Wish: 13

229 19 0
                                    

Pabalik na kami sa Manila ngayon. Si Stell na ang nag insists na magdrive dahil ako naman na daw ang nagdrive papunta dito kaya siya naman na ngayon.

Ayaw ko naman na makipagtalo pa kaya pumayag na lang ako.

Tangena napaka awkward lang dahil sa nangyari kahapon!

Tsk! Tangena talaga, tuwing naaalala ko matapos yun tangena nakakabaliw!

Flashback...

"Good morning, Shang!" Nakangiting sabi ni Stell pagkapasok ko sa kusina.

Tangena? Ano bang nakain nito? Alam ko naman na ganyan na siya dati pero iba ngayon!

"G-good morning" muntik ko naman batukan ang sarili ko dahil sa simpleng good morning lang ay nauutal pa ako!

"Maupo ka na diyan tatawagin ko lang si auntie Rosie at Calvin para makakain na tayo ng agahan." Nakangiti parin niyang sabi kaya tumango nalang ako. P0ta anyare?

Matapos naming kumain ay nagyaya siya na maglakad-lakad muna. Pumayag nalang ako kahit ayaw ko sana kasi naman napaka weird niya ngayon! P0ta! Hindi man lang ako sinabihan kasi na ito na yung simula ng pagiging NOT SO FUCKING CALLED GIRLFRIEND NIYA!

"Okay ka lang ba?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya saka tumango.

"Okay lang,"

"Kung hindi okay sayo about-"

"No- I mean, it's okay." Putol ko saka ngumiti sa kanya. "At tyaka huwag mong isipin ginagamit mo ako para kalimutan siya. I want to help you. At isa pa, minsan lang ako mabigyan ng opportunity na maging boyfriend ang isang Stellvester Ajero, aarte pa ba ako?" Patuloy tyaka tumawa kaya tumawa rin siya.

"Baliw ka talaga" sabi niya saka ginulo ang buhok ko. "Salamat Shang... kahit puro sakit yung pinaparamdam ko sa'yo nagagawa mo parin na pasayahin ako."

"Ano ka ba! Kaibigan kaya kita, at tyaka kapag masaya ka, masaya narin ako." Sagot ko at ngumiti sa kanya.

Nagpatuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa naisipan namin na bumalik na dahil medyo malayo na kami.

"Shang..." tawag niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Hmm?"

"Kung sakali man na makalimutan ko siya a-at- ahm- hindi ko n-namalayan na nahulog na pala ako sayo, sasaluhin mo ba ako?" Tanong niya kaya napanganga ako.

Hindi ko alam kung sasagutin ko yung tanong niya pero buti nalang talaga tumunog yung cellphone ko! Agad naman akong nagpaalam na sasagutin muna kung sino man ang tumatawag.

"HELLO! MY GOLLY! WHERE THE HELL ARE YOU?! AT DINAMAY M-" Nailayo ko sa tenga ko ang cellphone dahil sa sigaw ni Bella.

"Huminahon ka nga, nagchat ako sayo noong nakaraan na nandito kami sa Cagayan." Napamura pa siya dahil sa sinabi ko kaya napairap ako.

"WALA AKONG NARECIEVE! YUNG KOTSE KO AYESHA NAKO!" Sigaw pa niya. Tangena yung kotse- potek oo nga pala kotse niya yung dala namin dito. Yaree!

"Sorry na, okay? Bukas maybe uuwi na rin naman kami diyan." Sagot ko. "And don't worry, your car is fvcking okay." Patuloy ko.

"Si Bella ba yun?" Tanong ni Stell nung lumapit ulit ako sa kanya. Tumango naman ako.

"Yeah! Pinapauwi na ang kotse niya." Sagot ko saka tumawa. Kainis yung babaeng yun, mas inaalala pa yung kotse kesa sa akin. Walangya!

"Tara na, baka umitim ka pa." Sabi ko at naglakad na. Natatawa naman siyang humabol sakin.

"Yeiii! Concern sa akin ang GIRLFRIEND ko." Sabi pa niya dahilan para magsitakbuhan ang mga kabayo sa puso ko! Potek!

Hindi ko nalang siya kunwari pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad pero potahamnidang kamalasan at natisod pa ako sa isang kahoy na naanod dahilan para mawalan ako ng balanse at pinikit ko nalang yung mata ko at hinintay nalang talaga na mahalikan ko yung buhangin pero ilang minuto pa ay hindi ako bumagsak at namalayan ko na may nakahawak sa bewang ko.

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at para naman akong nalagutan ng hininga dahil napakapit namin sa isat-isa.

Lalayo na sana ako sa kanya dahil hindi ko kayang ganon kami kalapit sa isat-isa pero dahil napakalampa ko ay nadulas ulit ako dahilan para mapakapit ulit ako sa kanya pero this time dalawa na kaming bumagsak sa lupa.

AT ANG NAKAKAWALA NG HININGA AY ANG PAGDAMPI NG LABI NIYA SA LABI KO!

Tangina! Saglit lang yun pero boset! Damang dama ko yung malambot niyang labi!

At dahil hindi ko alam ang gagawin at parang gulat na gulat din siya ay agad ko siyang itinulak at tumayo saka tumakbo. Potangena! Paano pa ako haharap sa kanya?!

End of flashback...

---

"Ayos ka lang ba?" Napabalik ako sa ulirat ko ng magsalita siya sa tabi ko. Napaayos naman ako ng upo saka tumango. Tangena!

"M-matutulog na lang muna ako habang nasa biyahe." Sagot saka isinandal ang ulo ko sa may bandang bintana at pumikit kahit hindi naman ako inaantok. Gusto ko lang umiwas. Baka kasi ipaalala niya yung nangyari! Kung bat naman kasi napaka lampa ko!



To be continued...

-Potahamnida sanaol! Char hahahaha.

Hindi ko alam kung kailan ulit ud hahaha

Hiling | SB19 Stell✔Where stories live. Discover now