Wish: 02

312 19 11
                                    

I bet she's beautiful
That girl he talk about
And she's got everything
That I have to live without

•••

Sinusundan ko ngayon si Stell. Kasi naman, ilang araw ko na siyang hindi nakakausap ng matino. Dahil parin kay Natayah.

Agad akong napairap ng tumigil ang kotse niya sa isang bar. For sure mag iinom na naman to.

Nang makapasok ako sa bar ay meron ng mga alak sa mesa. Tinignan ko siya ng masama pero hindi siya nagpatimag.

Agad akong umupo sa harap niya at inilayo ang mga alak sa harap niya.

"Huwag mo ngang sirain ang buhay mo ng dahil sa babaeng 'yun!" Mariing sabi ko. Napahilamos naman siya sa mukha niya saka ako tignan.

"Siya yung buhay ko... Ayesha." Nadurog ang puso ko dahil sa sinabi niya. At mas lalong nadurog ng makita siyang umiiyak. "Nung hiwalayan niya ako, dun palang nasira na ang buhay ko." Patuloy niya.

Bakit ganon?

Anong wala sakin?

Bakit hindi na lang kasi ako?

Sa mga sinabi niya, hindi na ako sumagot. Tumayo na lang ako at iwan siya.

Ang sakit. Kung si Natayah ang buhay niya, ano ako sa kanya? Ano si Ayesha sa kanya?

Agad kong pinara ang taxi at agad na pumasok. Sinabi ko na ang lugar kung saan ako pupunta.

Saan pa nga ba?

Sa Paradise Park.

Kapag nalulungkot ako, doon ako pumupunta. Kapag gusto kong sumaya, doon ako pumupunta.

"Ma'am, nandito na tayo." Napabalik ako sa huwisyo ng magsalita ang taxi driver. Agad na akong nagbayad at saka bumaba.

Tulala akong naglakad lakad. Nang mapagod ay umupo ako sa isang bench.

Palubog na ang araw.

Napatingin ako sa kalangitan. Mukha pa atang uulan ngayon. Ang malas ko talaga. Ito na yung ika siyam na gabi ng pagbibilang ko ng stars. At ito na sana ang gabi para makahiling na ako.

Napabuntong hininga na lang ako ng biglang kumidlat at kumulog.

Tumayo na ako sa pagkakaupo. Uuwi na lang ako.

---

Nakauwi na ako. Gabi na rin at hanggang ngayon ay hindi parin ako makatulog.

Ang lakas ng ulan ngayon. Parang dinadamayan ang puso kong durog. Tsk!

Bumangon ako sa pagkakahiga dahil nakaramdam ako ng uhaw. Tinatamad akong bumangon pero pinilit ko nalang. Ayaw kong mamatay ng dahil lang sa uhaw.

Pagkababa ko naabutan ko si ate Kate sa living room. "Hindi ka pa matutulog ate?" Tanong ko. Kasalukuyan siyang nagre-review para sa board examination niya. At kapag nagkataon, meron na kaming architect.

Hindi kami ganon mayaman. May kaya, pero sapat lang sa pang araw-araw.

Nakapagtapos ako sa kursong business Administration major in management. At nagtatrabaho na rin ako.

"Tatapusin ko lang to." Sagot niya. Dumeretyo naman ako sa kusina at kumuha ng tubig sa ref saka bumalik sa sala. "Ikaw bakit gising ka pa?" Tanong niya. Umupo naman ako sa kabilang upuan.

"Nagising lang ako dahil nauuhaw ako." Sagot ko. Tumango naman ito habang ang atensyon ay sa librong binabasa niya.

Tumayo na rin ako at nagpaalam na matutulog na. Pero ang totoo ay ilang oras akong tulala lang sa kisame.

Napakamot ako sa ulo ko saka kinuha ang nagri-ring na cellphone ko.

"Hello?"

"S-hang..."

"Tey... a-anong nangyari sayo?" Tanong ko agad. Bakas sa boses niya na umiiyak siya ngayon. Nasa bar parin ba siya?

"N-nasa labas ako ng bahay niyo." Sagot niya. Agad na akong tumayo at lumabas sa kwarto. Wala na si ate sa sala, pumasok na siguro sa kwarto niya.

Pagkalabas ko sa bahay, naabutan ko si Stell na nakatayo sa tapat ng pinto. Basang basa.

"Ano bang nangyayari sayo?" Agad na tanong ko nung makapasok kami sa loob ng bahay.

Agad akong pumunta sa kusina para magtimpla ng kape para kahit papaano ay mainitan siya.

"P-pinuntahan ko siya sa bahay nila." Sagot niya. Inilapag ko ang kape sa harap niya saka ako umupo.

"At ipinagtabuyan ka." Ani ko. Bumuntong hininga naman siya dahil doon. "Look, I support you what ever you want to do. But being tanga? Ibang usapan na 'yan." Patuloy ko. Kinuha naman niya ang kape saka uminom.

Napataas ang kilay ko dahil sa reaksyon niya matapos 'nun. "Sawi ka ba sa pag-ibig para ganito ka pait ang kapeng inihanda mo?" Aniya kaya mas lalong tumaas ang kilay ko sa kanya.

"Mapait talaga ang kape!" Bulyaw ko sa kanya. Tumawa naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Apaka bilis naman magbago ng mood 'tong lalaking 'to.

"Oo pero hindi ganito kapait." Sagot niya saka inilapag ang kape sa mesa.

"Kung ayaw mo e 'di huwag mong inumin, duh!" Pagsusungit ko pero tumawa lang siya. Kainis!

"Pasensya ka na, naistorbo pa kita." Maya-maya ay sabi niya saka bumuntong hininga.

"Okay lang. Kung ayos ka na umuwi ka na baka hinahanap ka na nila tita" Sagot ko saka tumayo. "Sige, matutulog na ako. Alam mo naman na kung saan ka uuwi." Patuloy ko. Maglalakad na sana ako ng pigilan niya ako.

"P-pwede bang dito na muna ako sa inyo matutulog? Baka pagalitan ako ni mama." Sabi nito kaya inirapan ko siya.

"Tsk! Yan iinom ka pa kasi. Sige na sa guestroom ka na muna." Sagot ko at naglakad na.

Pero napatigil ako ng maalala na basang basa nga pala yung suot niyang damit.

Agad akong pumunta sa kwarto ni kuya Nate para kumuha ng damit. Wala siya ngayon dito. Nasa ibang bansa siya kasama si papa.

Matapos kong kumuha ng damit ay agad akong pumunta sa guestroom. "Oh! Maligo ka tas gamitin mo muna tong damit ni kuya, baka magkasakit ka." Sabi ko nung buksan niya ang pinto ng guestroom.

"Salamat," sagot niya saka isarado ulit iyon.

Matamlay naman akong bumalik sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama.





To be continued...

Hiling | SB19 Stell✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora