"My mom only had one eye "

38 2 0
                                    


I never forget the day when we have event in the school . Araw na iniwasan at pinandirihan ako ng lahat dahil sa nakita nila ang ina ko . Tanging kahihiyan at galit ang naramdaman ko nung araw na yun

"Ohmaygash mama mo yan? Iww "
"HAHAHAH tingnan mo mama niya iisa ang mata "
"Alien!!! Anak ng alien "

Yan ang mga maririnig ko sa nakapaligid samin

"Anak naiwan mo kase itong baon mo kaya dinala ko . Alam ko magugutom ka kaya heto " at iniabot niya ang bag na may lamang pagkain

"Ma naman diba sinabi ko sayo na wag na wag kang pupunta dito!! " Pag angil ko sa kanya

"Ayokong magugutom ka anak , pasensya na "  malungkot na saad niya

Akmang hahawakan pa niya ako pero itinaboy ko ang kamay niya

"Pasensya? eh tingnan mo nga oh pinagtatawanan nako ng mga kaklase ko "

Nangingilid ang luha niya pero pilit parin siyang ngumiti at iniaabot ang pagkain

"Umalis ka na nga !! " Galit na sigaw ko sa kanya at tinapon ang pagkain .

Magsasalita pa sana siya pero kinuha na lng niya ang pagkain at inilapag sa tapat ko ng maayos .

Simula noon hindi na ako tinigilan ng mga kaklase ko sa pambubully . Bakit pa kase ako may ina na iisa lang ang mata .

Dumating ang kaarawan ko pero walang bumisita dahil lahat sila ay takot kay mama at nawalan narin ako ng kaibigan

"Happy birthday anak pagpasensyahan mo na ito lang ang nakayanan kong handa mo "

"Sana hindi na lang kayo naghanda , sino pa bang pupunta dito ? Eh lahat ng tao ayaw saken dahil may nanay akong kagaya mo ! "

"Pasensya na anak g-ganito ako pero may surprize si mama . "

Kinuha niya ang kahon at inilabas ang laman nito isang cake na may kandila sa ibabaw .

Ngayon lang ulit ako nakaroon ng cake sa birthday ko simula ng mawala si papa .

"Magwish ka na anak , baka matupad ang hinihiling mo "

I just rolled my eyes and make a wish .

"Sana hindi na lang ikaw ang naging ina ko ! Sana hindi na lang si papa ang nawala kundi ikaw! "

Malakas na sigaw ko sa kaniya. Puro galit na lang ang nararamdaman ko sa araw na yun .

Namimiss ko na si papa . Sana nandito siya .... Sana siya na lang ang kasama ko ngayon .

"S-sige na hipan mo na ang candle mo " pilit parin siyang ngumiti at nagpanggap na hindi nasaktan

Ginawa ko na nga lang ang gusto niya .

Inilapag na niya ang cake sa lamesa at lumapit sa akin ..

"Sorry anak .. Ng dahil sa akin nawalan ka ng ama " pinunasan niya ang mga luha ko at niyakap ako .

Naramdaman kong may luhang pumatak sa aking likod .

Hindi ko na nakayanan kaya kumalas ako sa pagkakayakap niya at umalis sa bahay na iyon .

Umalis ako sa bahay namin ng walang paalam .

Pinagsabay ko ang trabaho ko at pag aaral kaya ngayon ay nakaahon ako . Kasal narin ako sa Ialaking minamahal ko .

Halos 4 na taon din na wala na akong balita sa kaniya .

Pagkapanganak ko naman sa una kong anak ay may natanggap akong sulat.

Isang sulat na magmumulat sakin sa katotohanan .

May nagsabi sa akin kung asan siya at ano ng kalagayan .

Nasa kalye siya naninirahan dahil sa gutom at sakit humina ang katawan niya.... Doon sa kalye siya binawian ng buhay . Tanging yakap niya lang ay ang larawan naming pamilya at itong sulat ko

Minsan lng ako makatanggap ng balita sa kaniya pero ganito pa .

Nanginginig at nangingiyak kong binasa ito

Para sa mahal kong anak ,
               Pasensiya ka na anak sa lahat ng bunugay kong sakit sayo . Alam kong nasaktan ka ng lubusan sa pagkawala ng ama mo . Masakit para sa akin dahil nawalan ako ng minamahal pero mas masakit pala na makitang nasasaktan ang anak ko dahil sa nawalan siya ng ama . Pasensiya na rin kung ako ang naging ina mo . Alam ko na buong buhay mo ay ikinahihiya mo ako dahil sa itsura ko . Isa lang ang mata ko dahil hindi ko kayang makita ang anak ko na iisa lang ang mata . Naaksidente tayo noon , nawala ang ama mo at nawala naman ang ipinagbubuntis kong kapatid mo ... At ikaw ... Nabulag ang isa mong mata .  Kaya binigay ko itong mata ko para ikaw naman ang makakita ng buo kung gaano kaganda ang mundo . Pasensiya na kung ako ang naging ina mo kung bibigyan ako ng pagkakataon na papiliin ka ng ina mas hihilingin ko na mapunta ka sa iba . Marami akong pagkukulang at kasalanan sa iyo . Palagi kitang binabantayan hanggang sa magkapamilya ka na . Kita ko na napakasaya mo kahit wala ako . Alam kong hindi na ako magtatagal sa mundong ito . Huwag kang mag alala anak , hindi ako kailan man nagalit sayo . Pinapatawad kita sa lahat lahat . Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita . Mahal na mahal ka namin ng papa mo . Andito lang ako at laging gagabay sayo .

                                                                     Nagmamahal,
                                                                          Iyong ina

" Ma , sorry sa lahat ng naggawa ko sayo . Sorry sa lahat hindi ko gustong saktan ka . "

Nandito ako ngayon sa harap ni mama .
Sobrang sakit at bigat sa dibdib na makitang puntod na lang niya ang nakikita ko .

" Maling mali ako ikaw ang naging best mom in the world at kung papapiliin ako ng magiging pamilya kayo parin ang pipiliin ko ."

Tumingin ako sa kalangitan .

"Ma alam kong andiyan ka ,  Thankyouu ma sa matang ito . Aalagaan ko to .Sabay nating nakikita ang mundo sa pamamagitan ng mata ko at mata mo. Mahal na mahal kita ma ..  "





Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon