01

2K 36 0
                                    

Zydney's point of view

Kung maganda lang rin ako madami ang pupuri saken pero wala panget ako. Puro asar,puro lait ang natatanggap ko. GRABE!
Ako nga pala si Zydney Mendez ang kilalang Nerd, panget at malas dito sa school namin.

"Aray!" Napasigaw ako ng matapilok ako sa hagdan.

Napahawak ako sa ulo ko. Oh diba napakamalas ko. Napamulat nalang ako pero malabo ang nakikita ko shet! Ung glasses ko asan? Kinapa-kapa ko ito pero wala.

Asan na yon! Jusko! Hindi pa mandin ako makakita ng maayos dahil wala ang glasses ko! Huhuhuhu!

"Here"napaangat ako saktong sinuot nya ang glasses ko.

Ohmy....Ohmy...

Omg! Si Kurt ang crush ng bayan! Kaso playboy nga lang:( Nanlaki rin ang mata ko ng ilahad nya ang kamay nya kaya hindi nako nagpaligoy pa syempre hinawakan ko minsan lang toh! Mga beshy!!

"T-Thank you" utal na sabi ko. Ngumiti siya.

"Welcome, sa susunod tumingin ka sa dinadaan mo baka mahulog ka" Kurt. Napatango nalang ako sakanya. Haaaaaaaa!!!! Ang pogi nyaaa!!

Nahulog na nga sayo eh! Charr! feeling ko tuloy namumula ako. Shet naman kase! Si kurt to oh! Tapos Umalis narin siya. Wahhhh!!!! Ampogeee!! Naglakad narin ako actually papasok na rin ako.

"Oy nerd!" Isang sigaw ang narinig ko.

"Huy!" Sigaw na naman. Langya. Iniiwasan ko na nga itong mga ito lalo na yung isang bully jan!

"Ano na naman ba? Power Puff Boys?" Sabi ko sabay harap sa kanila.

"Anong power puff boys?" Tanong nila.

"HAHAHAHAHAHA diba tatlo kayo? Kinukumpara ko kayo sa power puff girls pero kabaliktaran, kase nga anlakas nyo mangasar,manlait at mapanakit din kayo ng damdamin ng iba!" Sigaw ko. Napanganga si Damon.

"Hoy nerd alam mo para kang baliw" sabi ni Jaiden ang leader sakanila. Napaka lakas ng tama nito lalo na s pangbubully sakin at sa ibang students dito sa university.

"Baliw na kung baliw e kayo nanakit ng damdamin ng tao mapamatanda man o kasing edad nyo! Hmp! Bahala na nga kayo jan!" sabi ko sabay lakad na. Nakakainis!

Papasok na ako e baka malate pa.
Pag kapasok ko sa classroom tahimik walang gulo hayss ang mga kasama ko kasi ay mga genius din katulad ko este kasama ko lang joke syempre matalino ako slight nga lang.

Gaya nga ng inaasahan ko puro discuss lang ng discuss. Hays. Wala tuloy akong natutunan dahil nawala ako sa mood ko! Nakakainis kase si Jaiden! Super hate ko kaya sya simula nung naging bully sya !

Nang matapos ang klase nagsialisan na rin kami. Naisipan kong kumain sa bench nalang ayaw ko kase sa canteen dahil napapahiya at nilalait lang ako doon. Tsaka ayaw ko na rin naman kumain don dahil hindi naman libre ang mga pagkain gaya sa ibang university.

Kinuha ko ang baon ko, aba syempre nagbaon nako dahil ayaw kong bumili sa canteen ang gusto ko ay sariling luto ko noh!
Kumain lang ako ng kumain ng matapos ako niligpit ko na lahat at tsaka uminom ng tubig haler?!.

"Hey" nagulat ako. At muntikan ko pang malaglag ang pagkain ko.

"Ay tipaklong!" Sigaw ko.

"Hindi ako tipaklong nerd" sabi ni Jaiden. Napabuntong-hininga ako ng makita ko ang mukha ni Jaiden. Unang kita ko palang inis na agad ako! Piste!

"Anong ginagawa mo dito? Mangaasar ka na naman ba? Manlalait? Mananapak? Mangungulit?" Sunod-sunod kong sabi. Nakakainis kase dito na nga ako para walang sagabal sakin tapos andito naman sya? At pinuntahan pa ako para siguro guluhin ang tahimik kong buhay! Langya!

"Easy....hindi ako mangungulit o manglalait, mangaasar o mananapak dahil magpapaturo ako sa math" sabi ni Jaiden napairap nalang ako. Yan jan ka magaling e!

Kaya naiinis rin ako jan! Tinakpan ko ulit ang baon ko at inilagay sa bag ko at tumayo. Pansin kong tumayo rin siya. Tsk!


"Ayan kayo e..pag may kaylangan kayo ako ang puntahan nyo tapos pagmangaasar kayo ako parin? Sumosobra na ata kayo?" Sabi ko habang naglalakad sumusunod parin naman ang kumag aba bahala sya. Duh??

"Please na kase patulong lang...." sabi niya sabay luhod. Napatawa ako. Niloloko nya lang ang sarili nya. Para syang kinder na hindi marunong magsulat ng pangalan at kailangan pang tulungan. Tch!

"Ayaw ko" sabi ko sabay lakad na. Duh?! Ganan lang yan pag may kailangan sakin e.


"Uy sabing paturo eh" hinigit nya ung balikat ko. Nagulat ako at na-out of balance dahil sa lakas ng higit niya sakin.

Nanlaki ang mga mata ko ng sobrang lapit ng mukha namin kaya naman itinulak ko sya at inayos ang salamin ko. Gago talaga ang isang 'to!

"Pagsinabing ayaw ko,ayaw ko kaya wag mo na akong pilitin" sabi ko sabay irap at tsaka umalis.

Hays makapunta sa library vacant naman ako e kaya magbabasa nalang ako o di kaya gagawa ng assignments. Pagkapasok ko nakatingin ang lahat sakin. Napaatras ako grabe naman bat mga kalahi ko ung nandito hindi na ako tumuloy hays hindi naman kase ako masyado matalino e konti lang.

"Hi" nagulat ako nang maykumausap saking babae tiningnan ko muna siya taas baba wow napaka ganda naman nya.

"Kinakausap mo ba ako?" Tanong ko. Tumingin muna sya sa paligid.


"Eh wala naman ibang tao eh ikaw lang" sabi niya. Sabay ngiti. My gosh.

Sa buong buhay ko walang kumakausap sakin maliban nalang kina sa mga bullies, sina kurt,damon, josh at Jaiden kase nga kaibigan nila si Kuya at madalas din sila saamin.

"Ahm hello?" Sabi ko.

"Pede ba kitang maging kaibigan?"Tanong nya.


"Hindi" sabi ko. Ayaw ko ulit magkaroon ng kaibigan. Iniwan ako e. Nakakadala na.

"Bakit naman? Masama ba? Wala pa kase akong kaibigan dahil transferee lang ako dito sa school" sabi niya.

"Ayaw ko nga e!" Sigaw ko. Nabigla ako dahil nasigawan ko sya.

"Pasensya na gusto ko lang makipagkaibigan...pasensya makulit ako" sabi niya nanlumo tuloy ako gusto ko sana syang pigilan sa pagalis at sabihin 'sige kaibigan na kita' hays wala na umalis na sya tapos nasigawan ko pa.

Hays hindi naman kase talaga ako sanay makipagusap sa hindi ko kilala e.

Hays anong pinaggagawa mo Zydney? Nakasakit ka tuloy.

♥️12/14/2020♥️

❤Thankyou! Lovelots❤

He's The Playboy I Love [COMPLETED] [ REVISE SOON]Where stories live. Discover now