25

333 10 2
                                    

25

Zydney's PoV

Palapit na ng palapit ang bakasyon nakaka-excite naman. Nandito kami ngayon sa bahay nina Jaiden. Kasama ko sina Ninie at sina Damon at Josh.

"Bat antagal ni Jaiden? Kanina pa tayo nandito ah" Ninie.

"Oo nga kanina pa tayo rito, wala paring supply" napatawa ako sa sinabi ni Damon.

"Kahit kelan mukhang pagkain ka talaga pre" ani ni Josh.

"Atleast hindi tumataba kahit kain ng kain" mayabang na sambit ni Damon. "Oo nga naman" Sabi naman ni Ninie.

Napansin ko lang parang may something sakanila ni Damon. Hmm......

"Guys!" Napalingon kami sa taas.

Napatayo ako.

"Jaiden..."bulong ko sa aking sarili.

Hindi ko alam kung bakit ansaya-saya ko ngayong araw na ito.

Hindi narin nila Ninie binabanggit ang tungkol saamin ni Kurt dahil ayaw nila akong nakikitang umiiyak ulit.

"Si Daddy nga pala at si Ate" napa-baling kami sa likuran ni Jaiden at lumabas ang isang matandang lalaki at isang dalaga.

"Hello, Im Janna kapatid ako ni Jaiden and si Daddy Jake" masayang pagpapakilala ni Ate Janna.

"Hi Ate" masayang bati ni Ninie. Agad namang ngumiti si Ate Janna.

"Hi po sainyo" bati ko.

"Wait....ikaw ba si Zydney?" Tanong ni Ate Janna.

"A-ako nga po" nahihiyang sambit ko.

"Tama nga ang sabi ng kapatid ko, mabait at maganda ka" masayang sabi nya sabay akbay kay Jaiden.

"Salamat po" aniko.

"Halina ka'yo maglunch na muna tayo, actually pinaghandaan namin ito ni Daddy, sana magustuhan nyo" Ate Janna.

"Sigurado akong masarap ang luto nyo" Josh.

"Si Daddy pa....tsk! Masarap yan magluto sinasabi ko sainyo" ate Janna.

"So ano pang iniintay nyo? Tara kumain na tayo" masayang sabi ni Tito Jake. Agad naman kaming sumunod sa kanila.

Grabe, ang ganda pala ng kapatid ni Jaiden tapos ang puti-puti pa. Napalingon ako kay Jaiden.

"Teka hija, kumuha kapa" Tito.

"Na'ko okay na po ito sakin" aniko tumango si Tito at nagsimula na akong kumain.

"Jaiden, girlfriend mo ba itong si Zydney?" Halos masamid ako. "Okay ka lang ba?" Tanong ni Jaiden.

"O-oo okay l-lang ako" aniko. Sabay inom ng tubig.

"Hindi mo girlfriend?" Tanong ulit ni Ate Janna.

"Not yet" Jaiden.

"So magiging pa lang?" Ate Janna.

"Uhuh" jaiden. Nakakahiya naman. Sinabi nya ba talaga yon? Magiging palang?

"Teka hija asan na pala ang mama at papa mo?" Napalingon ako kay Tito Jake.

"Nasa bahay po namin" aniko

"Ah diba kauuwi lang nila galing states?" Tito.

"Opo" aniko.

Kilala raw kase ni mama at papa si Tito Jake kaya eto.....ilang minuto rin ay natapos narin kaming kumain.

Totoo nga ang sabi ni Ate Janna masarap magluto si Tito Jake.

He's The Playboy I Love [COMPLETED] [ REVISE SOON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon