S E C O N D (150331)

2.1K 20 0
                                    

x/n: This chapter is dedicated to @LittleMissRedWarrior for following me here in Wattpad. Thank you :) Sorry for the super late dedication :3

-

(Revised)

Chapter 2

Mishy's

Tanghali na nang magising ako, nakatanggap ako ng text kay Andeng at sinabi niya na may mauupahan na raw akong apartment. Laking pasasalamat ko kasi nandyan siya sa tabi ko. Tinext niya sa akin ang address at nag-ayos na ako para makapagcheck-out dito sa motel.

Nang puntahan ko naman ang sinasabi niyang apartment ay maaliwalas itong tignan. Malinis ang nakapaligid at kahit papaano ay may class kung maituturing.

Nakilala ko si Manang Adet na siyang nagmamay-ari ng buong apartment. Nakapag-down na rin ako ng bayad sa kanya.

Pumasok na ako sa bahay at kumpleto na ang mga gamit, konting linis at ayos na lang ay mas gaganda pa ito. Tutal wala naman akong gagawin, nilista ko ang lahat ng mga kulang na gamit at pagkain dito sa bahay, pati mga sirang appliances ay napag-pasyahan kong palitan ng bago. Tinanong ko rin si Manang Adet kung pu-pwede ay ipa-renovate ko ng konti, yung mga pintura ba?

Kinuha ko ang sling bag ko at lumabas na sa bahay para pumara ng taxi.

DI KALAUNAN ay nakarating ako sa medyo malapit na mall. Dumiretsyo muna ako sa appliances at napagpasyahang bumili ng refrigerator kahit na yung maliit lang, bumili rin ako ng washing machine, aircon, mga ilaw, electricfan, flatscreen tv at kung ano-ano pang appliances.

Sunod ko namang pinuntahan ay yung botique ng Our Home. Pumili ako ng maayos na sofa na alam kong sasakto lang ang kasya sa salas ng bahay. Bumili rin ako ng kama na twin size, yung pwedeng pandalawahan. Ipapa-deliver na lang nila yon sa bahay kaya binigay ko na yung address. Bumili din ako ng mga kurtina, drawers, shoe racks, at kung ano pang istante.

Pagkatapos ay sinunod ko naman ang Department Store. Bumili ako ng mga damit na pang-alis para pampasok sa university-ng papasukan ko, sapatos at bag. Tapos ay nag-grocery naman ako. Bumili ako ng mga excess foods para may stock ako sa bahay. Bumili ako ng cereals, breads, fruits etc.

Almost 200,000 din ang nagastos ko kumabaga, nasa $5000 din ang nagastos ko. At dahil sa dami ng mga pinamili ko, hindi ko alam kung paano ko iuuwi ang mga 'to. Hindi naman pwedeng taxi, kasi alam kong hindi kakasya. Yung mga appliances and furnitures ay for delivery naman kaya no hassle.

Pagod akong napabuntong-hininga sa hangin. Grabe ang araw na 'to. Tinignan ko ang relo ko at doon ko lang napansin na pasado alas-tres na pala ng hapon. Nakaligtaan ko pang kumain ng tanghalian.

"Miss?" napalingon ako sa tabi ko dahil biglang may kumalabit sakin. Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino iyon.

"I-ikaw?" siya nga! Yung lalaking weirdo sa convenience store!

Ginawaran niya ako ng tipid na ngiti. "Siguro dapat munang sumbay ka muna sakin sa pagkain, kanina ko pa kasi naririnig yung tyan mo."

Agad naman akong napahawak sa tyan ko. Hehehe, gutom na kasi talaga ako pero hindi ko naman naramdamang nag-aalburoto yung tyan ko. Hiya ko siyang nginitian. "O-okay lang? Pasensya na ha?"

Tumango siya sakin at tinulungan akong bitbitin ang mga paper bags and grocery bags na dala ko. Pipigilan ko sana siya pero nakuha na niya ito agad at naunang maglakad sa akin kaya no choice ako kung hindi ang sundan siya.

Tumungo kami sa Pizza Hut at nagsimula ng mag-order. Habang hinihintay ang pagkain namin ay napag-isipan kong magsalita.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko. Ang pangit naman kasi kung hindi ko alam pangalan niya diba? Tapos magkasama pa kami.

Playful Sweet DesireWhere stories live. Discover now