"Tigilan mo yan, di na kita crush 'no. Tara na"

I'm somehow offended on what he said. Di ko naman sinabi na crush nya pa rin ako! Sya lang nag iisip non. Sinamaan ko sya ng tingin tsaka padabog na tumayo. Yabang mo!

"As if namang mas maganda sakin yung bago mong crush" inirapan ko sya tsaka pamartsang naglakad

"Mas maganda ka..."

Nilingon ko sya tsaka tinaas ang kilay. Di ko rin napigilan ang pagngiti. Parang nanalo ako sa kung ano.

"Mas mataray at mas maarte nga lang din" habol nya na nagpawala sa ngiti ko

Tinalikuran ko sya at naglakad na ulit. Tumatawa pa sya ng kaunti bago sumunod sakin.

"Nadine Mira Montañez!" tawag ni Nathan sakin

I rolled my eyes. Early in the morning ganyan ang bubungad sakin? Great.

"Stop calling me by my full name!" Bulyaw ko

"Bawal nickname tapos bawal din full name. Anong itatawag ko sayo middle name nalang?" sarkastikong pahayag nya

Pinandilatan ko sya ng mata at agad naman syang tumigil sa pagngisi.

"Kaibigan mo ba 'yong si April? Pakilala mo naman ako"

"May bibig ka naman ba't di ikaw ang magpakilala?" Mataray na tugon ko tsaka sya nilampasan

Nagsimula na akong maglakad papunta sa classroom namin. At bakit naman nya gustong magkakilala sila? Duh, mas maganda naman ako kay April no. Wala pa akong kuto compare to her.

"Bakit parang naiinis ka?" tanong nya, sumunod pala sya sakin

I didn't bother to answer him, I just continue walking.

"Ayaw mo ba akong makipagkilala sa iba?Crush mo na rin ako 'no?" pang aasar nya na nakapag patigil sakin

"Excuse me?" baling ko sa kanya

"E bakit ayaw mo akong ipakilala?"

"Pa'no ka nakarating nga grade 8 kung simpleng pagpapakilala lang ay hindi ka marunong?" balik ko sa kanya

Sandali syang natahimik sa tanong ko at parang nag isip.

"Magkaiba yon. Crush ko kasi 'yon tapos lagi kayong magkasama. Sige na" pamimilit nya

"Ang pangit naman ng crush mo"

Nagpatuloy ako sa paglalakad pagkatapos kong sabihin 'yon. I suddenly feel guilty. I don't know why I said that. Parang nakakainsulto lang kasi talaga na pagkatapos magsabi sayo ang isang lalaki na gusto ka nya ay kinabukasan may iba na syang gusto.

"Maganda ang crush ko 'no!" sigaw nya pero di ko na nilingon

"Ang ganda mo kaya!" sigaw ulit nya

A smile formed in my lips.  Nagkibit balikat nalang ako at nakangiting pumasok sa classroom namin.

Month passed at ganon palagi ang nagiging interaksyon namin. Palagi nyang sinasabi na ako talaga ang pinaka-crush nya tapos yung iba ay slight lang. Ewan ko ba, naguguluhan pa rin ako sa idea nya sa pagkaka-crush pero hinahayaan ko nalang.

Masaya rin kasi sa pakiramdam na may nagkakagusto sayo. Nakakataas din ng bilib sa sarili.

"Pag nakapasok ako sa team girlfriend na kita ha" tumatawang sabi nya

Narito kami sa covered court at sinasamahan nya ako sa paghihintay sa driver namin. Madalas ay ganito na talaga ang ginagawa nya.

"Asa ka namang makakapasok ka" tumatawa rin na balik ko

Epitome Of Revenge (Scarred Heart Series 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora