23

335 8 0
                                    

23

Family bonding with Jaiden

Zydney's POV

Sabi nila mama papunta raw kaming dagat. Saan naman? Sa boracay?

"Ma! Saan ba tayo magbobonding?" Tanong ko.

"Sa boracay nga anak! Ang kulit mo rin!" Sigaw ni mama.

"Eh ngayon lang ako nagtanong ma e!" Sigaw ko.

"Ay oo nga pala si kuya mo pala yon hehe" napakamot nalang ako sa ulo.

"Dadaanan natin si Tita Grezel mo at si Jaiden" Mama.

Ano? Si Jaiden?

"Ano ma? Si Jaiden?" Tanong ko.

"Oo anak" masayang sambit ni mama.

Kasama pala si Boang este si Jaiden.

"Uy sa sabado na ang birthday ni Kurt" sabi ni kuya.

Oo nga....bibili pa ako ng regalo ko bukas hehe.

"Teka anjan na pala si Jaiden! Nako napaka-gwapong bata tapos ang bait bait pa! Nako Zydney bagay na bagay kayo" halos mapalingon ako kay mama.

"Ma!" Sigaw ko tumawa lang sila.

Tss. Kaasar.

Nakita kong nakangiti saakin si Jaiden. Kinabahan ako ng lumapit sya saakin.

"Tulungan na kita jan" masayang aniya sabay kuha ng dala kong bag.

"S-salamat" utal kong sabi.

Shocks! Bat nauutal ako.???????

Inilagay ni Jaiden yon sa sasakyan naming van. Bigla naman sumulpot sina mama.

"Nako! Anak kelangan na namin mauna doon, nandon na kase ang tita mo at ang lola at lolo nyo kaya mauuna na kami" mama.

Ha? Edi kami lang ni Jaiden? Aaaaa...epal!

"Hindi raw kase pinapapasok sina lola mo kaya uuna na kami roon dahil nireserba ko ang buong boracay" mama.

Wow ha! Mayaman? Ma?

"Sige po Tita ako na po ang bahala sa anak nyo" Jaiden. Nagulat nalang ako ng akbayan nya ako.

"Nako! Sandali nga asan na yung camera teka kukuhaan ko kayo ng litrato.." mama.

Nilabas nya ang camera.

"1,2, 3 smile" at yun kinuhaan kami.

"Osya una na kami babye na don nalang tayo magkita okay?" Mama

"Opo" sabay namin sabi ni Jaiden. Para naman kinilig si Mama. Tch.

"Pano ba yan...tayo nalang ang naiwan rito" Jaiden.

"Eh ano naman?" Inis na tanong ko.

"Wala lang...baka may binabalak ka saken ah" ano? Kingnaaaa

"Ako? May binabalak sayo? Tsk! Kahit kelan 'napaka-O.A mo" sigaw ko sabay alis sa tabi nya at mas pinili nalang pumasok sa van na sasakyan namin dalawa.

"Ms. Zydney, nag-text na po ang mommy nyo pumunta na daw po tayo doon" Kuya Driver.

"Ah sige po Kuya wait lang tatawagin ko lang yung kasama ko" aniko. Tumango si Kuya Driver at ako naman pinuntahan si Jaiden.

Mukhang busy sa pag-cecellphone. Tss.

"Pst. O. A tara na raw, paalis na tayo nag-text na si Mama"

"Talaga? Yon! Nakakaexcite tuloy maglangoy!" Sigaw ni Jaiden at nagulat akk ng bigla nya akong inakbayan.

He's The Playboy I Love [COMPLETED] [ REVISE SOON]Where stories live. Discover now