I gritted my teeth while reading the reply.

What the fuck? They made me wait for an hour only to cancel the meeting? Sana naman maaga pa lamang ay sinabihan na nila ako na hindi siya makakapunta ngayon.

They were the one who scheduled the meeting kaya dapat lamang na free sila sa araw na iyon.

Halos madurog na ang lettuce na nasa aking salad dahil sa gigil ko kay Jordan.

This is very unprofessional!

Matapos kong kumain ay umuwi na lamang ako sa aming bahay dahil sa pagkairita. Mabuti na lamang at nandoon si Xanley kaya agad ding nawala ang galit ko.

"Mama, Tito Legion taught me how to play basketball!" Proud niyang sabi sa akin habang nakasuot ng jersey png basketball.

Mayroon siyang hawak na bola sa kaniyang kamay. Mukhang mas malaki pa nga ang bola kasya sa kaniya.

"Really? Can you show me some moves then?" I excitedly replied.

Nagkulitan lamang kami ng anak ko sa araw na iyon at sa sumunod na araw pa. It was actually fun. Hindi ko muna pinagtuunan ng pansin ang project ko kay Jordan dahil hindi ko pa naman nakikita ang bahay niya kaya hindi ko magawang mag-ayos ng design.

Medyo iritado pa ako ng dumating ulit ang araw ng meeting namin ni Jordan. Ngayon ito, ang oras din ay katulad noong nakaraan.

Huminga ako ng ilang beses para kalmahin ang sarili ko. Baka mamaya ay kung ano pa ang masabi ko sa kaniya mamaya.

Ngunit katulad lamang noon ay na-kansela lamang ito muli. Kumukulo na talaga ang dugo ko, mabuti na lamang at mayroon akong kasamang driver dahil baka mabunggo pa ako kung saan dahil sa inis.

Mabuti na lamang dahil nasa treta minutos lamang ako naghintay hindi katulad noong dati.

Now, this is the second time he canceled our meeting. Bakit hindi na lamang siya mag padala ng proxy niya para hindi kami mahirapang pareho?

Can he make time? After all this is house. Ganoon ba ka-hectic ang schedule niya para ikansela itong muli?

Hindi ko alam kung sinasadya ba niya ito o sadyang madami lang talaga siyang ginagawa!

When the schedule of our next meeting came, sinigurado ko na matutuloy na talaga ito.

"Kuya, do you know the address of Jordan's company?" Tanong ko sa kapatid ko.

"Hm... why?" Nagdududang tanong nito.

I can already imagine him looking at me suspiciously while raising his brows.

"I have a project to him." Umirap ako. "So what's his address?"

Nilista ko ang address na sinabi niya. I don't want to ask his secretary dahil baka mas lalong hindi matuloy ang meeting na ito.

I can just get the house keys and ask him to send someone over.

I am busy with Xanley too! Gusto ko na ring simulan ito para matapos na agad at hindi na ako mai-stress sa kaniya.

"I thought their family is into agri? Bakit hotel na?" I asked.

Noon kasi ay alam ko na Agriculture ang business nila, nakakapagduda lang na ngayon ay mayroon na silang hotel at hindi lamang hotel dahil four star hotel na ito in just a short time.

The Burning Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon