17

313 10 0
                                    

Zydney's point of view

Nagising akong wala na si Jaiden. Nasan kaya sya? Grabe di na nagpaalam sakin o di kaya nagtext o nagiwan ng sulat. Psh bahala na nga. Mamaya ko nalang sya tatanungin kung bakit wala sya.

Sabi pa naman nya babantayan nya ako pero....wala na sya pagkagising ko.

Papasok na ako ngayon. Magtataxi nalang ako. Wala kase si Jaiden e. Tsaka mas okay na toh ayaw kona maging pabigat sakanya.

Ninie's point of view

Nakita ko si Zydney na kakapasok lang sa gate kaya agad ko syang nilapitan para sabihin ang nangyare kanina.

"Zydney!" Sigaw ko. Napalingon sya.

"Oh? Ninie? Bakit ganyan yung uniform mo?" Tanong nya.

"Dugo ba yan?" Tanong nya muli.

Naiyak ako at agad akong lumapit kay Zydney at yumakap sakanya

"Anong nangyare?" Tanong nya.

"Zydney, si Kurt at si Jaiden nag-away na naman ayun napuruhan si Jaiden hindi ko alam kung nasaan na sya kanina kopa sya hinahanap at ganon rin sina Josh at Damon hindi rin sya makita" aniko.

"Ha?! Bakit sila nag-away?!" Sigaw ni zydney.

"Zydney, hindi namin alam..." aniko.

"Sige dito ka muna aalis lang ako mabilis, hawakan mo tong bag ko pag hindi pako nakakarating pagnagbell na sabihin mo kay Sir absent ako okay?" Aniya.

"Osige pero magiingat ka" aniko. Tumango nalang sya at tumakbo nalang.

Zydney's point of view

Asna kana ba? Jaiden? Nag-aalala na ako.

Parang gusto konang maiyak. Napatigil nalang ako ng maisip ko kung saan sya lagi pumupunta.

Sa dagat. Oo, sa dagat!

Pumunta ako sa dagat baka sakaling nandun sya ulit.

Nang makarating ako hinanap ko sya at bumababa ako sa isang hagdan nagulat nalang ako ng makita ko dun si Jaiden na nakaub-ob kaya lumapit ako sakanya.

"Jaiden!" Aniko sabay yakap sakanya.

"Bat nandito ka? Umalis kana..." ang cold nya.

"Jaiden naman! Bakit ba kayo nag-away ni Kurt?" Tanong ko. Tumayo sya ng padabog kaya nagulat ako sa inasta nyang yon.

"Pakealam mo ba?! Ha? Umalis kana dito!" Sigaw nya. Parang may kumirot sa puso ko.

"May pakealam ako! Ano ba kaseng pinag-aawayan nyo ha?!" Sigaw ko rin.

"Umalis kana lang" aniya.

"Hindi ako aalis dito! Hangga't hindi mo sinasabi sakin kung bakit kayo nag away" aniko.

"Osige edi ako ang aalis. Wag kang susunod" aniya. At iniwan ako don magisa.

Bakit ganon si Jaiden? Napapano ba sya?
Bakit nakikipagaway sya? Para saan?

***

Pumasok ako sa room at agad na lumapit si Ninie sakin at si Josh at Damon. Naiiyak ako.

"Zydney, asan na si Jaiden?" Tanong ni Ninie.

"G-galit s-sya" aniko.

*sob*

*sob*

"Ano bang nangyare?!" Sigaw ko.

"Hindi rin namin alam e..." ani ni Damon.

"Kayo ang kasama ni Jaiden tapos hindi nyo alam? Piste!" Sigaw ko.

"Umalis kanina si Jaiden tapos bumalik ulit nagulat nalang kami ng makita na namin syang naglalakad ng luhaan at duguan ang labi at galos sa braso" Damon.

"Zydney, dahil sayo ata" napalingon ako kay Josh.

"Ha? Bat sakin?" Tanong ko.

"Tsk. Basta baka dahil sayo" ani ni Josh.

"Puntahan nalang natin si Jaiden mamaya sa bahay nila" aniko.

"Hindi pwede" nagulat kami ng magsalita si Jaiden? Andito na sya? Linis na ang sugat pero may bandaid ito.

"Bro, okay ka lang? Ano ba kaseng anngyare? Bat nag-away kayo ni Kurt?" Damon.

"Pah. Wag mo ng alamin" pati sa kaibigan nya? Ganyan sya?

Bakit ba sya nagkakaganyan?....

**

Labasan na namin at eto ako ngayon nasa likod ni Jaiden. Napatungo ako at laking gulat ko ng mapauntog ako sa likod ni Jaiden? Wtf?!

"Sorry" aniko. Umiwas nalang sya ng tingin.

Napasimangot nalang ako.

Iniiwasan nya rin ako. Bakit ba? May nagawa ba ako sakanya?

Wala naman diba? Medyo O. A lang talaga si Jaiden. Pero joke lang.....

Wala akong kasama sa bahay:(
Wala si Jaiden. Wala rin akong kasama mamaya pagpapalaundry nako....meron pa dung mga nanrarape.....jusme.

Wala rin supply ng jollibee at milktea. Hyst....tampo lang siguro yun or di kaya galit.

Bakit ba kase? Ano pina-awayan nila.?

***

Kauuwi ko lang sa bahay. Wala pa rin si Kuya hayst pero okay lang walang mang-aasar sakin hahaha.

Aakyat palang ako nagulat na ako ng may kumalabog sa may pinto. Hala! Sino yon?!

Nakita ko ang tambo kaya kinuha ko at hinawakan ko. Pwede na rin tong pamalo.

Nagulat ako ng bumukas ang pinto kaya naman pinaghahampas ko ang taong pumasok.

"ARAYYYYY!" hala!? S-si Jaiden? B-bat n-nadito sya?!

"Sorry!" Sigaw ko.

"Pasensya na, ibabalik ko lang sana ito" aniya. Bat ang cold.

Inabot nya sakin yung susi.

"Mag-iingat ka, wala ako dito ah? Bye" aniya.

Nagulat nalang ako ng halikan nya ang noo ko. What the?! Waaaaaaaaaa kaasar si Jaiden! Bat ganon ang aura! Medyo okay na sana yung cold cold na yun e wag lang yung i-kikiss ako! Wtf!

Easy teh sa noo lang yon! O.A ka masyado.

He's The Playboy I Love [COMPLETED] [ REVISE SOON]Where stories live. Discover now