S E V E N T H (151001)

648 13 1
                                    

[ x/n: Hello! Okay, first and foremost, this chapter is dedicated to @mobillow12. Hi! :) Thank you for the comment in chapter 6. Hiniling mo kasi na sana makapag-update na ako, kaya eto para sayo update ko ngayon hihihi. Tapos you even called me "author" omg. You're the first reader who called me that kaya na-flatter ako ng sobra though I'm an amateur. I hope that you'll enjoy reading this. May bonus yan *wink* ]
-

Chapter 7
SPG

Mishy's

It has been a month since I transfer here in El Jackson University. So far so good naman ang lahat. Maraming nangyari, Shiela talks a lot, kaya pala siya nahihiya is because may gusto siya kay Andeng. She's just talkative when it's just the both of us, pero kapag kasama si Andeng, she acts normal. Si Andeng naman ay naging busy sa school activities, siya na kasi ang nagha-handle sa cheering squad dito sa university, hindi naman siya sumasali, siya lang yung kumbagang adviser. And si Kirk? Ganon pa rin, walang pinagbago. Naging clingy nga lang siya lately. Katulad ngayon.

"Dali na kasi beb...manood ka na."

Pilit niya akong pinapanood ng practice nila sa soccer para daw ganahan siyang magpractice. And the endearment beb? Malay ko dyan. Kung ano-ano ang natutunan niyan kay Andeng.

Pinalo ko yung kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Manahimik ka nga dyan, Kirk. Pupunta pa ako sa prof ko sa statistics."

"Eh anong gagawin mo don?"

"Mag pinapagawa siya, okay? Susunod na lang ako mamaya sa practice niyo."

"Promise, beb?"

Inirapan ko lang siya. Kung maka-arte akala boyfriend e. Jusmeee.

"Oo na oo na!"

"Okay!" sabi niya then kissed on my cheeks. Hindi na ako nabigla. Nasanay na rin ako na ginagawa niya yon. Hindi ko na lang binibigyan ng malisya.

Nilagay ko na sa folder yung ginawa kong introduction speech. Napabuntong-hininga ako bago ko naisipang umalis at tumungo sa prof ko.

-

"Sir, yan na po yung introduction speech. No grammatical errors, printed na rin po yan."

Kinuha niya yung folder at umupo sa office chair niya. "Okay, maaasahan ka talaga." wika niya.

Aalis na sana ako nang may bigla akong naisipang itanong. Sa totoo lang kasi, binabagabag pa rin ako kung bakit kailangang ako ang gagawa ng speech, and worst bakit kailangang...argh. Basta malalaman niyo rin.

"Sir, bakit ako po pala ang pinagawa niyo? Pwede namang yung head chief na lang ng journalism, di po ba?"

Napatikhim naman siya. "Actually, it is also an order came from him, and he ordered or more like commanded, that you should be the one who will welcome him by your speech." pagpapaliwanag niya.

Ahh. Okay. Ang arte niya. Transferee nga lang ako dito tapos ako pa ang dapat gumagawa non? Psh. Kaya pala ang init nung dugo sakin ng head chief ng journalism, sabi niya siya dapat ang gumawa. Haler? Edi siya na! Parang gusto ko namang gawan ng speech yung leader ng frat dito 'no!

Tumango na lang ako at aakmang aalis na nang biglang may pahabol si prof. "Oh...and in that speech of yours, you should say it sweetly. Tomorrow will be the big day, I know that you know what to do after the speech, okay?" tumango na lang ako then lumabas na ng office.

Pagkalabas ko, bigla naman akong napasimangot. Badtrip. Bakit kailangang ipaalala niya pa yon?

-

Playful Sweet DesireOnde as histórias ganham vida. Descobre agora