15

338 11 0
                                    

Zydney's point of view

Kauuwi lang namin ni Jaiden at pumunta agad sya sa kusina at ako naman pumunta na akong taas at naglinis ng sarili.

Halos 20 minutes akong nasa banyo. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyare kanina. At ang pagtataka ko pa bat ganon makatitig si Kurt sakin kanina. Psh. Nevermind.

"Zydney" bumukas ang pinto at bumungad sakin si Jaiden. Umupo sya sa katabi ko.

"Bakit?" Tanong ko. Bumuntong hininga sya at napahilamos sa kanyang mukha.

"Okay ka lang ba?" Tanong nya. Sabay tingin saken. Napatingin rin naman ako.

"Oo naman okay lang ako" aniko. Nagulat ako ng hawakan nya ang braso ko.

"May sugat oh" aniya kaya agad syang tumayo at kinuha ang first aid kit kong nakasabit. At ginamot nya ang sugat ko.

***

"Salamat Jaiden" aniko sabay ngiti. ..

"Ang ganda mo" aniya. Ano daw? Maganda ako? Pero wala na akong make-up mapangit ako! Psh.

"Ako? Haha namamalik mata ka ata" aniko pero laking gulat ko ng hinatak nya ako kaya napalapit kami sa isa't- isa.

"Maganda ka kahit nakasalamin ka, kaya nga gusto kita e" aniya nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Gusto ako ni Jaiden? Omgii....

Kinabukasan

Papasok na ako nagulat nalang ako ng pagkalabas ko e andun na si Jaiden.

"Tara na?" Aniya. Kaya tumango ako. Pinagbuksan nya pa ako. Grabe.

Nang makarating kami sa parking lot agad na akong humiwalay kay Jaiden. At nagulat nalang ako ng makita ko si Kurt at Althea na nag-aaway kaya napatigil ako.

"Hindi mona ako mahal? Ganon nalang yon?!" Sigaw ni Althea. .

"Hindi kita minahal, Althea" ani Kurt kaya naman nakatanggap si Kurt ng isang sampal.

"I hate you! You're a freak!" Sigaw ni Althea.

Napatingin nalang sakin si Kurt at ako naman ay agad na umiwas. At naglakad nalang papuntang room.

"Zydney" napalingon ako kung sino ang tumawag nagulat ako ng makita ko si kurt.

"Bakit Kurt?" Tanong ko.

"Pwede ba tayong magusap mamaya?" Tanong nya.

"Uhm...sige san ba?" Aniko.

"Dun lang sa bench na inuupuan mo" aniya.

"Osige kita nalang tayo" aniko. At naglakad na muli papasok sa room. Napatingin ako kay Jaiden ansama ng tingin nya sakin.

Umupo nalang ako. Napatili ako ng bigla nyang hinampas ang lamesa ko.

"Ano ba? " tanong ko.

"Bakit mo yun kinakausap?" Tanong nya

"Sino?" Tanong ko. Napangisi sya.

"Ang playboy na yon!" Sigaw nya.

"Si Kurt?" Tanong ko.

"Oo sino paba?" Aniya.

"Ehh bakit ba? Nagusap lang kami non tsaka bakit bawal koba syang kausapin?" Aniko pero hindi na sya nagsalita pa at umupo nalang.

Natapos ang klase namin at ngayon pupunta na ako sa bench. Grabe si Jaiden hindi ako pinapansin.

Pagkarating ko sa bench nakita ko na nakaupo si Kurt. Omgii! Ang gwapo gwapo nya!

"Kurt" tawag ko sakanya.

"Oh? Upo ka" anya. Kaya umupo ako.

"Ano bang paguusapan natin?" Tanong ko. Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko. .

"Zydney, pwede ba kitang ligawan?" Napaatras ako sa sinabi nya.

Gosh! Hindi naman ako bingi? Ee...

"Zydney?" Aniya. Napalayo ako dahil lumapit sya sakin.

"Hindi ko alam. Tsaka si Althea kawawa sya" aniko.

"Si Althea? She's a flirt at nakikipags*x sya sa mga lalaki dito" aniya.

"Ha?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Kurt. Si Althea? Gosh.

"So pwede ba?" Tanong nya muli.

"Ewan ko" aniko.

"Diba gusto moko?" Tanong nya. Nakakahiya kaya tumungo ako at tumango.

"So this is it! Pagkakataon mona...don't worry hindi kita sasaktan" aniya. Sa mga sinabi nyang yun naniwala ako.

"Sige" aniko. .

"You mean?? Pwede kitang ligawan?" Aniya. Tumango ako.

"Yun! Yes!" Sigaw nya. .

"Wag kang sumigaw" aniko. ..

"HAHAHA im so happy!" Aniya. Napangiti nalang rin ako.

***

Ihinatid ako ni Kurt sa bahay. Actually wala parin si Kuya e at si Jaiden parin ang magbabantay saken dito.

Pero wala si Jaiden....asan na ba kase yon?

Nagluto ako ng makakain namin pero 7 pm na wala pa rin sya. Kaya naisipan kong tawagan sina Josh. At buti nalang sinagot nya.

"Hello,Zydney!" Sigaw nya. Narinig ko ang ingay ng tugtog. Asan ba sila?

"Asan ka?" Tanong ko.

"Nasa bar kami! Kasama si Jaiden! Nako lasing na lasing na nga tapos galit pa puntahan mo nga kami dito!" Aniya.

"Osige san bar ba yan?" Tanong ko.

"Dito lang sa malapit sa inyo" aniya.

"Ganon ba sige punta na ako jan!" Sigaw ko sabay dali-dali nagsuot ng jacket. At agad na nagbike.

Bat ba kase nagiinom si Jaiden?! Kaasar lang.

Pagkarating ko sa bar. Sobrang ingay parang andaming nakawala.

Nakita ko sina Josh at kumaway pa sakin. Kaya pumunta ako don.

At nakita ko si Jaiden nilalaklak ang isa pang bote. Kaya inagaw ko yon.

"Ano ba!" Sigaw nya.

"Jaiden! Tama na! " sigaw ko.

"Bakit? Umalis kana lang! Wala ka naman pake saken ee" aniya.

"Pano mo nasabing wala akong pake sayo? Pinuntahan kita dito kase nag-aalala ako! Pinagluto pa kita para naman mawala yan galit mo sakin!" Sigaw ko. Tumitig lang siya sakin.

"O-isige umuwi na tayo" aniya sabay tayo inalalayan naman sya ni Josh at Damon.

Nakarating kami sa bahay at naisipan kong dun muna syang matulig sa guest room namin. Nagpaalam na sina Josh at Damon at wto ako ngayon tinatanggalan ng sapatos etong si Jaiden.

"Jaiden" tawag ko sakanya.

"Hmm?" Tugon nya.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko.

"Hindi na..." aniya.

Aalis na sana ako, pero nagulat ako ng makita kong bumagsak si Jaiden kaya dali-dali ko syang ibinalik don.

Piste yan ambigat nya! Inayos ko ang unan nya pero nagulat nalang ako ng mumulat sya at tinanggal ang polo at ngayon ay nakahubad sya.

Pisteng yawa. May abs pala ang Jaiden.....jusme itong mata ko oh?! Makasalanan.

Napasigaw ako ng hilahin ni Jaiden ang kamay ko at napahiga ako sa kama.

At napapikit nalang ako ng yakapin nya ako at ginawang dantayan. Piste.

Hindi kona alam ang nangyare dahil nakatulog narin ako.

♡♡♡♡

He's The Playboy I Love [COMPLETED] [ REVISE SOON]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora