Wish: 03

293 15 5
                                    

He talks to me
I laughed cause it is so funny
But I can't even see
Anyone when he's with me.

---

KINABUKASAN, pagkagising ko ay wala na si Stell sa bahay. May iniwan siyang note sa guestroom na nagsasabing maaga siyang umalis dahil nakakahiya daw kay mama at ate, at isa pa ay maaga daw siyang pupunta sa studio nila para sa rehearsal.

Pagkabasa ko sa note niya ay bumaba na ako para makakain ng agahan. Naabutan ko na doon si ate at si mama.

"Good morning, kumain ka na." Sabi ni mama nung mapansin niya ako. Agad na akong umupo sa tabi ni ate at nagsimula ng kumuha ng pagkain.

Nang matapos kami kumain ay agad akong bumalik sa kwarto ko para maligo. May pasok ako ngayon sa trabaho.

Pagkarating ko sa company na pinagtatrabauhan ko ay nagkakagulo ang mga ka trabaho ko.

"Anong nangyayari?" Tanong ko kay Aldrin. Isa sa mga kaibigan ko dito sa trabaho.

"Magsasara na daw 'tong company." Sagot niya na kitang kita sa mukha niya na nai-stress siya sa mga nangyayari.

"What? So, paano tayo?" Tanong ko. Umiling lang siya bilang sagot.

Matagal nang sinasabi ng boss namin na nalulugi na ang company. At matagal na niyang sinabi samin na this month baka magsara na nga tong company. Pero hindi ko inaasahan to. Biglaan naman kasi. At isa pa, wala pa akong nahahanap na trabaho.

---

"So, wala ka ng trabaho simula bukas?" Tanong ni Stell. Kausap ko kasi siya ngayon dahil tumawag siya sakin. Pinapaalalahanan ako na kumain sa tamang oras. Tsk! Pa-fall amp!

"Yeah! Siguro hahanap muna ako ng raket." Sagot ko.

"Sakto, naghahanap yung ate ni Star ng singer. Umalis daw kasi yung dating vocalist ng banda na nagpeperform sa bar na pagmamay-ari niya." Mahabang paliwanag niya.

"Talaga? Sige bukas pupunta ako dun." Sagot ko.

Matagal na din kasi nung huli akong nagperform.

Kasama ko noon si Stell sa na nagpeperform sa ibat-ibang lugar. Yun yung mga raket na pinasukan ko para makapangdahdag sa gastusin ko nung nag-aaral pa ako.

May banda din kami noon. Pero nung nagkaroon na ako ng trabaho ay hindi na ako nakakasama sa kanila.

Kinabukasan ay pumunta nga agad ako sa bar ni Kira. Kilala ko na siya, dun din kasi sa bar niya kami nagpeperform dati.

"Yesha! Buti naman at naisipan mong pumunta ngayon dito, dahil talagang kailangan kita ngayon!" Bungad niya sakin. Kahit kailan dalaga napakalakas ng bunganga niya.

"Wala na kasi akong trabaho kaya napilitan akong pumunta dito." Sagot ko. Umirap naman siya sakin kaya tumawa na lang ako.

"Psh! Anyways, mamayang gabi ka na mag start, hah? See you!" Turo niya sakin saka agad ng umalis sa harap ko.

Takte, mamaya talaga? Ni hindi ko pa nga kilala yung mga---

"Hi! Ayesha, right? Kami pala yung magiging bandmates mo." Biglang sulpot ng isang lalaki na may nakasabit na gitara sa kanya. "I'm Kairo." Pakilala niya at inilahad ang kamay para makipagkamay malamang.

"Ayesha," tipid na sagot ko saka tinanggap ang kamay niya.

Matapos nun ay niyaya niya ako sa mga kasama niya at para narin makapag practice daw kami para mamayang gabi.

"Nasaan yung dati niyong lead vocalist?" Tanong ko. Hindi ko kasi mapigilang hindi magtanong.

"She has a personal problem kaya siya umalis sa banda." Sagot ni Maira. Siya yung drummer sa grupo.

"And we understand her kaya nirerespeto namin yung desisyon niya na umalis sa grupo." Dagdag namn ni Christ. Siya naman yung bassist.

"For sure na it's hard for you to let her go." Ngumiti lang sila sa sinabi ko.

"Of course. Tatlong taon din na magkakasama kami." Sagot ni Maira.

Ilang minutes pa kaming nagkwentuhan at saka bumalik narin sa pagpapractice. Mababait naman sila kaya paniguradong mage-enjoy ako sa muli kong pagbabalik sa pagpeperform.



To be continued...

Note: sorry kung may mga mali about sa banda thingy. Wala kasi ako masyadong alam dun HAHAHAHAHA

Please Read

Completed;
Because of You(Justin)
Your Fangirl(Ken)

ONSCLS(Sejun)
Her Diary(Josh)

Hiling | SB19 Stell✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon