Wish: 14 Stell's P.O.V

240 21 7
                                    

"M-matutulog na lang muna ako habang nasa biyahe." Sabi niya saka isinandal ang ulo niya malapit sa bintana ng kotse.

Ako naman ay sinimulan nang paadarin ang kotse.

Napangiti ako ng mahuli ko siyang nakatingin sakin at agad na umiwas at nagpanggap na natutulog.

Ano ba nangyayari sakin?

Bigla ko naman naalala yung nangyari kahapon.

Flashback...

Habang naglalakad kami pabalik sa bahay ay bigla siyang natisod dahilan para mawalan siya ng balense. Mabuti nalang at agad ko siyang nahawakan.

Hindi ko alam pero nang magtama ang mga mata namin ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Siguro nga nababaliw na ako.

Agad siyang umayos ng tayo pero bigla siyang nadulas dahilan para mawalan kami pareho ng balanse at bumagsak sa lupa.

Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko nang maramdaman kong dumampi ang labi ko sa labi niya.

Dahil sa sobrang pagkabigla hindi ako nakapagreact agad. Smack lang 'yun mga mamser pero bakit sobrang apektado ako?!

Agad niya akong itinulak at dali-daling tumayo saka tumakbo.

Tinawag ko pa siya pero hindi siya lumingon at nagpatuloy lang siya sa pagtakbo.

Habang naglalakad, paulit ulit na nagfa-flash sa utak ko yung nangyari.

Napahawak ako sa labi ko at parang tangang napangiti. Boang ka Stell! Anong nangyayari sayo?!

---

Hanggang pagtulog ay iyon lang ang nasa isip ko.

Kanina ay hindi ko alam kung paano haharap kay Ayesha. Napaka awkward kasi nung nangyari.

Nakakahalata na rin ata si auntie Rosie na tahimik kami kanina.

Kanina pa ako pagulong gulong dito sa kama ko at kahit pilitin kong matulog ay hindi ko magawa.

"Ano bang nangyayari sayo, Stell!" Ginulo ko ang buhok ko saka umupo.

"Bakit ba apektadong apektado ka sa nangyayari?" Bulong ko pa sa sarili ko. Nakakabaliw naman kasi!

"Kaibigan mo yun, buang ka ba!?" Sabi ko pa sa sarili ko.

Pero yawa sa tuwing naaalala ko yung nangyari takte kusa nalang bumibilis ang tibok ng puso ko tapos parang tanga na ngingiti.

Nababaliw na nga talaga ako.

End of flashback...

"Huwag ka ngang ngumiti ng ganyan!" Nakakunot ang noo niyang sabi. Tumigil muna kami sa isang kainan dahil nagugutom na daw siya.

"Ang cute mo kasi." Sagot ko saka tumawa pero inirapan lang niya ako saka umiwas ng tingin at kumain nalang.

"A-ang dami mong sinasabi, kumain ka na nga!" Bulyaw niya sa akin kaya natawa na naman ako.

Nang matapos naming kumain ay nagpatuloy na kami sa biyahe.

Hawakan mo ang kamay ko
At dadalhin kita saan mo man gusto
Ako mag sisilbing gabay mo
Ipikit mo ang iyong mata at lilipad tayong dal'wa~

Napalingon ako sa kanya dahil sinasabayan niya ang kanta na nagpi-play ngayon sa radio.

Takasan natin ang mundo
Wala ng iba, ikaw lang at ako
Handa akong ibigay ng buo
Ang puso ko sayo lang talaga, kaya humawak~

Hindi ko alam kung nababaliw na ako dahil hindi ko namamalayan na nakangiti na ako habang nakatingin sa daan. Ang lamig kasi ng boses niya.

Sa 'king kamay
Handang ibigay
Lahat ng naisin mo para sa 'ting paglalakbay
Ang iyong kamay
Sa 'kin ibigay
Hindi ka bibitawan 'san man mapunta ang byahe nating dalawa~

Pagdating ng chorus ay sumabay narin ako at nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumingin siya sakin kaya tinignan ko din siya at ngumiti.

Kung totoo man ang sinasabi nila na natuturuan ang puso na magmahal, gusto kong turuan ang puso ko na mahalin ka, Ayesha...






To be continued...

Sabaw kasi naman wala akong maisip!

Support niyo yung kakapublished ko lang na StellJun AU entitled COFFEE at yung story ni Ken entitled DARE at yung JoshTin AU entitled BALCONY. THANK YOU! STAY SAFE!

Hiling | SB19 Stell✔Where stories live. Discover now