E L E V E N T H (151027)

440 14 4
                                    

[ x/n: Hi fellow! Hmm. Anyway, I'll share a little conversation with you all. Share lang naman haha lol.

Okay, conversation 'to namin nila Mommy and Daddy, when my mmy found out that I'm writing a story like this.

M: Lagi ka na lang focus sa cellphone mo, ano bang ginagawa mo?

Me: *still typing for chapter 13* *tingin kay mmy then binalik ko sa mga works ko kung saan makikita yung iba't-ibang stories ko* *napatingin ako kay mmy na lumapit kay ddy tas may binulong-bulong* *le kinabahan*

Bigla namang lumapit sila mmy,

M: Tart, ang anak natin hindi na inosente! *le panic voice here*

Me: *roll eyes*

D: Totoo ba yon? *pinandilatan ako ng mata*

Me: Opo hehehe. Pero hindi naman ako ang gumagawa ng erotic scenes! *defensive & kabado*

D: *hinarap si mmy* O, hindi naman pala, Nhe.

M: Kahit na! Hindi na pure ang mind ng precious gem ko!

Me: *napaisip na bakit parang iba ang dating sakin nung precious gem ni mmy?*

D: Ang oa mo. Okay lang na magsulat siya ng ganon, wag lang maka-experience. Diba nak? *sabay baling sakin*

Me: Yes po mwehehehe.

D: *nakipag-apir sakin* *baling kay mmy* Tsaka para aware na rin ang anak natin kung minamanyak ba siya.

HAHAHA. Lol. lmao ddy :*

Anyway, this chapter is dedicated to @ReginaGracia0, salamat sa walang sawang suporta huhuhu i cri T^T lovelots :*

Enjoy reading~

-

Chapter 11

Mishy's

Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa bintana ng sasakyan ni Arvin. May pupuntahan raw kami pero hindi ko alam kung saan. Ang alam ko lang, right after niya akong halikan ng pagkatagal-tagal ay pwersahan niya akong pinapasok sa sasakyan niya. Ilang beses akong nagpumilit na lumabas ng sasakyan at ilang beses din akong tanong ng tanong kung saan niya ako dadalhin pero isang malamig na titig lang ang ipinukol niya sakin. Kaya ayun, umurong yung dila ko.

Aminin ko man o hindi, takot ako sa kanya. Sa buong pagkatao niya. Hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin sakin. Isa siyang maimpluwensiyang tao, at ang malas siguro ng babaeng magmamahal dito. Kung magmamahal man ang 'tong katabi ko, (which I doubt) ay babansagan ko siyang The Brutal Lover.

Ramdam kong namula ako bigla nang maalala ko yung paraan ng paghalik niya sakin kanina. Agresibo. Yung paghawak niya sa panga ko? Mula sa pagiging marahan, naging marahas ito nang pumusok ang paghalik niya sakin.

Wag niyo ng tanungin ang ginawa ko, okay? Basta tinitigan ko lang yung mga mata niyang nakapikit at hindi ko maigalaw ang labi ko kasi...hindi ako marunong. E-ewan. Ayon sa mga nababasa ko, mag practice daw sa bote. Kaso hindi ba't parang kahangalan lang 'yon? I mean, pagpapraktisan mong humalik sa hindi tutugon sayo! Edi ang natutunan mo lang ay yung up and down, swirl your tongue, thrust your tongue in the mouth. Tanong ko, nasa'n po yung thrill?

Malay pagpraktisan nila yung aso, for sure tutugon yon. Baka nga maging expert kisser ka kasi hindi lang labi ang gamit mo, buong dila pa! Magiging certified dog ka na rin. Fishtea.

Playful Sweet DesireWhere stories live. Discover now