S E V E N T E E N T H

272 9 6
                                    

x/n: Yipeeee! Happy 14K reads PSD! Grabe my heart is very very grateful dahil sinusuportahan niyo ang story na 'to omg i cri 😭😭😭 Sana hindi kayo matigil sa pagsuporta nito 😄😄 Nawa'y maibalik natin ito sa ranking! Anyway, Arvin Jonas Jackson is on top!

This chapter is dedicated to @LynneDoll, she's one of my favorite authors. Specially sa mga erotic-comedy, any romance stories :) Lahat ng works niya binabasa ko. Wieeee. Hi author! Idol ko kayo hihihi :*

-

Chapter 17

Mishy's

Lakad-takbo ang ginawa ko para makahabol ako sa klase ko. Late na akong nakatulog kagabi dahil sa may tinapos akong pina-assignment ng professor. Tapos naalala ko pa yung nangyari kahapon. Napa-iling na lang ako.

Napabagal ako sa paglalakad nang mapansin kong halos lahat ng studyante ay nasa quadrangle. Sa Gate 3 ako dumaan kaya hindi ko alam kung anong meron.

Naki-usyoso ako sa mga nagsisiksikan. "Excuse me.." pilit akong sumisiksik pero hindi ako makalusot. Teka, bakit ba ako nagpapaka-chismosa dito? Ah basta, gusto ko lang malaman kung anong meron.

Nakaisip ako ng magandang ideya. Maaarte pa naman ang mga ito. "May ipis!"

"Oh my god! Nasaan!?"

"Shucks! Kadiri!"

"Eww! Omg!"

Napailing na lang ako at walang hassle na lumakad papunta sa harap. Oh diba?

Nilibog ko yung paningin ko at nahagilap ng mga mata ko ang Mauvais na nasa kaliwang side at ang team naman ni Kirk na nasa right side. Bakit wala si Kirk at Arvin? At teka, ano bang meron!?

Tumahimik ang lahat nang makarinig ng busina ng sasakyan. Bumukas ang malaking gate pero hindi ipinasok yung sasakyan. Bumaba mula doon ang isang naka-unipormeng lalaki at binuksan ang pinto sa backseat.

Naningkit ang mga mata ko nang malamang kung sino ang bumaba.

"Joyril?" mahinang usal ko.

Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Maging sa akin, nang lumapit sa kanya ang Mauvais at ang team ni Kirk. Nagkaroon ng sari-saring bulungan.

"Oh my. Si Joyril yung tinutukoy ni Mr. Jackson kahapon?"

"Hala! She's lucky."

"Yeah right. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa kanya diba? She's rich and beautiful. Perfection na kumbaga. I-dagdag mo pa na mapapangasawa niya si Mr. Jackson."

"I wish I was Joyril.."

Napa-irap na lang ako. So si Joyril pala yung tinutukoy niya? Hindi ako? Ah wait. Ano naman kung si Joyril nga? Diba dapat nakahinga ako ng maluwag kasi hindi na ako magagamit ni Arvin? But why can't I be happy? Aish.

Narinig na siguro ni Joyril ang mga bulungan at alam kong nakaramdam na siya kung anong meron. Perhaps, iniisip niyang siya yung tinutukoy ni Arvin- which is siya naman talaga.

Nakasunod sa likod niya ang Mauvais at ang team ni Kirk. Pero bakit wala man lang yung leader ng dalawang panig?

Nagkatinginan kami ni Joyril dahilan para tumigil siya sa paglalakad at lapitan ako. Dumako ang tingin ko sa mga lalaki na deretsyo lang ang tingin.

"Well, well, well. Alam mo sigurong ako ang ipapakilala ni Mr. Jackson kahapon that's why you created a scene, huh?"

Ha! Taas ng tingin niya sa sarili niya 'no? Ang natatandaan ko, gumawa ako ng eksena kahapon dahil ako ang ipapakilala niya at hindi ikaw!

Playful Sweet DesireWhere stories live. Discover now