya parin talaga ang pinipili niya.

"Shang? Oyy nandiyan ka pa ba?" Tanong niya kaya agad kong pinunasan ang mga luha na hindi ko namalayan na tumulo na pala.

"Ha? Oo, sige magpapahinga lang ako." Sagot ko at pinatay na ang tawag.

"Anak, ayos ka lang ba?" Tanong ni mama na kakagaling lang sa kusina.

"Opo ma, sige po sa kwarto nalang muna ako." Sagot ko at tumayo na at agad na pumasok sa kwarto ko.







To be continued...

✍︎: Sorry ngayon lang nakapag ud. Pero bawi ako ngayon dahil tapos ko na ang kay Sejun. Siguro every Saturday or Sunday ako mag update.

Hiling | SB19 Stell✔Where stories live. Discover now