F O U R T E E N T H (151117)

414 12 4
                                    

[ x/n: Warning! This chapter contains mature scenes. You have been warned. This chapter is dedicated to @SelenaFranZeneElegue thank you for adding this in your reading list. (= ]

-

Chapter 14
SPG

Mishy's

Nakahinga ako ng maluwag nang makarating ako sa bahay pagkatapos kong bisitahin si Stefan na medyo maayos na ang kalagayan. Inamin niya sakin na gusto niya ako pero hinayaan ko na lang. Ang hirap kasing maniwala na gusto ka ng isang tao sa maikling panahon na nagkita kayo.

Inis akong sumalampak sa sofa. Naalala ko na naman yung ginawa ni Arvin kay Stefan at yung pagkadala ko sa takot niya. Hindi ko alam kung bakit may kailangang madamay sa kagaguhan ng Arvin na 'yon! Kainis!

Tinawagan ko yung number ni Andeng pero hindi siya sumasagot sakin. Si Kirk naman, hay. Wala rin.

Biglang nag-ring yung phone ko at tumambad sakin yung pangalan ni Arvin. Damuhong 'to. For sure nagsumbong yung mga kasambahay at sinabing tumakas ako. Well, alam ko namang mahahanap din nila ako.

Buti na lang nakatakas ako sa peste niyang mansion. Thanks to Wallace na tinulungan akong makatakas.

Pinatay ko yung tawag niya pero tumawag na naman siya. Ah bahala siya dyan! Bago umakyat sa kwarto ko, sinipat ko muna ng tingin ang orasan. Pasado alas syete y medya na ng gabi.

Ramdam ko ang pagod mula sa byahe pero kailangan ko munang mailabas ang stress ko dahil sa Arvin na yan. Kakalimutan ko muna yung pagpayag kong labas sa ilong. Hindi ko pa rin tanggap na pag-aari niya ako. Sinabi ko lang yon para manahimik siya. Hindi ako pumapayag na maging empress kuno. Lalayo na ako sa kanya. Ayokong gumulo ang pilit kong pinatatahimik na buhay. Ayoko ng maglandas ang landas naming dalawa.

Naligo ako at nagbihis ng isang fitted na black dress. Medyo kita ang cleavage ko sa damit na yon, kasi naka see-through ang sa may dibdib ko then naka turtle neck tapos see-through ang likod.

Kinuha ko ang black killer heels sa may shoe rack at tumindig sa salamin. Itinali ko pataas ang buhok ko at binoknay ito malapit sa tuktok ng ulo ko, hinayaan kong malaglag yung ibang strands ng buhok ko para messy tignan.

I put an eyeliner at red lipstick saka baby powder. I grabbed my pouch na may lamang cellphone and wallet, saka lumabas ng bahay para pumara ng taxi.

-

Metropolitan

The flicking lights, smokes, wild music and noise coming from the dance floor welcomed me as I made my way towards the entrance of the bar.

I want to cover my nose and lumabas na lang ulit but I immediately remember kung ano bang dahilan para pumunta dito. Stress-out. I cleared my throat at taas-noong naglakad patungo sa bar counter.

The bartender sheepishly smiled at me as he asked for my order. "Light." tumango lang ito bago umalis.

Light muna ang iinumin ko para may thrill bago ako mag hard drink.

Inabot na sakin ng bartender ang inumin ko at may biglang sumulpot sa tabi ko. "Hi Miss, you alone?"

Ininom ko yung inumin bago sumagot. Light ba 'to? Bakit medyo gumuhit sa lalamunan ko? Aish. "I don't need your presence here." masungit kong sagot nang hindi tumitingin sa kanya.

Umalis na siya then may sumulpot na naman. Umorder ulit ako ng drink, yung medyo hard.

"Hi Miss, where's your boyfriend?"

Playful Sweet DesireNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ