S I X T H (150923)

700 14 3
                                    


x/n: Nawala yung phone ko pero binalik siya. Super thankful talaga ako kasi hindi ko akalain na may mga tao pa rin talagang may konsensiya. At dahil sa super thankful ako kay Lord at doon sa nagbalik ng phone ko, ginanahan akong mag-update ng medyo mahaba hahaha.

And... HAPPY 10K reads readers! OMG! Never thought na aabot ito ng 10 thousand 😂 I'm so very happy na kahit may mga silent readers, dumadami ang nagbabasa. I appreciate your presence guys :) Don't worry, hindi na ako hihingi ng demand hihihi. Thank you sa mga patuloy na nagfa-follow sakin, nag vo-vote, in short...SUMUSUNOD SA RULES. Bwahahaha thank youuuu :*

Dedicated to @jadine_gelline. Thank you for following me!

Note: (para sa mga bibigyan ko ng dedications) I'll post it in your message board since minsan lang akong gumamit ng laptop. Tsaka para na rin aware kayo na sa inyo ko dine-dedicate yung chapter.

Enjoy reading~

-

Chapter 6

Mishy's

"Kirk?" mahinang wika ko nang sagutin ko ang tawag ni Kirk sa gitna ng klase namin.

[Sabay tayong mag lunch?]

"What? Tumawag ka para lang sabihin yan? Dapat tinext mo na lang, nasa klase ako e."

[Ah.. sorry. Pero sasabay ka?]

Napaisip ako sandali. "Wala ba kayong practice?"

[Wala. Mamaya pang uwian.]

"Okay. Kasama ba yung barkada mo?"

[Oo pero si Hector lang naman. Sige bye. See you later.]

"Okay."

Pasimple kong tinago ang cellphone sa bulsa ko. Tatanong ko pa naman sana kung sino si Hector, hindi ko naman kilala yon.

Kirk and I are in good terms. I mean, yung parang close friend ba?

"Mishy.." tinignan ko kung sino yung tumawag sakin only to find out na si Shiela pala. Nagpakilala siya kanina and nagtanong kung pwede raw ba kaming maging friends, syempre um-oo ako. Ayoko kayang maging loner dito 'no.

"Bakit?"

"Pwede ba akong sumabay ng lunch sa'yo? Wala kasi akong ka-close dito e." nahihiyang saad niya. Tumango ako at ngumiti. "Sige ba. Papakilala rin kita kay Andeng." sabi ko.

"A-andeng?" napakunot-noo ako sa tono niya. Takot ba siya sa baklitang 'yon?

"Bakit? May problema?" tanong ko.

Napaiwas siya ng tingin. "Ah-eh.. wala hehe."

Kumibit-balikat na lang ako.

-

"MISHY!" nilingon ko si Andeng na tumatakbo sa gawi namin. Kumaway ako sa kanya. Kakalabas lang namin ng classroom kasi tapos na ang class at magla-lunch na kami.

Nang makarating siya sa tapat namin ay sinapo niya ang kanyang dibdib at pinagpapapalo ito ng mahina saka huminga ng malalim.

"Lunch na tayo?"

"Sige pero hinihintay ko lang si Kirk tsaka yung kasama niya. Sasabay din silang mag lunch e."

At dahil sa pagbanggit ko ng pangalan ni Kirk ay tila nagpuso na naman ang kanyang mga mata. Marahan kong pinalo ang braso niya at binigyan siya ng tingin na mahiya siya sa kasama ko. Tumingin naman si Andeng kay Shiela na nakakunot ang noo.

Playful Sweet DesireWhere stories live. Discover now