Wish: 11 Stell's P.O.V

263 15 6
                                    

🍒Stell🍒

Malalim na ang gabi pero nakatambay parin kami ngayon ni Ayesha sa tabi ng dagat.

"Nakakamiss yung mga araw na sabay tayong nagwi-wish sa mga stars 'no?" Basag niya sa katahimikan. Napatingin naman ako sa kanya at nakatingala siya sa langit.

Napangiti naman ako. "Oo nga, e. Kaso maling tao yung hiniling ko sa kanila." Sagot ko kaya nalipat ang tingin niya sa akin.

"Tsk! Nandito tayo ngayon para kalimutan yung babaeng yun kaya huwag ka na mag drama diyan." Sabi nito kaya natawa ako.

"Oo na! Huwag ka na gagalit diyan." Sagot ko saka siya akbayan. Agad naman siyang umayos ng upo at iniwas ang tingin sa'kin.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming tahimik lang. "Stell," tawag niya sa pangalan ko kaya napatingin ako sa kanya. Nilalaro niya ngayon ang buhangin.

"Hmm?"

"What if bumalik ulit siya sa buhay mo? Tatanggapin mo pa rin ba siya?" Tanong niya. Napaisip naman ako dahil 'dun.

"Hindi ko alam." Sagot ko. Totoo naman kasi. Hindi ko alam.

"Sobrang mahal mo talaga siya 'no?" Tanong pa niya saka ako tignan. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya ngayon.

"B-bakit ba yan ang pinag-uusapan natin? Akala ko ba nandito tayo para makalimot?" Pag-iiba ko saka pilit na tumawa.

Hindi ako manhid. Ramdam ko naman na hindi lang basta kaibigan ang turing niya sa akin.

Ayaw ko lang talaga amimin sa sarili ko. Ayaw kong bigyan ng malisya yung mga tingin niya, yung lahat ng ginagawa niya para sa akin.

Lagi kong pinapaalala na ginagawa niya lang ang mga iyon dahil magkaibigan kami.

Kung bakit kasi hindi nalang siya?

Napailing ako dahil sa naisip.

"K-kung hihiling ka ngayon sa mga bituwin, ano yung gusto mong hilingin na gusto mong matupad?" Tanong ko dahil hindi siya sumagot kanina.

"Isa lang naman mga hiling ko, noon pa man. Ang makita niya yung halaga ko. Yung ako naman ang mahalin niya." Sagot niya na nakayuko parin at nilalaro ang mga buhangin. "Ikaw, ano yung wish mo na gusto mong matupad?" Tanong niya saka ako nilingon.

"Ako? Hmmm... hihilingin ko na sana matupad yung hiling mo." Sagot ko. Agad naman na kumunot ang noo niya kaya nginitian ko siya. "Tara na, inaantok na ako." Patuloy ko saka tumayo na.

Nanatili lang siyang nakaupo kaya nilingon ko siya. "Ano maiiwan ka diyan bahala ka." Sabi ko pa at akmang iiwan na siya kaya agad siyang tumayo.

"Ito na nga tatayo na, e. Excited ka naman masyado." Sabi nito kaya natawa ako at ginulo ang buhok niya.

----

Kinabukasan maaga ako gumising at tinulungan ko si auntie Rosie sa pagluluto ng agahan.

"Talaga bang hindi ka boypren ni Esyang?" Tanong niya habang hinahalo ang niluluto namin.

"Hindi po." Sagot saka napakamot sa ulo. Kanina pa kasi niya tinatanong yan.

"Sayang naman." Sabi pa niya. "Bat hindi mo ligawan? Bagay pa naman kayo." Patuloy niya kaya natawa ako.

"Kaibigan lang po talaga kami." Sagot ko kaya tinignan niya ako ng masama kaya natawa na naman ako.

"Nako may kilala ako na nagsabi niyan. Ngayon mag-asawa na." Sagot niya.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Napalingon ako ng may magsalita. Si Ayesha na kakagising lang.

"Wala. Pano kayo na muna bahala dito, may gagawin pa ako. Alam mo naman magluto diba?" Baling sakin ni auntie Rosie kaya tumango ako. Kinindatan pa ako bago lumabas ng kusina.

"Good morning Shang!" Ngiti ko kay Ayesha na ngayon ay nakakunot ang noo.

"Ano yun? Bat may pakindat kindat pang nalalaman si auntie sayo?" Tanong niya kaya napatawa ako.

"Wala. Upo ka muna diyan. Tatapusin ko lang tong niluluto namin." Sagot ko saka ibinaling ang atensyon sa niluluto.

"Oo nga pala, mamaya babalik na tayo sa Manila." Sabi nito kaya tumingin ako sa kanya.

"Shang, pwede bang dito na lang muna tayo? Huwag kang mag-alala, nagpaalam na ako kay sir Robin at sa boss mo." Sagot ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Wala, gusto ko lang muna makalimot sa toxic na buhay ko 'dun." Sagot ko kaya tumango siya.

"Tama ka. Ako din naman." Sagot niya saka bumuntong hininga. Kita ko sa mata niya na hindi siya masaya.

May problema ba siya?

---

To be continued...

Sabaw na naman!😀🔪

Hiling | SB19 Stell✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin